THE DESPERATE LOVE EPISODE 40 PAGTATAKA ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. LABIS AKONG nasaktan sa sinabi ni Davien sa akin. Dahil labis akong nasaktan sa kanyang ginawa, hindi ko siya pinapansin. Kapag nagka kasabay kami sa pagkain ay hindi ko siya kinakausap. Parang napansin ni Betty ang pagiging mailap ko sa kanyang ama kaya ngayon na nandito ako ngayon sa kanyang kwarto at sinusuklayan ang kanyang mahabang buhok ay nagtanong siya sa akin. “Are you mad at my Dad?” tanong sa akin ni Betty habang nakatingin siya sa akin. Tumigil ako sa pagsuklay sa kanyang buhok at bahagya akong ngumiti sa kanya. “May hindi lang kami pagkakaunawaan ng Dad mo, Betty. Pero alam ko naman na magiging maayos din kami,” sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsalita sa aking sinabi. Nakatingin lang siya sa aki

