Umalis na nga ng probinsya sila Nadine at Jen. Pansamantalang tumuloy muna sila sa tiyahin ni Jen sa Calamba Laguna habang naghahanap sila ng matitirhan. At saktong malapit din doon yung company na tumawag sa kanila after nilang mag send ng CV. Scheduled interview nila kinaumagahan. Pareho naman sila na hire sa iisang company, as process engineer, magkaiba lang sila ng department. Pero pareho sila nasa chemical laboratory doon. Okay naman ang offer na sahod sa kanila kasi International company naman iyun kahit fresh graduate sila. At kumuha sila ng matitirhan na malapit lang sa kanilang pinag tatrabahuan. Bahay ang nakuha nila at may dalawang kwarto. Lingid sa kaalaman ni Nadine na alam ni Paul kung saan sila nagtatrabaho at kung saan sila nakatira, dahil sinabi ni Jen sa kanya. Si P

