Chapter 1
Madilim pa pero kailangan ko ng bumangon para makapaglaba. Hindi ko na malugaran ang mga ganitong gawain sa bahay dahil kadalasan bagsak na ang katawan ko sa maghapong trabaho. Mahirap mamuhay mag-isa pero mas mahirap dahil mag-isa kong binubuhay ang limang taong gulang kong anak na si Ian. Maaga akong nag-asawa. Isa sa mga dedisyon na labis kong pinagsisisihan. Pero hindi na ako puwedeng magback-out. Si Ian na ang buhay ko ngayon at lahat gagawin ko para sa kanya.
"Pagkatapos mong kumain, mag-toothbrush ka na at magbihis ah."
Katatapos ko lang iligpit ang higaan namin na isang manipis na kutson na gamit ko na noong dalaga pa. Habang ang anak kong si Ian ay kumakain mag-isa sa bangkinito na nagsisilbing mesa niya. Kapansin-pansin na namayat na rin pati ang anak ko. Naibibigay ko naman ang mga pangangailangan niya kahit pa paano pero mukhang kulang pa.
"Ayoko na, Mama."
Matakaw ang anak ko kapag paborito niya ang nakahain kaya naman nalungkot ako nang halos hindi man lang niya nakalahati ang niluto kong fried rice. Mukhang hindi niya nagustuhan ang itlog at hinimay na isda na ulam naming kagabi na siyang hinalo ko sa kaning lamig.
"Hindi bale, bukas ibibili kita ng hotdog okaya ng fried chicken." Pinilit kong ngumiti. Alam kong sa aming dalawa, mas nahihirapan si Ian sa sitwasyon namin.
Tinitigan niya ako habang itinatali ko ang mahaba kong buhok. Matagal na rin nang huli akong magpagupit ng buhok sa salon. Kadalasan ako nalang mismo ang pumuputol sa buhok ko. Hinintay kong magsalita si Ian. Matipid na ngiti ang naging pasasalamat niya. Sa edad niya ay alam kong late siya sa maraming bagay. Madalang lang din siya kung magsalita at hindi mahilig makihalubilo sa ibang bata. Minsan hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Baka ang paghihiwalay namin ng Papa niya ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon.
"Malapit ng mag-day off si Mama. Promise. Maglalaro tayo ah."
Marami ang oras sa isang araw pero kulang pa para sa akin. Lahat iginugugol ko sa trabaho at kaunting oras lang ang nailalaan ko para sa anak ko. Nakakalungkot na dahil sa akin naging malungkutin ang anak ko. Mabuti nalang nakakagawa ng oras ang Papa niya para makasama siya kahit pa abala na sa bago niyang pamilya.
"Sundo ako ni Papa?"
Kinuha ko ang kamay niya saka nagbilang hanggang lima. Tuwing weekends lang kasi niya nakakasama ang ama.
"Sundo ka ni Papa sa friday. Mabilis lang `yon." Umaliwas ang mukha niya saka kumaripas ng takbo papuntang banyo para mag toothbrush.
Dalawang taong gulang palang si Ian nang maghiwalay kami ng Papa niya. Isip bata pa kami pareho noon kahit na twenty four na kami pareho nang dumating si Ian sa buhay namin. Marami kaming hindi pinagkakasunduan kaya nagdesisyon kaming maghiwalay nalang at sa akin napunta ang bata na ayon naman sa batas.
Walang tumulong sa akin. Kahit mga magulang ko, hindi nagbigay ng kahit na anong tulong. Ginapang ko ang pagbuhay sa anak ko at hindi ko iyon pinagsisisihan. Kaya ko namang lahat mag-isa. Kahit napakaraming mata ang nakatingin sa amin.
Madalas akong tanungin ng mga tsismosa naming kapitbahay kung kailan ako mag-aasawa ulit. Mas madali raw iyon dahil may makakasama ako sa hirap at ginhawa. Pero wala sa isip ko ang mag-asawa ulit.
Nakaya ko naman. Lahat naayon sa ruta at schedule naming mag-ina. Ihahatid ko siya sa Child Care Center saka ako didiretso sa Peñamora - isang night time restaurant kung saan ang trabaho ko ay all around service. Lunch time ang pasok namin para makapaghanda ng mga pagkaing ibebenta pagpatak ng alas-kwatro ng hapon hanggang alas-dose ng hatinggabi.
“Ivy! Mabuti nalang at nandito ka na. Pinauwi ko na si Chef. Nirarayuma na naman.” Aligaga si Kuya Eddie. Nasa edad kwarenta na siguro si Kuya Eddie at assistant chef ang trabaho niya. Sa pagkakaalam ko nasa limang taon na siyang nagtatrabaho habang ako ay halos isang taon palang. Kaunting oras nalang at magbubukas na kami pero hindi pa handa ang mga kakailanganin namin.
Maayos katrabaho si Kuya Eddie. Kaibigan siya si Chef Carmelo na siyang may-ari ng Peñamora. Sa tantya ko mas bata siya ng limang taon kaysa kay Kuya Eddie. Kahit pa ibang henerasyon kami galing ay maayos kami kapag nagtatrabaho na. Ako lang daw ang nagtagal sa trabaho. Hindi na ako magtataka kung bakit walang nagtatagal. Mabusisi si Chef Carmelo pagdating sa kapakanan ng restaurant niya at mainitin din ang ulo kaya madalas naninigaw. Naranasan ko lahat ng iyon pero tiniis ko at pinagtrabauhan nang maagi para makuha ko ang tiwala niya.
“Magbubukas na ako.” Bahagya kong nilakasan ang boses ko para marinig ni Kuya Eddie na abalang nagpapakulo ng beef broth para sa best seller naming Beef Pares.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad agad sa akin ang isang pamilyar na mukha. “Good Morning.” Pagbati ko sa kanya.
Regular customer na namin si Eugene. Madalas akong tuksuhin ni Kuya Eddie sa kanya. Perfect kasi siya kung titignan. Masculado ang itsura pero pinapalambot ng dimple sa right cheek niya. Maayos siyang manamit at laging mukhang bagong ligo kahit pa patapos na ang araw. Pero isa siyang dakilang babaero.
Siguro magugustuhan ko siya kung dalaga pa ako pero wala na akong panahon para ma-in love.
“Beef Pares at beer?” Iyon ang madalas niyang orderin. Naisaulo ko na dahil ako rin naman ang umaasikaso sa kanya.
“Kilala mo na talaga ako. Ikaw kaya, kailan ko makikilala?”
Taliwas sa akin, marami nang naging kasintahan si Eugene. Simula nang magtrabaho ako sa restaurant ay iba't ibang babae na ang nakita kong kasama niya at lahat “girlfriend” ang pakilala niya.
“Kilala n`yo naman ako. Hindi naman mahirap ang pangalan ko. Ivy.” Itinuro ko ang nameplate na nasa dibdib ko.
“I know you but I want to know you more.” Ngumiti nalang ako. Smooth talker si Eugene kaya hindi na nakakapagtaka na marami siyang nalolokong babae.
“Sorry, Ivy. Stressed lang ako lately. I'm single. Again.”
Sabi ko na nga ba.
Linggo-linggo single pero linggo-linggo rin may bago. Napakadali para sa kanya ang move-on. Pero sino ba naman ako para makialam. May sarili ring akong problema na kailangan solusyonan.
“Well, Sir that's good. Lalo na kung may bago ka ng prospect.” Inabot sa akin ni Kuya Eddie ang order na isinensyas ko nalang sa kanya kanina saka ko inilapag ko sa bar station na favorite spot ni Eugene.
“Meron... Ikaw.”
Minsan mas gusto kong may kasama nalang siya para hindi ako ang pinagdidiskitahan niya.
“Thank you but no. Enjoy your meal.”
Dumistansya ako matapos kong inilapag ang order niya para na rin tigilan na niya ako. Kapag nakuha na niya ang order ay tiyak titigil na rin siya sa mga paandar niya sa akin.
Guwapo pero manloloko.
Napasulyap ako saglit sa kanya na agad ko ring pinagsisihan. Dumako ang tingin niya sa akin habang nilalagok ang order niyang alak.
“Care to join?” Umiling ako.
“Hinay-hinay lang sa alak, Sir. Mahaba pa ang araw.” Umismid siya saka tinitigan ang bote ng alak. “Nandito naman ako para maglasing.”
“Ivy, customer!” Sigaw ni Kuya Eddie nang hindi ko narinig ang kalembang ng bell.
Galak kong sinalubong ang mga bagong dating na customer pero hindi mawala sa isip ko ang paglalasing na balak gawin ni Eugene. Mukhang sa pagkakataon ngayon, nasaktan talaga siya.
Si Cheska ang babaeng huling nakasama si Eugene sa restaurant. Saksi ako sa away-bati nilang relasyon. Pero hindi ko naisip na may side si Eugene na maglalasing dahil sa babae. Siguro mahal lang talaga niya si Cheska.
“Sabi ko na nga ba't nandito ka.” Napatingin ako sa babaeng pumasok at diretsong umupo sa tabi ni Eugene.
Isa sa mga side chick niya. Si Lea.
Brokenhearted last week si Lea at to the rescue si Eugene para i-comfort siya and the rest was history. An overnight history to be exact. Matapos silang mag-all the way ay nalaman ni Lea na panakip-butas lang siya habang wala si Cheska o si Thalia o si Jessa.
I know them all. I heard everything.
“Light beer for me, please.” Tumango ako saka ako kumuha ng order niya.
“Hindi mo na ako nireplyan. I know you need someone now. How about, me comforting you just like we used to?”
Napakamot ako ng ulo sa narinig. Ako ang nahihiya sa ginagawa ni Lea. She's young and pretty. Hindi ko maintindihan bakit hinahabol pa rin niya si Eugene.
“Welcome!” Kumalembang ang bell hudyat na may pumasok na customer at nang tumingin ako ay isa na naman sa mga side chick ni Eugene ang dumating na isa ring regular customer namin.
“Babalik nalang ako.”
Si Renalyn ang pumasok ngunit agad ring lumabas nang makita si Eugene at Lea.
“Another ex. Hindi mo ba siya hahabulin?” Mahigpit ang kapit ni Lea sa braso ni Eugene. Hindi ko alam para saan ang tanong niyang iyon gayong halata naman na ayaw niya.
Bumuntunghininga si Eugene bago inubos ang isang boteng alak. "One ex is enough." Parang bulateng inasinan si Lea nang marinig iyon.
“I don't get you, Euge. You always come here with your girlfriends. Hindi ka natatakot na magkita-kita kaming lahat dito?”
May point si Lea.
“I don't care. Masarap ang pagkain dito.”
Sandaling tumitig si Lea sa kanya saka tumawa. “Gets ko na. Pakulo mo `to! Siyempre, the more you go here, the more chances you get to meet them again. More chances of getting laid!”
Sigurado si Lea sa conclusion niya. Napaniwala na rin ako dahil biglang nag-iba ang reaksyon ni Eugene. Para bang nahuli siya sa isang patibong.
They stayed together the whole day. Talagang balak maglasing si Eugene. Mabuti talaga at dumating si Lea at may nakasama siya. Ayokong ako ang pagtitripan niya.
Seeing them laugh together as if nothing happened makes me wonder what kind of man he is. Kayang-kaya niya makiinuman at makitawanan sa ex niya. Hindi ko kaya ang ganoon.
“I'm done here.” Hindi na diretso kung tumayo si Lea.
“Hindi mo ba siya iuuwi?” Bagsak na sa mesa si Eugene matapos ang isang case ng alak at dalawang bote ng hard drink.
“As much as I want to. I can't. Hindi ko siya kayang buhatin. I'm drunk myself.”
Matapos bayaran ang bill ay agad na ring umalis si Lea. Kaunti nalang ang tao sa restaurant at kailangan ko ring nilisin maging ang bar station kaya bahagya kong ginising si Eugene.
“Sir, umalis na si Lea.”
Bahagyang unggol lang ang sagot niya. Hindi ko napansin na malalim na pala ang problema niya. Palangiti kasing tao si Eugene. Hindi man lang nagbago ang ngiti niya kahit pa may problema na.
“Magpahinga na muna kayo sa lounge namin.”
Hindi ko na siya hinintay sumagot. Nagpatulong ako kay Kuya Eddie na akayin siya papuntang second floor kung saan naroon ang lounge namin. Ginagamit ang lounge para sa mga vip customer na si Chef Carmelo lang ang may control. Mabuti nalang at wala siya.
Hinayaan ko munang makatulog si Eugene habang naglinis at nagsara kami ng restaurant. Marami rin kaming inihandang ingredients para sa susunod na araw. Sweldo day kasi at nataong linggo pa kaya tiyak maraming tao ang kakain.
“Ako na tatapos nito. Balikan mo na si Eugene para makauwi na rin tayo.”
Pag-akyat ko ay agad kong pinuntahan ang lounge. Bahagya akong kumatok saka ko binuksan ang pinto. Gising na si Eugene pero hindi pa rin siya makabangon sa sofa kung saan siya nakahiga.
“Inom ka muna ng tubig.” Ibinigay ko sa kanya ang dala kong basong tubig na agad naman niyang inimon.
Pagkakuha ko ulit sa baso ay hinila ni Eugene ang kamay ko dahilan para mapaupo ako sa tabi niya. Mabuti nalang at nasalo ko ang baso na muntikan pang mabasag. Laking gulat ko nang humiga si Eugene sa legs ko saka yumakap sa bewang ko.
"Eugene! Huwag kang humiga sa akin! Sisigaw ako kapag hindi ka pa tumayo." Pilit ko siyang itinulak pero mahigpit siyang nakayakap sa akin.
“Nakita mo na si Lea? Ang saya niya `di ba?” Malungkot ang boses niya. Hindi ko alam kung dala pa iyon ng alak o ano.
“Sa kanya ka pumunta kung gusto mo ng kasama.”
“Hindi na niya ako kailangan. Masaya na siya sa bago niya. Ayoko na siyang istorbohin, Ivy.”
Kaninang magkasama sila, parang walang nangyari. Ang saya-saya lang nila. Alam naman pala ni Eugene na may iba na siya pero kung maghawakan sila parang sila pa rin. Paano niya nakakaya iyon?
Nang mahimasmasan ay tumayo si Eugene saka tumingin sa relo niya. “Oras na pala. Naabala ko pa kayo. Pasensya na.”
“Pasara na kami kaya ginising na kita.”
“Ganon ba. Eto ang card ko para sa bill.” Inilabas niya ang pitaka at iniabot sa akin ang ATM card niya.
“Nagbayad na si Lea bago siya umalis.” Tumayo ako saka inayos ang tshirt ko.
“Mabait talaga si Lea. Sana napasaya ko siya kahit pa paano nung kami pa.”
Naisip ko ulit ang listahan ng mga side chick niya. Si Cheska. Si Thalia. Si Renalyn. Naiisip pa rin ang mga iyon kahit hindi na sila.
Hindi ko namalayan na nasabi ko pala talaga ang mga pangalan nila at naririnig iyon ni Eugene.
“Kilalang-kilala mo talaga ko.”
Dala ng hiya ay pinanindigan ko nalang ang nagawa ko. “May nakalimutan pa ba ako?” Bahagya siyang ngumiti nang bumukas uli ang pinto at si Kuya Eddie ang pumasok.
“Ivy, may tumawag galing child care. Nilalagnat daw si Ian.”
Agad akong lumabas ng lounge para magpalit ng damit. Nakiusap na rin ako kay Kuya Eddie na siya na muna ang maglinis at magsara ng restaurant.
Eto ang eksaktong dahilan kung bakit wala akong panahon sa love. I need to take care of my child. Ako lang ang inaasahan niya.