PROLOGUE

1708 Words
        “Mommy, sige na… sasama ako kay Daddy sa Manila…. please…”         Nilingon ako ni Mommy na abala sa pag-aayos ng laptop na dadalhin ni Daddy.         “Yoseph, huwag mo akong umpisahan,” seryosong sabi nito sa akin, at saka itinuloy ang ginagawa niya.         “Bakasyon ngayon sa school, di ba? Kaya dito muna tayo sa Cebu. Ano naman ang gagawin mo roon? Trabaho ang ipupunta ng Daddy mo dun. Hindi lakwatsa. Pupuntahan niya iyong isang ginagawang site,” paliwanag nito.         “Kaya nga, Mommy. Gusto ko ngang sumama doon sa site,” sagot ko sa kanya.         Tumayo ako mula sa sofa papunta sa kama kung saan niya inalalagay sa isang messenger bag iyung mga folders at envelopes na dadalhin din ni Daddy, at saka naupo sa gilid ng kama sa tabi niya.         “At ano naman ang gagawin mo doon sa site? Yoseph. For your information ha… Hindi playground iyung site. Hindi iyon para sa mga batang tulad mo. Bawal ang mga bata dun. Dito ka lang. Andito naman ang Ate Ysa mo.  Saka mamaya, dadating na sila Kuya Zyrus mo at Zaekah. Maglaro na lang kayo,” sagot ni Mommy.         Ngumuso ako.         “Eh, Mommy… si Ate Ysa lang naman ang laging kinakalaro ni Kuya Zyrus… ayoko namang kalaro si Zaekah. Iyakin ‘yun!” reklamo ko sa kanya.         Pero parang hindi narinig ni Mommy ang mga sinabi ko.         “Mommy, please….” pagpapa-awa ko pa sa boses ko, bakasakaling maawa ma rin siya sa akin.         “Ay naku, Yoseph! Huwag ka nga munang magulo. Nagmamadali na ang Daddy mo. Baka mamaya may maiwan pang kailangang papeles dito, pag-awayan pa namin,” medyo inis nang sagot sa akin ni Mommy kaya tumahimik na muna ako.         Bigla namang lumabas mula sa pintuan ng CR si Daddy. Bagong ligo ito. Katunayan ay tumutulo pa iyong tubig mula sa basa nitong buhok at nakatapis lang ito ng tuwalya sa ibabang parte ng katawan niya. Amoy ko rin ang amoy ng paborito niyang shower gel.         “Kanina ko pa kayo naririnig na mag-ina. Ano na naman bang pinagtatalunan ninyong dalawa?” kalmadong tanong nito, habang naglalakad palapit sa ami ni Mommy.         Huminga nang malalim si Mommy, pero hindi ito huminto sa paglalagay ng mga gamit sa loob ng bag ni Daddy.         “Gusto na namang sumama sa site nitong anak mo,” tila nagsusumbong ang tono na sabi ni Mommy kay Daddy.         Tumingin sa akin si Daddy. Ngumiti ito.         “Sa lahat naman ng bata, ikaw lang ang laging gustong-gustong nagpupunta ng construction site,” sabi niya sa akin.         “Ang astig kaya, Daddy! Biro mo, from buhangin saka semento, nagiging building siya? Tapos ang galing nung machine. Paglabas nung lupa, semento na! Gara!” sagot ko.         Nakangiting tumingin si Daddy kay Mommy. “Love…”         “Oy Klarence, ayoko ng mga ngiti mong ganyan! Huwag mong sabihing isasama mo nga sa site iyang batang ‘yan?” sabi sa kanya ni Mommy.         “Andun naman ako, love. Ako nang bahala sa kanya. Hindi ko naman iyan pababayaan dun,” sagot naman ni Daddy sa kanya.         Yes! Konting-konti na lang and I smell victory! Go, Daddy! Push pa more!         “Eh, pag umuuwi na rito iyan galing sa site, hindi ko na makilala sa dusing! Pati iyong damit na suot hindi na pakinabangan. Dinikitan na ng mga semento,” pagre-reklamo ni Mommy.         Nilapitan ito ni Daddy, at saka niyakap mula sa likuran. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ni Mommy.         “Love, hayaan mo na. Mukhang iyon ang hilig ng bata. Suportahan na natin. At least, hindi na ako mahihirapan kapag kailangan ko nang mag-retire sa AMCO. May kapalit na ako agad,” malambing na sabi ni Daddy kay Mommy.                 Umikot ang mga mata ni Mommy, kahit na alam naman niyang hindi iyon nakikita ni Daddy. Sanay na kami ni Ate Ysa sa mga ganitong lambingan nilang dalawa. Ilang taon man ang nagdaan mula nang sila ay ikasal, hindi nagbago ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Makikita mo pa rin ang pagmamahal nilang walang kakupas-kupas.         “Kaya nawiwili iyang batang iyan, eh! Lagi mo na lang pinapanigan,” sabi pa ni Mommy.         Hinalikan ito ni Daddy sa pisngi. “Love naman, hayaan na natin kung anong hilig ng mga bata….”         “Bahala kayong mag-ama! Bantayan mo iyan, ha! Huwag na huwag kong mabalitaan na may nangyari o nasaktan iyang batang ‘yan. Kung hindi, naku Klarence… sinasabi ko sa iyo…”         Yes!!!         Palihim na kinindatan ako ni Daddy, kaya hindi ko naiwasan ang mapangiti.         “Thank you, Mommy!” tuwang-tuwang sabi ko, kaya nayakap ko ito bigla sa beywang niya.         Mabilis din akong kumalas. “Dad, magbibihis na po ako!” excited kong sabi dito.         Hindi ko na hinintay na sumagot si Daddy. Agad na akong tumakbo para lumabas sa kuwarto nila nang bigla ako nitong tawagin. Agad akong napahinto, at saka lumingon. Nagbago ba agad ang isip ni Daddy? Patay kang Yoseph ka.         “Bakit po, Dad?” kinakabahang tanong ko.         “Maligo ka muna,” tahasang sabi nito sa akin.         “Dad, naligo na ako kaninang eight pagkatapos nating mag-breakfast,” sagot ko.         Alas-diyes pa lang naman ng umaga. At wala naman akong ginawa para pagpawisan ako.         “Ma-Maligo ka uli,” tila nag-iisip pa na sagot ni Daddy.         Napansin ko namang pinipigilan ni Mommy ang pagtawa, nakayakap pa rin sa kanya si Daddy.         “Na naman?” wala sa loob na nasabi ko.         “Basta! Maligo ka uli. Para fresh ka pagdating doon sa site,” sabi ni Daddy, na mas utos ang dating sa akin ng pagkakasabi niya noon.         No choice naman ako kung hindi sundin si Daddy. Or else, baka mapurnada pa ang pagsama ko sa construction site. “O… kay, Dad….”         Tumalikod na ako, at saka naglakad na.         “Yoseph!” tawag uli ni Daddy sa akin.           “Po!” sagot ko, at saka muling humarap sa kanya.         “Mag-scrub ka ng buong katawan mo ha,” bilin nito, na nagtatakag tinanguan ko na lang.         “Tapos, pagkatapos mong maligo at magbihis, dumerecho ka na sa kitchen. Kumuha ka na roon ng pwede mong mabaon mo na mga pagkain,” dagdag pa nito.         “Okay, Dad,” wala sa loob na sagot ko, dahil nawi-weirduhan na ako sa mga sinasabi niya.         “Oh, sige na. Labas na. Doon mo na ako hintayin sa ibaba, ha. May mga hahanapin pa kaming mga papeles dito ng Mommy mo na kailangan kong dalhin. Huwag ka nang bumalik dito sa kuwarto,” pahabol pa nito.         Pinihit ko na ang doorknob, at saka humakbang na palabas. Pero bago ko maisara ang pinto ay tinawag uli ako ni Daddy.         “Yoseph!” What again???         “Dad?” Parang gusto ko nang mainis this time, pero nagpigil ako.         Ayokong mapurnada ang pagpunta ko sa site.         "Paki-lock mo na rin iyang pinto. Thank you, son! I owe you one,” nakangiting bilin ni Daddy.         Naguguluhan man ay sinunod ko na lang din siya.     Eight years after…            MASAYA kaming naghahapunan. Kasama namin ngayon si Lolo Hernan. Lumuwas ito mula sa Cebu para maki-celebrate sa High School Graduation ko bukas.          “Mommy?”          "Yes?”          “Pwede bang after ng Graduation rite bukas, dumerecho ako doon sa bagong site ng AMCO?” nakangiting paalam ko.          Umikot ang mga mata ni Mommy. As expected… alam kong ganito ang magiging reaksiyon niya.          “Yoseph, pwede ba? Spare mo muna ako diyan sa site-site na iyan, kahit itong week lang na ito? Remember iyong kasabihan… ang pamahiin, na kapag ganyang graduating or birthday di ba? Hndi ka dapat nag-aaalis,” sabi nito.          "Mommy, millennial na tayo ngayon. Hindi na uso iyang mga pamahiin na ‘yan,” sagot ko.          “Yoseph, hindi mo maaalis sa Mommy mo na maniwala sa mga pamahiin. And besides, one-week lang naman ang hinihiling ng Mommy mo. Pagbigyan mo na. Ano ba naman iyong one week na makakasama mo ako? Next week, babalik na uli ako sa Cebu,” sambot ni Lolo Hernan.          Ang tinutukoy ni Lolo ay iyong dalawang beses na hindi pagkakatuloy ng kasal ni Mommy. Iyong una ay sa unang boyfriend nito. At iyung pangalawa ay kay Daddy.          Pero, iyong kay Daddy, wala siyang intensiyong indyanin si Mommy sa kasal nila. Nagkataon lang na may mga bad people na kinidnap siya sa araw ng kasal nila para maisakatuparan nila iyong masama nilang balak kay Daddy at sa AMCO, ang chain of gasoline stations na pag-aari ng pamilya ng mga Montenegro.          AMCO or Aurelio-Montenegro, Company, ang kumpanyang itinayo ng Lolo Fernando ni Daddy. Pinagsama niya ang apelyido nila ng asawa niyang si Lola Gloria Aurelio, kaya naging AMCO. AMCO Petroleum to be exact.          Mabuti na lang at nailigtas si Daddy ni Mommy doon sa mga kidnappers at the same time, na-track na rin si Daddy thru a tracker na nakakabit sa ngipin niya.          Actually, kaming dalawa ng Ate ko at si Mommy ay pinalagyan na rin ni Daddy ng tracker, para din daw sa safety naming tatlo. After all, hindi biro ang maging asawa at mga anak ng isang bilyonaryo at magnate na si Klarence Montenegro.          Nginitian ko si Lolo Hernan. Sige na nga. Pagbibigyan ko na muna si Lolo.          “Okay po, Lolo Hernan. Sinabi mo eh! So, anong gusto mong gawin nating bonding for one week?” tanong ko dito.          “Turuan mo nga akong mag-DOTA. Para naman may mapaglilibangan ako doon sa resort,” sabi nito.          Nagtawanan naman sila Mommy, Daddy at Ate Ysa.          “Bakit? Anong nakakatawa dun? Wala namang masama sa pagdo-DOTA, ah,” salubong ang kilay na reklamo ni Lolo Hernan sa kanilang tatlo.          "Lo, laos na iyang DOTA. Mobile Legend na lang ang pag-aralan mo,” sabi ko kay Lolo.          “Saka Tito, hindi bagay sa iyo ang mag-DOTA. Bakit hindi ka na lang mag-Tinder? Malay mo, may makita ka pang babaeng pwede mong mahalin at pakasalan doon?” suggestion naman sa kanya ni Daddy.          “Klarence! Kung anu-anong itinuturo mo kay Tito Hernan!” saway naman ni Mommy kay Daddy.          “Kesa naman sa DOTA, love…”          “Tse! Mas okay na iyung DOTA. Tinder-tinder ka riyan… baka mamaya, ikaw pala ang may account sa Tinder, ha Klarence?” nanlalaki ang mga matang sita ni Mommy kay Daddy.             ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD