bc

Hiding The Idol's Twins

book_age12+
416
FOLLOW
4.5K
READ
HE
opposites attract
powerful
single mother
blue collar
drama
bxg
mystery
campus
kingdom building
actor
like
intro-logo
Blurb

Ang tanging nais lamang ni Synea ay isang simple at tahimik na buhay. Kahit pa isa siyang CEO ng talent agency na namana niya sa kaniyang ama ay lagi pa rin itong mailap sa mga kalalakihan. Para sa kaniya mas importante ang karera kaysa magkaroon ng sariling pamilya.

Ngunit paano kung sa isang gabi ng di sinasadyang pangyayari ay mabago ang lahat? Paano kung maging si Synea sa tabi ng isang lalaking ngayon lamang niya nakilala? Paano kung ang lalaking ito pala ay si Pierre Claude Hiyashi, ang pangunahing bokalista ng Quartent Alliance?

Sa kaniyang paglayo ay dala-dala niya ang lihim ng gabing iyon kasama ang kaniyang pagbubuntis. Pero paano kung makalipas ang limang taon ay magkrus muli ang kanilang mga landas? Magbago kaya ang pananaw ni Synea? Maprotektahan niya kaya ang kaniyang mga anak laban sa g**o ng mundo ng kanilang ama?

Higit sa lahat, may puwang ba ang pag-ibig sa dalawang taong parehas na pinahahalagahan ang kanilang karera? Pwede pa bang maitama ang isang gabing pagkakamali na nagbunga ng dalawang supling? Ano ang pipiliin mo pamilya o karera?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1: MASQUERADE BALL
SYNEA ALLISON’S POV “Are you ready to order, Ma’am?” Napatingin ako sa waiter na nagtanong sa akin. Sa tingin ko ay pangatlo na siya sa mga lumapit sa akin sa loob ng isang oras kong pamamalagi sa restaurant na ito. Nag-aalangan akong ngumiti sa kaniya sabay sabing, “pasensya na. Tatawagin ko na lang kayo once dumating na yung kasama ko.” “Do you want some water Ma’am while waiting?” tanong niya muli sa akin ngunit umiling ako. “No, thank you,” sagot ko sa kanya. Tinanguan naman ako neto saka umalis na sa aking harapan. Naiirita kong kinuha ang cellphone ko at i-dinial muli ang numero ni Luna, kaibigan ko. Ngunit katulad kanina ay bigo akong makontak siya. Inis kong binalik ang cellphone ko sa aking bag. Humanda talaga sa akin ang babaeng iyon pag nakita ko siya. Isang oras na akong naghihintay sa kanya dito. Nakakahiya na sa mga waiter na kanina pa ako pinupuntahan para kunin ang order ko. “Ali, sorry I’m late.” Tatayo na sana ako ng sumulpot sa harap ko si Luna. Hingal na hingal at pawis na pawis ang hitsura niya. “Anong nangyari sa iyo?” tanong ko sa kanya saka inalalayan siyang umupo. Pagkatapos ay sinenyasan ko yung waiter na dalhin kami ng pitsel ng tubig. “Sorry talaga, sobrang hirap palang magcommute,” wika niya saka nagmamadaling kumuha ng panyo at pinunasan ang mukha niya. “Commute? Ikaw? Bakit?” hindi makapaniwalang sunod-sunod kong tanong sa kanya. “Kasi naman…” Napahinto siya sa pagsasalita ng dumating ang waiter na may dalang tubig, “Thank you,” pasasalamat ko sa waiter. Ngumiti naman ito saka umalis kaya naman ibinalik ko ang tingin ko kay Luna na tila sarap na sarap sa pag-inom niya ng tubig. “Bakit nga nag-commute ka? Nasaan ang kotse mo?” tanong kong muli sa kanya. Imbes na magalit ay awang-awa ako sa hitsura niya ngayon. “Bumangga sa poste kagabi, ayun nasira,” pagkwento niya. Napanganga naman ako sa sinabi niya. “Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya. “Nope, thankfully the collision is not as strong as you think. Kaso lang, since sira yung front, dad scolded me earlier.” Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nito. “Ano sabi sa iyo ni Tito?” tanong ko sa kaniya. “As usual, he is very angry kasi nga pang-ilang kotse na yung nasira ko this month,” wika niya, “ wait before I continue my kwento, let’s order muna. I’m so nagugutom na,” dagdag niya pa. Medyo natawa naman ako sa ka-conyohan ng babaeng ito. Hindi na rin ako nagulat kung bakit ilang kotse na ang nasira niya this month since last month, lima yung nasira niyang sasakyan. Itinaas ko na ang kamay ko upang tawagin ang waiter. Agad naman itong lumapit sa amin at ibinigay ang menu. Kinuha naman namin ito ni Luna at nagsimulang tingnan ito. “Isang Mushroom Risotto, then Margherita Pizza. Hmm, one tiramisu then one bombardino,” wika niya, “how about you, Ali?” tanong niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. Sa kaniya lang yun lahat?! “Ali, he’s waiting kaya.” Nabalik ako sa realidad ng muling magsalita si Luna. “Ahm isang Pasta Con Pomodoro E Basilico then Bicerin,” wika ko sa waiter saka ibinalik sa kaniya ang menu. “Okay, I’ll just repeat your order, Madams. One mushroom Risotto, Margherita Pizza, one tiramisu, one bombardino, one Pasta Con Pomodoro E Basilico and Bicerin,” pag-uulit ng waiter habang nakatingin sa akin. “Correct, perfect, thank you!” malakas na wika ni Luna kaya naman natuon sa kaniya ang atensyon ng waiter. “Kuya, pakibilis ha, I’m so gutom na, eh,” wika niya saka inabot yung menu. Nahihiyang ngumiti naman yung waiter saka umalis. Pagkaalis ng waiter ay pinalo ko si Luna sa kamay. Inis naman niya akong tiningnan, “that’s ouchy, Ali,” wika niya saka ngumuso. “Whatever. Bakit naman ganun pakikitungo mo dun sa waiter?” saway ko sa kaniya. “Eh, halata naman na he likes you. He’s making pa-cute pa, I’m so hungry na nga,” paliwanag ni Luna kaya naman natawa ako. Well, napansin ko din naman yun. Sorry siya, I am not fan of those moves. “Anyway, buti pinayagan ka ni Tito na mag-commute,” pag-iiba ko ng usapan. “Well, even di siya pumayag, I have no choice kaya. I don’t have a car, he did not let me borrow his car, and the worst is he cut my credit card,” pagmamaktol neto. Napanganga naman ako sa sinabi niya. “You don’t have a credit card right now. Then why you order almost half of the menu?!” nagugulatang kung tanong sa kaniya. “Don’t worry, I’ll pay naman you once nakuha ko na ulit kay Dad yung credit card,” wika niya saka nagpeace sign. Nakakaloka ang babaeng ito. Kaya pala ang lakas ng loob umorder ng madami. “And kailan mo naman makukuha yun?” tanong ko sa kaniya. “After tonight,” wika niya. Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. “That’s fast. Usually inaabot ng isang linggo bago ibalik ni Tito ang allowance mo,” wika ko sa kanya. “Well, that’s true. Iba lang ngayon,” sagot niya pero nasa waiter na magdadala ng pagkain na siya nakatingin. “Hindi halatang gutom ka,” sarkastikong komento ko sa kaniya. Inikotan lang niya ako ng mata at agad na nagsimulang kumain pagkalapag na pagkalapag ng order namin. “Enjoy your meal, Madams,” magalang na wika ng waiters na nagdala ng mga order namin. “Thank you,” nakangiting sagot ko. Tumango naman sila saka umalis. “Magdahan-dahan ka nga! Para ka namang di pinapakain,” saway ko sa kaniya pero hindi ako neto pinansin. “So, ano nga ang reason bakit after this night agad ibibigay sa iyo ni Tito ang credit cards mo?” pangungulit ko sa kaniya saka sumubo ng pasta. In fairness, masarap pala ang luto sa restaurant na ito. “Well, he said that if I will work for it, he’ll give it back,” sagot niya pagkatapos lunukin ang nasa bibig niya. “Work? What kind of work?” kunot-noong tanong ko sa kaniya. Aba, sa arte ba naman ng babaeng ito. Hindi kung ano-ano lang natrabaho ang kukunin niya. “Well, may masquerade ball later sa Jiminez Empire Hotel, so I’ll work as a waitress there later,” sagot niya bago sumubo ulit ng Tiramisu. “What?!” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Medyo napalakas ang boses ko kaya naman napatingin sa amin yung ibang kumakain. “Your so eskandalosa, Ali, ah. Yun nga, pumayag na din ako since ito na ang opportunity ko para makalapit sa aking honeybunch na si Clayton, so win-win opportunity na yun,” masayang wika niya. Napailing naman ako sa sinabi niya. Dahil lang sa lalaking iyon? Papayag na siya. “Duh, makikita naman ang mukha mo nun. Nakakahiya sa public image mo,” sagot ko sa kaniya. Hopefully makinig siya sa akin. “You are not listening to me, Ali, ah. I said masquerade, so pati yung mga waitress ay nakamaskara,” wika niya sa akin. Tumango-tango naman ako. Pwede na din basta wag siyang gagawa ng kalokohan tungkol kay Clayton. “Well, good luck. Balitaan mo na lang ako kung ano nangyari,” pagpapalakas ko ng loob niya kahit hindi naman talaga niya iyon kailangan. “No, Ali. You are going with me kaya,” wika niya na nagpalaki ng mata ko. “No way!” mariing sagot ko sa kaniya. Sumimangot naman si Luna dahil sa sinabi ko saka nag-umpisang magpaawa, “hindi mo ba ako talaga sasamahan? Paano kung may gawin akong kalokohan gaya ng kidnapin ko bigla si Clayton?” tanong niya sa akin. Aish, hindi malabong gawin niya yun lalo na sobrang obsess na siya kay Clayton. “Fine! But you will pay me for this. Saka, if someone dares to touch me, I won’t hesitate to break his hand,” pambabanta ko sa kaniya. Tumawa naman ito. “I won’t stop you. I am sure, you’ll keep your eyes on me din, kaya may instant bodyguard na din ako,” proud na wika niya kaya naman inirapan ko ito. “You’ll pay for our bill today. I’m sure you still have cash,” wika ko sa kaniya. Aba, akala niya maiisahan niya ako. Nagtitipid ako kaya hindi ko siya malilibre ngayon. “What if KKB na lang?” tanong niya sa akin. “What if wag na lang kita samahan mamaya?” pabalik na tanong ko sa kaniya. “Ito naman hindi mabiro. Sige kumain ka lang diyan, ako bahala,” sagot niya kaya naman natawa ako. Minsan talaga masayang may pangblackmail sa kaibigan eh. *** Agad akong napairap ng pumasok ako sa function hall ng Jiminez Empire Hotel. Paano ba naman kasi sa pintuan pa lang ay may nagtutukaan na. Gosh, ang yayaman nila, hindi makukuha ng room para doon na lang sila gumawa ng milagro. “Kararating mo lang Ali salubong na agad ang kilay mo. You know we have to smile sa kanila, diba?” Napairap naman ako dahil sa sinabi ni Luna. Tsk! Mali ata talaga ang desisyon ko na pumayag sa sumama sa kaniya rito. “Smile ka na Ali. Many boys is looking at you kaya,” dagdag niya pa. “Just shut up and don’t ever mention my name here, or else I’ll kick you talaga,” pambabanta ko sa kaniya. “You are so scary para naman tayong hindi friends niyan. Anyway, maiiwan na kita, hahanapin ko pa si honeybunch Clayton,” bulong niya sa akin. “Ingatan mo sarili mo. Magwawala talaga ako dito kapag may nangyari sa iyo,” paalala ko sa kaniya. Tumawa naman ito. “You are so sweet talaga, I’m so touch.” Inirapan ko siyang muli dahil sa sinabi niya. “Lumayas ka na nga. Need ko na magserve din,” asik ko sa kaniya saka bahagyang tinulak siya. “Whatever, kitakits later,” wika niya sa akin saka naghair flip. Nag-umpisa na siyang maglakad kaya naman naghanap na rin ako ng pwede kong pag-servan ng inumin. Papunta na sana ako sa matabang lalaking kanina pa ako tinatawag at sumesenyas ng wine ng biglang may mabangga ako at tumapon sa damit ko lahat ng inumin na nasa tray. “I’m sorry,” malalim ngunit mala-anghel na paghingi ng paumanhin ng lalaking nakabunggo sa akin. Hindi ko alam ngunit natahimik ako ng magsalubong ang mata naming dalawa. Ang ganda ng mga mata niya kulay asul. “Ahm, Miss?” ITUTULOY!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
46.5K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
60.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
280.6K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.8K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
80.9K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
108.4K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
71.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook