EPEKTO NI RAVEN

1150 Words
CHAPTER 17 LLIANNE JANE POV Pagkapasok ko sa condo, para akong robot. Tahimik. Walang direksyon. Para bang iniwan ko lahat ng lakas ko sa ospital, sa hallway kung saan kami nagtitigan ni Raven na parang hinugot ang kaluluwa ko. Pagbagsak ko sa sofa, hindi ko agad naramdaman ang pagod. Ang naramdaman ko lang ay yung mabigat… yung nakadagan sa dibdib ko na parang hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala sa kisame o kung ilang beses kong sinubukang hindi maalala kung paano siya tumingin sa akin kanina. Pero kahit anong iwas ko… pumapasok. Paulit-ulit. Yung mga mata niya. Yung reaksyon niya nang makita ako. Yung kirot na hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam. Naiinis ako. Nanggigigil. At higit sa lahat galit ako sa sarili ko. “Bwisit,” bulong ko, halos pabulong pero punô ng panggigigil. Bigla akong tumayo. Hindi ko na kinaya yung bigat sa dibdib ko. Hindi ako pwede dito, hindi ako pwede naka-upo lang, hindi ako pwede magpaka-baliw kakaisip. Napunta ang katawan ko sa kwarto ko bago pa makapagdesisyon ang utak ko. Binuksan ko ang drawer kung saan ko tinatago ang baril ko isang piraso ng buhay ko na hindi ko inalis kahit kailan, kahit anong posisyon ko. Kinuha ko ito. Nilagyan ng magazine. Siniguradong loaded. Hindi para saktan ang sarili ko. Kundi para ilabas ang lahat ng bwisit, galit, sakit, at tanong na hindi ko maamin kahit sa sarili ko. Isinara ko ang drawer. Kinuha ang jacket ko. Cellphone. Susì ng sasakyan. Walang dalawang minuto, palabas na ako ng condo. At wala akong pakialam kung hatinggabi na. Iilang minuto lang ay nasa kotse na ako, tinatahak ang pamilyar na daan papunta sa private shooting field na pag-aari ng pamilya namin. Walang tao doon tuwing ganitong oras. At okay lang sa akin. Mas gusto ko nga na walang makakita kung paano ako mabasag. Pagdating ko, inilapit ko ang sasakyan sa dulo ng field, bumaba na may dala ang bigat ng buong araw o baka ng buong nakaraan. Pagpasok ko sa loob ng booth, kinuha ko ang ear protection, huminga ng malalim, at itinaas ang baril. “Putangina naman…” bulong ko habang nanginginig ang mga daliri ko. BANG! Isang putok. BANG! Isa pa. Habang bawat bala ay kumakawala, mas lalo kong nararamdaman ang paglabas ng mga kinikimkim kong emosyon galit sa mga empleyadong inutil, galit sa pagkapagod, galit sa bigat ng responsibilidad, galit sa sariling hindi kayang maging bato… At higit sa lahat galit na nakita ko ulit siya. BANG! “Bwisit ka, bakit ka bumabalik?” BANG! “Bakit ngayon pa?” BANG! “At bakit hanggang ngayon… nasasaktan pa rin ako?” Pagkatapos ng ilang putok, kusa na lang akong napaupo sa sahig, hawak pa rin ang baril, habol-hininga, at parang malapit nang maubos. Hindi ko alam kung luha ba ang lumalabas o mula lang sa hangin ng gabi. Pero isang bagay ang sigurado: Hindi pa tapos ang kaguluhan sa pagitan namin ni Raven. At hindi ko alam kung handa ba akong harapin ang susunod. Nakangawit na ang mga braso ko, nanginginig na rin ang kamay ko kakaputok. Pero hindi pa rin nawawala yung bigat sa dibdib ko. Tumigil ako sandali, nakasandal sa pader ng booth, hinihingal, parang gusto ko nang sumigaw. Tahimik ang paligid. Sobrang tahimik… hanggang sa may biglang nagsalita mula sa likod ng dilim. “Ate…” Mabilis akong napalingon, sakto pa sa pag-angat ko ng baril dahil instinct ko na ang maghanda kapag may boses sa gitna ng field na dapat ay walang tao. Pero nang maaninag ko sa liwanag ng floodlight ang mukha, agad bumagsak ang balikat ko. Si Reed. Nakatayo siya sa madilim na bahagi ng field, nakasandal sa poste, may suot na itim na jacket at jeans at saka yung mukha niya… yung mukha niya na puno ng pag-aalala, halatang kanina pa ako pinapanood. “Put—Reed!” napabulalas ako, ibinaba ang baril. “Anong ginagawa mo dito? Gabi na.” Lumapit siya nang dahan-dahan, parang natatakot na baka masaktan ako ng isang maling salita. Hindi ko alam kung nakakainis o nakaka-touch yung gano’ng pag-iingat niya. “Ate…” mahinang tawag niya habang papalapit. “Alam mo bang kalahating oras na kitang pinapanuod? Akala ko may kalaban ka dito ’yon pala, sarili mo ang binabaril mo.” Napairap ako, pero hindi ko kinaya itago ang pagod sa boses ko. “Hindi ko binabaril sarili ko. Nagpapalabas lang ako ng stress. Don’t make it dramatic.” Huminto siya sa harap ko, tinignan nang matagal ang baril sa kamay ko bago dahan-dahang kinuha mula sa pagkakahawak ko. Hindi ako lumaban. Wala akong lakas. “Ate…” bulong niya, puno ng pag-aalala. “Ano bang nangyayari sa’yo? Hindi ka ganito. Hindi ka nagpupunta dito nang mag-isa. Hindi ka nagpapaputok nang halos ubusin mo yung magazine nang walang pahinga.” Lumunok ako, pilit na tinatag ang sarili ko. “Bad day lang.” Umangat ang kilay niya. “Bad day? Ate, kung bad day lang ’yan, dapat nagsisigaw ka lang sa phone mo. Hindi ’yung halos wasakin mo ’tong field.” “Reed…” napapikit ako, pinipigilang mabasag. “Pagod lang ako.” “Pagod?” ngumisi siya, pero walang saya. “Hindi yan pagod, ate. I know you. I grew up with you. ’Pag stress ka, nagko-coffee ka. ’Pag galit ka, nang-aaway ka. Pero ’pag ganito ka tahimik ibig sabihin may bumabalik na ayaw mong aminin.” Hindi ako sumagot. Hindi ko kaya. At parang sinaksak niya ako sa sagot niya nang sabihin niya, “Siya ba?” Napalunok ako. Napatingin sa lupa. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin nang hindi ako umiiyak. Lumapit pa siya ng isang hakbang, at sa boses na mas malambot sa dati, nagtanong siya ulit: “Nakita mo siya, ’di ba? Si Raven.” Nanigas ako. Hindi na kailangan magsalita. “Damn it…” bulong niya, ibinaba ang baril sa mesa at saka lumapit pa sa akin, marahang hinawakan ang magkabila kong balikat. “Ate, bakit hindi mo sinabi na pwede pala kayong magkita ulit?” Unti-unting tumulo ang mga luha ko bago ko pa mapigilan. “Hindi ko rin alam, Reed…” pabulong ko, paos. “Hindi ko alam na andoon siya. Hindi ko alam na… na kaya pa rin niyang basagin ako.” Humigpit ang hawak ng kapatid ko sa akin, ngiting mapait ang nasa labi niya. “Tangina naman, ate… kung ganito pa rin ang epekto niya sa’yo…” huminga siya nang malalim, “…paano ka magpapakatatag kung bigla siyang bumalik sa buhay mo?” Napahawak ako sa dibdib ko, at sa wakas, sa unang beses ngayong araw Inamin ko. “Reed… natatakot ako.” At hindi ko alam… kung kay Raven… sa sarili ko… o sa sakit na babalik kapag hinarap ko ulit ang lalaking minsang minahal ko nang sobra. At sinira ako nang higit pa sa kayang ayusin ng kahit anong bala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD