ARKISHA MIRABELLA'S POV:
“Meron! Ibigay niyo sa akin si Arkisha!”
Biglang dumilat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang isang malakas at marahas na paghila. Tila tumagilid ang mundo. May biglang sumunggab mula sa dilim ng choir loft at hinablot ako mula sa likuran, sa sobrang lakas nito, halos mawalan ako ng hininga.
Bago pa man ako makasigaw, naramdaman ko ang malamig at nakapanghihilakbot na pagdikit ng matigas na bakal sa aking sentido.
“Subukan mong lumapit, pasasabugin ko ang ulo ng babaeng ito!” the man barked.
Nagkakagulo na sa loob ng simbahan. Ang kaninang tahimik at banal na atmospera ay tila basong nabasag sa libu-libong piraso. Ang puso ko ay humahagupit sa aking dibdib, parang isang ibong nakakulong at gustong makawala.
I could see Euan’s face change - the smugness vanished, replaced by a feral, terrifying rage.
“Oh my God! Who is he?”
“Tumawag kayo ng pulis!”
“Hala!”
“Who the fvck are you? Sugo ka ba ni Moreno?” Euan hissed, his voice dropping into a dangerous, predatory growl. He took a step forward, his hands curling into fists.
“Wala kang pakialam! Subukan mong sundan kami ni Arkisha, magkakamatayan tayo!” the man yelled.
Napahawak ako sa braso ng lalaking may hawak sa akin habang lumalabo ang aking paningin. Sinimulan niya akong kaladkarin paurong, ginagawa akong panangga sa pwedeng gawin ni Euan habang paatras kaming patungo sa pinto sa gilid.
"Huwag kang mag-alala, Arkisha, hindi kita sasaktan," bulong niya sa akin. "Inutusan ako ni Lawrence para ilayo ka sa lugar na ito."
Nagsisigawan ang mga bisita at mabilis na nagsisiksikan sa ilalim ng mga upuan; nagkakagulo naman ang mga taga-media, at ang mga flash ng kanilang mga camera ay walang tigil sa pagputok na parang maliliit na pagsabog habang kinukuhanan ang iskandalo.
The man gripped my hand. “Takbo!”
Wala na akong pagpipilian. Tumakbo ako kasabay niya, habang sumasabit sa sahig ang mahaba at mabigat na trahe de boda na suot ko palayo sa altar at sa buhay na kinamumuhian ko.
Tinahak namin ang pinto sa gilid patungo sa nakasisilaw na sikat ng araw, diretso sa isang naghihintay na itim na sedan.
We scrambled inside, the tires screeching as the vehicle sped away from the cathedral.
“Arkisha, ayos ka lang?” the man beside me asked, his voice frantic.
Napasinghap ako. Lumingon ako para tingnan ang aking tagapagligtas, ang lalaking gumawa ng isang malubhang krimen para lang mahila ako palayo sa altar. Nang sa wakas ay malinaw ko nang nakita ang kanyang mukha, tumigil ang t***k ng puso ko sa ibang dahilan.
“Lawrence?” wika ko habang habol ang sarili kong paghinga.
“Yes, hon. Hindi ako makakapayag na maikasal ka sa lalaking iyon, kaya itatakbo kita palayo sa kanya.”
A whirlwind of emotions hit me; relief, confusion, love, and a lingering, dark thread of fear.
I didn't know if I should be relieved or terrified, but in that moment, Lawrence was the only exit sign in a burning building.
Kung gusto kong maging malaya mula sa kulungang binuo ni Euan para sa akin, kailangan ko si Lawrence.
But our escape wasn't clean. The sound of a high-performance engine roared behind us.
“Lawrence, baka mapatay tayo ni Euan!” I screamed, looking through the rear window.
Isang makintab at kulay-pilak na sports car ang sumisingit sa gitna ng traffic na parang isang guided missile habang hinahabol kami. Alam ko sa kaibuturan ng puso ko na si Euan ang nasa likod ng manibela.
The man didn't lose; he didn't let go of what he considered his. The sound of gunfire began to ring out, the bullets grazing the van’s metal frame.
“Hindi iyan. Magtiwala ka lang sa akin, Arkisha, hindi kita pababayaan!” Lawrence yelled over the noise; his eyes fixed on the road.
“Ang tapang rin naman talaga ni Fierro!” komento ng lalaking kumuha sa akin mula sa mga kamay ni Euan.
“Ayusin mo ang pagmamaneho!” utos ni Lawrence.
“Ginagawa ko pero matinik ang lintik! Baka hindi niya tayo bubuhayin!”
I squeezed my eyes shut and trusted him. I let the adrenaline wash over me.
Matapos ang isang mabilis na habulan sa makitid at siksik na mga eskinita ng lungsod, nagawa naming maligaw ang sports car sa tila maze na daan patungo sa pantalan.
An old, rusted ship was waiting at the edge of the dock, its engines already humming a low, ominous tune.
“S-Saan tayo pupunta?” I asked breathlessly as we scrambled up the gangplank, the ship already pulling away from the pier.
“Huwag kang mag-alala, Arkisha. Dadalhin kita sa lugar kung saan hindi ka mahahawakan ng baliw na Euan na iyon. Ako ang mahal mo hindi ba?”
“O-Oo. May tiwala ako sa'yo, Lawrence,” I whispered, leaning into him, holding onto the hope of a new beginning.
I thought I was heading toward peace. I thought the nightmare ended at the altar. I thought I was finally going to live the life I chose, with the man I had once loved in secret.
Pero hindi ko inaasahan na ang lalaking hiningan ko ng tulong ang magdadala sa akin sa isang impyernong mas masahol pa sa pilit na kasal.
He didn't take me to a sanctuary. He didn't take me to a safe house. As the ship's interior lights flickered on, I realized we weren't in a passenger cabin.
We were in a hold.
Lawrence’s face changed, the desperation melting away into a cold, transactional sneer.
He had sold me.
He had delivered me directly to a dark, hidden syndicate where women were treated as inventory—mere objects for the hunger of depraved men.
“L-Lawrence, anong ibig sabihin nito?” I trembled, backing away toward the door, only to find my path blocked by a massive, scarred man whose eyes stripped me bare.
“Tulad nga ng sabi ko, magtiwala ka lang sa akin at hindi ka mahahawakan ni Fierro kahit na kailan,” Lawrence said, his voice now devoid of any warmth, sounding as hollow as a grave. “Ito na ang magiging mundo mo, Arkisha Mirabella Laxamana. This world will be your sanctuary because you chose to follow me. Sa ayaw at sa gusto mo, susundin mo ang lahat ng ipapagawa ko sa'yo... while I use you to make Fierro suffer.”
“Hayup ka! Traydor ka, Lawrence! Nagtiwala ako sa'yo!” I screamed, lunging at him with all the grief and rage in my soul.
He didn't even flinch. He met my fury with a stinging, heavy slap that sent me reeling, my head hitting the cold steel floor. The taste of copper filled my mouth.
“Pinili mo ang marahas na mundo kaysa sa limpak-limpak na salapi ng pamilya mo, kaya magdusa ka ngayon!” he spat, grabbing my face forcefully, his fingers digging into my jaw before shoving me back to the floor.
The freedom I craved had turned into a different kind of hell. I was now the Runaway Bride who had ruined the Fierro reputation and shamed my family—only to end up in the clutches of a monster I thought was my savior.
And my story starts here... in the dark, where no one can hear me scream.