Matapos ang office hours ay niligpit ko ang mga gamit ko para makaalis na ng kompanya. Nauna nag umuwi sina Christian at ang anak ko. Gusto sana nila akong isabay pauwi ngunit tinanggihan ko. Normal na empleyado pa rin ako ng kompanya kahit pa sabihin na asawa ng may-ari ng kompanya. Ayukong magkaroon na naman ng isyu na porke't asawa ako ay mag feeling boss na din ako. Baka sabihin pa vip ako. Kaya naman para maiwasan ang issue ay pinauna ko nalang sila. Wala akong sasakyan, kaya naman ay commute ang gagawin ko. Dati ko na namang gawain to, noong bago palang ako dito sa Manila. Nagkaligaw- ligaw pa nga ako dati eh. Natatawa ako ng maalala yon. Nong mga panahon lumagpas ako sa dapat kong babaan, o kaya naman minsan akala ko ito na pero pagbaba ko, malayo pa pala, ang resulta nilalaka

