ANG GALIT NI LLIANE

1338 Words
CHAPTER 9 LLIANNE JANE POV Isa-isang nagsalita ang mga kasama ko sa meeting pito lang naman sila, pero pakiramdam ko, parang isang daang tao ang sabay-sabay na nag-iingay sa loob ng conference room. Habang isa-isa silang nagpapaliwanag, lalo lang gumugulo ang lahat. Ang bawat boses ay parang kalansing ng lata walang direksyon, walang laman, puro palusot. Pinilit kong makinig, pero habang lumilipas ang minuto, naramdaman kong unti-unting umiinit ang ulo ko. Ang mga salitang lumalabas sa bibig nila ay parang walang katuturan puro dahilan, puro "akala ko," puro "hindi ko po alam." Hanggang sa hindi ko na napigilan. “Teka nga!” malakas kong sabi, sabay taas ng kamay para patahimikin sila. Naputol agad ang ingay. Ang huling nagsasalita ay si Shantel, ang babaeng kanina ko pa pinipigilang tirahin. “Shantel, right?” malamig kong tanong. Nakita ko kung paano siya dahan-dahang tumango, halatang kabadong-kabado. Para bang alam na niyang may mangyayaring hindi maganda. “Ang galing mo makipag-chismisan kanina, ha?” patuloy kong sabi, dahan-dahan akong lumapit sa kanya. “Narinig ko pa ang maliliit n’yong tawanan ni Bianca malapit sa elevator. Ang lakas n’yong magkwento tungkol sa bagong CEO tungkol sa akin.” Huminga ako nang malalim, saka napangisi. “Pero ngayon, dito sa meeting, hindi mo man lang kayang magpaliwanag ng diretso? Para kang estudyante sa elementary na pinilit mag-report kahit walang alam. May kodigo ka na nga, bobo ka pa rin magpaliwanag.” Nanlaki ang mga mata ni Shantel, at kita kong nilunok niya ang laway niya nang dahan-dahan. Halos hindi na siya huminga. “Wala akong makitang matinong trabaho mula sa inyong lahat,” dire-diretso kong sabi habang paikot ang tingin ko sa kanila. “Ano bang gusto n’yong gawin ko? Mag-stay kayo tapos magpatuloy sa katamaran n’yo? Hindi na siguro. Mas madali siguro kung termination na lang.” Napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon nila may takot, may inis, pero walang may lakas ng loob magsalita. “Oh, ano ‘yan, Mary Jane?” sabat ko bigla sa isang babaeng napataas ang kilay. “Reklamo ka nanaman? Eh anong gusto mo gawin ko, palakpakan kayo? Puro basura itong mga report ninyo!” Kinuha ko ang makapal na bundle ng mga papeles na kanina pa nasa harapan ko at walang pag-aalinlangan kong inihagis sa ere. Nagliparan ang mga papel sa buong conference room, at nagsitakbuhan pa ang ilan para habulin. “Puro mali! Wrong spelling, wrong figures, wrong concept halos lahat basura! At ‘yung report mo, Mary Jane, halatang minadali. Alam mo kung bakit ka umuwi kahapon? Dahil alam mong basura ‘yung gawa mo at baka pagalitan kita!” Tumingin ako diretso sa kanya. “O baka dahil alam mong may tatakip sa’yo? ‘Yung HR na pinsan mo? Sorry, sweetie. Terminate na siya. Kaya ngayon, sino na magtatanggol sa’yo?” Tahimik. Wala ni isang umimik. Lahat sila, parang mga estatwang walang buhay. “Alam n’yo,” patuloy ko, “nasa design department kayo isa sa mga pinakaimportanteng sangay ng kumpanya. Pero ganito klase ng trabaho ang pinapasa ninyo? Walang effort, walang malasakit. Parang pinagsasawaan niyo lang ang suweldo na galing sa pagod ng ibang tao!” Muli kong tinapunan ng tingin ang bawat isa. “Marami diyang mas deserving sa inyo. Mga contractual na mas masipag, mas maayos mag-isip, at may respeto sa trabaho. Samantalang kayo, mga regular employee na, pero parang walang ambag kundi reklamo at kape.” Tahimik pa rin sila, ngunit ngayong mas malinaw na ang mga mukha nila may ilang napapaluha, may ilan namang tahimik na galit. Pero wala akong pake. “Kaya ngayong araw,” sabi ko sa malamig na tono, “pagkatapos ng meeting na ‘to, gusto kong makita ang output n’yo. Kapag hindi maayos alam n’yo na ang susunod.” Naglakad ako pabalik sa harap, inayos ang laptop ko, saka marahang nagsalita. “Hindi ako nandito para maging kaibigan n’yo. Nandito ako para ayusin ang kalat na iniwan n’yo. At kung hindi n’yo ako kayang sabayan, then maybe you don’t deserve to be here at all.” At doon, tuluyan nang namuo ang katahimikan mabigat, nakakabingi, at mas nakakatakot kaysa sa sigaw. Paglabas ko ng conference room, ramdam ko pa rin ang bigat ng tensyon sa likod ko ang mga tingin ng mga empleyadong iniwan kong halos di makahinga sa kaba. Pinilit kong huwag lumingon; ayokong makakita ng mga maawaing mukha, dahil alam kong wala akong dapat kaawaan sa mga taong walang malasakit sa trabaho. Narinig kong bumukas ang pinto sa likod ko at kasunod niyon ay ang mahinang mga yabag nina Fred at Carmelle. Hindi ko na kailangang lingunin para malaman na sinusundan nila ako. Alam kong pareho silang kabado, pero may halong pag-aalala rin alam nilang kapag ganitong tahimik ako, mas delikado. Huminto ako sa tapat ng malaking bintana sa hallway, pinagmasdan ang ibaba kung saan abala ang mga empleyado, at saka ako bumuntong-hininga. “Bantayan niyo sila,” malamig kong sabi, hindi man lang tumingin sa kanila. “Yung output na pinagawa ko gusto ko ngayong araw din makita. Kapag hindi ko pa rin nagustuhan…” tumingin ako sa kanila sa wakas, matalim ang mga mata, “…maghahanap tayo ng bagong empleyado na papalit sa kanila.” Nagkatinginan silang dalawa, at gaya ng inaasahan, si Carmelle ang unang nagsalita. “San po tayo kukuha, Ma’am?” mahinahon niyang tanong, halatang nag-iingat sa bawat salita. “Sa ibang empleyado na may potensyal,” mabilis kong sagot. “Yung may pagpapahalaga sa trabaho, hindi yung umaasa lang sa pangalan ng department nila. Ayoko nang may sumasahod nang wala namang silbi. Sayang ang perang galing sa kumpanya.” Tumango si Fred, habang si Carmelle naman ay nagtanong ulit, mas mahina na ngayon ang boses. “Mag-a-announce na po ba kami, Ma’am?” “Yes, sure.” Nilagay ko ang kamay ko sa bewang ko habang diretso ang tingin sa kanila. “I-announce niyo na. Kung sakaling hindi ko magustuhan ang huling output ng design department, kukuha tayo ng papalit sa kanila. Yung may disiplina, may respeto sa oras, at may dedikasyon.” Bumuntong-hininga ako bago muling nagsalita. “Pagawain niyo rin ng sample output yung mga empleyado sa ibang department. Gusto kong makita kung sino ang may potensyal. I-compare natin sa gawa ng design team. Para may batayan ako kung sino ang dapat manatili at sino ang dapat lumayas.” Tahimik muna bago sumingit ulit si Carmelle, halatang nag-aalangan. “Ano pong mangyayari sa mga empleyado ng design department kung hindi niyo po magustuhan ang output nila, Ma’am?” Napahinto ako sa paglalakad, saka ako tumingin sa kanya. “Maybe tanggalin na lang sila,” sabi ko kalmado pero mabigat ang tono. “Para matuto. Para magtanda. O kaya ilipat sa lower position para maramdaman nila kung gaano kahirap magsimula ulit.” Tinaas ko ang isa kong kilay. “Para kasi silang mga baguhan. Mga walang pakialam. Mga walang kwenta. At kung kailangan kong magbawas, gagawin ko. Aalisin ko ang mga tanga, tamad, at kurakot dito sa kumpanya.” Tahimik silang dalawa. Kita ko sa mukha nila ang kaba, pero may bahagyang paggalang din alam nilang seryoso ako. Bago ako tuluyang pumasok sa opisina ko, huminto ako sa may pintuan at tiningnan silang mabuti. “At isa pa,” sabi ko sa malamig na tono, “’wag niyong susubukang tulungan sila, ha? Kapag nalaman kong may tumulong, kayo ang malalagot sa akin.” Nanlaki ang mata ni Fred, at si Carmelle naman ay napalunok, halatang nabigla sa babala ko. Pero sa huli, sabay silang tumango. “Opo, Ma’am Llianne.” “Good,” sagot ko, saka marahang binuksan ang pinto ng opisina ko. Bago ko ito tuluyang isinara, tumingin ako saglit sa kanila at malamig na ngumiti. “Simula ngayon,” sabi ko, “ayoko nang may palusot. Ang gusto ko lang resulta.” At doon ko sila iniwan sa hallway, parehong nakatayo, tahimik, at mukhang natulala sa bigat ng mga salitang binitawan ko. Sa loob-loob ko, alam kong ito na ang simula ng pagbabago kahit gaano pa kasakit para sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD