I stood from my bed, na sobrang bangag. I don't know, hindi ako nakatulog dahil kay Kaiden.
Did I do something bad to him ba? We're okay naman e, right? Bakit naman bigla siyang magagalit sa akin, nakakainis naman!
I'll start organizing my reviewers na lang for the exams, though next next week pa 'yon. I will also continue doing my unfinished activities and agreements, wala naman kasi akong gagawin ngayong Saturday.
"f**k, I can't focus!" Sinara ko ang book ko saka napahimas sa sentido.
To: Kaiden
'what the hell is your problem?' I typed, but deleted it after.
'kai, what did i do wrong?' I typed, and deleted it again.
I just turned off my phone, saka sumandal sa swivel chair ko. He is a living headache!
I stood up when I heard my doorbell rang. Inayos ko na rin muna ang mga school stuffs ko sa table saka pumunta sa door.
"Hello, Farrahness!" Masiglang bungad sa akin ni Navya. Dali-dali pa siyang pumasok dito sa loob ng condo ko.
"What? Para saan 'yang dala mo?" I curiously asked while pointing at the towel na nakasabit sa arms niya.
"Swimming," she smilingly answered
"Ah oh, sure! Wait for me." Paalam ko sa kaniya, saka dumiretso sa room ko para magpalit at kumuha ng mga kailangan ko.
Since Kaiden was stressing me out. I'll swim na lang muna, mabuti ay naisip 'yon ni Navi at inaya ko!
After ko magprepare ay sabay na kaming pumunta sa elevator paakyat sa pool area. Sobrang likot pa ni Navi rito sa gilid ko, she's like kiti-kiti.
"Hey, you're so naughty!" Pagsuway ko sa kaniya.
"Wala lang, ngayon lang ulit natin 'to magagawa e! I'm excited!" Hindi pa rin talaga naaalis sa mukha niya ang ngiti. I just look at her and nahawa sa infectious smile niya.
Pagkarating namin dito ay inayos muna namin ang gamit namin sa isang table, bago dumiretso sa pool.
"I'll do my routine lang, do not disturb me ha!" I glared at Navya. She laughed at me and nodded.
I did again the mermaid and backstroke style. Everything was felt so good. Parang sumasabay sa agos ng tubig ang mga iniisip ko.
So, this is how 'peace' feels like pala 'no? Ngayon ko lang ulit naranasan ang ganito. My skin felt so numb within the water that touches it.
"Done!" Masayang sabi ko kay Navya na nandoon sa gilid ng pool.
"You seem problematic," she squinted, mukhang kanina niya pa ako pinapanood.
I just laughed at her, saka binasa ang mukha niya. And as usual, we end up fighting using the pool's water.
After namin doon ay bumalik na ulit kami sa condo. Hindi na tumambay sa condo ko si Navi dahil may gagawin pa raw siya, so I let her na lang kahit gusto kong sa condo muna siya para hindi ako ma-bored.
I will not visit lolo and lola muna tomorrow, I'm not really feeling well. Nakakainis kasi, hanggang kailan ba ako guguluhin ng mga iniisip ko!
I took a photo of me habang nakayuko sa table and eyes lang ang kita. I'll post it on my IG story with the caption, 'you guys are stressing me out ;('
Tamang papansin lang din ako kay Kaiden, dahil para sa kaniya talaga 'yon!
I took my guitar and started to strum. This one also helps me to lessen my stress.
"I was trying to fly, but I couldn't find wings,
But you came along and you changed everything~" I paused.
"You lift my feet off the ground, spin me around
You make me crazier, crazier~"
I closed my eyes to feel the song better. I'm just smiling during the whole song as if I'm dedicating it to someone, and I don't f*****g know why!
I ate my dinner na and took a halftbath. Of course, pray muna before mag-sleep.
"Lola, who's that po?" Ka-video call ko na lang sila lolo at lola. I heard an unfamiliar voice of a woman kasi.
"Ah, ano apo, 'yung kapitbahay lang namin dito. B-binigyan niya kasi kami ng pagkain dahil birthday ng anak niya," nakangiting sagot sa akin ni lola.
"Ah sige po, pabati na lang po ako lola!" Masiglang sagot ko sa kaniya habang nag-aayos ng mga damit ko dito sa room ko. Nakapatong lang 'yong phone ko doon sa study table, saka nakaharap sa akin.
Natatawa pa ako kay lola dahil sobrang layo ng face niya sa cam, naka-squinty eyes pa. Ang cute!
"Sige na po lola, asikasuhin niyo muna po visitor niyo. I'll call again na lang po later." I took my phone and smiled at her.
"Sige sige apo, ingat ka diyan ha! Bye!" She smiled too.
I just nodded and waved my hand at her, saka inend ang call.
I continue fixing my clothes on my cabinet. Sobrang gulo na kasi nito, wala na akong time ayusin dahil naging busy ako this past few weeks.
I took a bath na and wear a casual attire. Mag-grocery ako sa baba dahil ubos nanaman ang stocks ko.
While pushing my cart, I saw a familiar girl. s**t, it's Dennise, anong ginagawa niya rito?
Ililiko ko na sana ang cart ko para umiwas sa kaniya, pero huli na 'cause she saw me already.
"Ate Avery!" Nakangiting tawag niya sa akin.
"O-oh hi, Dennise! N-nandito ka pala!" I forced a smile.
"Uhm yes, may project po kami ni Navya and kami ang partner doon. She asked me to buy snacks na raw before going to their condo." She explained, habang yakap yakap ang ilang chips at biscuits sa arms niya.
"Ah ganoon ba. Okay galingan niyo ha!" tipid akong ngumiti.
She just smiled too and nodded. I waved my hands to her and start on pushing my cart again.
Honestly, Dennise was really kind. Hindi naman ako galit sa kaniya or what. I was just hurt because of the sudden changes between Dean and I.
Pagkatapos ko mamili ay inayos ko na agad 'yon sa kitchen. I took my phone na nakapatong doon sa counter table, when I heard a notification.
Dean Jayce
'sorry na :(('
He replied on my story. Ang funny niya naman, hindi naman para sa kaniya 'yon! Too paranoid talaga.
I also check na rin kung sino na ang mga naka-view. Isa lang naman ang hinahanap ko e.
Nakita kong na-view niya naman na 'yon, pero wala lang sa kaniya. It's really unusual for me to be ignored by him like this! Nakakainis na talaga, kung ayaw niya edi 'wag!
Kinabukasan ay small bag lang ang dala ko, wala pang laro ang basketball ngayon kaya nagla-light training pa rin sila doon sa field.
"Tati," I seriously called her, kaya gulat siyang napatingin sa akin.
"Why love? May masakit ba sa 'yo?" She worriedly asked, and held my arms. Another paranoid.
"Nothing, but I think Kaiden doesn't like me anymore." I sat properly with downcast eyes.
"What? Why? What happened love?" Sunod-sunod na tanong niya.
She held my chin and lifted, so she could see my eyes. I just stared at her and sighed.
"He keeps ignoring me for days now," I snorted.
"W-what? Bakit naman niya ginagawa 'yon?!" Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Tati.
I just shrugged and looked down. Like Tati, naguguluhan din ako.
Hinati ang students na manonood sa each category. Ang iba kong classmate ay wala ngayon dito sa room dahil nanonood sila sa volleyball. Gaganapin 'iyon sa ibang school.
Kami ni Tati ay sa basketball manonood, actually volleyball ang gusto ni Tatiana but I begged her na samahan akong manood sa basketball.
"Let's go outside love?" Pag-aaya sa akin ni Tati.
We can go outside kasi anytime dahil wala gaanong teacher, since they're supporting our school's athlete teams.
I just nodded. Ayoko na sana lumabas dahil wala naman akong gagawin doon, pero mas mabo-bored lang ako rito dahil lalabas si Tati kasama si Cleo.
"Tati, I'll buy water lang," paalam ko habang kumukuha ng money sa wallet ko. She just nodded, saka kumapit kay Cleo.
I will still give Kaiden a bottle of water. Bahala na siya kung gusto o ayaw niya.
Pagdating namin doon ay saktong break time nila, dahil lahat ng players ay nakaupo sa iba't ibang part ng field ang iba ay nakahiga pa, dahil na rin siguro sa pagod.
I immediately saw Kaiden, nakaupo siya sa bench habang nakapatong ang mga arms sa may tuhod niya at nakayuko. I can also see sweat dripping down on his face and arms.
"Avery, 'wag mo naman paglawayan!" Natatawang sabi sa akin ni Latrell.
"Hey, dumbass! Hindi kaya 'no!" I rolled my eyes.
"Ano kasi ginagawa mo diyan? Bakit hindi mo lapitan?" Nakangising sabi niya.
"He's ignoring me nga! Here give this to him na lang, don't drink it ha! It's for Kaiden ONLY!" Inis na sabi ko sa kaniya, saka nag-walk out.
I heard him laughed, saka tumakbo.
"Hoy love birds, babalik na ako," I said to Tati and Cleo na naglalandian lang doon sa bench.
"H-hey, bakit? Wala naman tayong gagawin sa room!" Gulat na sabi sa akin ni Tati. Hindi ko alam kung saan siya nagulat, dahil ba nahuli ko silang sobrang naglalandian, o sa biglaang paalam ko.
"Ako meron," tamad na sagot ko.
"Ano naman ha!" Paghahamon niya sa akin.
"Tulog," tipid na sagot ko saka lumakad na paalis.
"You're an arse talaga!" Sigaw niya pa sa akin.
Hindi ko na siya pinansin at dere-deretsong umakyat pabalik sa room namin.
Pagdating ko rito ay ako lang mag-isa. That's good then, mas makakatulog ako ng payapa. Mabuti na nga rin at tinigilan na ako ni Chad, wala rin siya rito ngayon dahil sa volleyball siya nanood.
Inayos ko na ang upo ko at pinatong ang maliit kong bag sa desk para magsilbing unan ko.
I closed my eyes and start sleeping. Ang sarap sa pakiramdam, walang maingay na classmates.
Peaceful.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog nang maramdaman kong may naghawi ng buhok ko na humaharang sa face ko kanina.
I was too lazy to open my eyes, para tignan kung sino 'yon. Ano ba 'yan sarap sarap ng tulog ko eh!
Inis kong binaling sa kabilang side ang ulo ko para talikuran 'yong naghawi ng hair ko.
I heard him chuckled. "Sorry," he whispered, saka umalis.
I continue sleeping na lang. Antok na antok din talaga ako dahil kay Kaiden. Yes because of him talaga! He keeps bothering my mind, he's an asshole!
"Love?" Tati wake me softly.
Tinignan ko siyang papungas-pungas pa. Pero okay rin pala matulog dito ha! I really had a perfect refreshing sleep!
"Uwian na love love ko," Tati said while caressing my forehead.
I just nodded saka inayos ang sarili. I also took my small bag and sumabay na sa kaniya paglabas.
"Tati...may pumunta ba sa room natin kanina, while I'm sleeping?" I curiously asked.
Is it a dream or not?
"Huh? I don't know, why?" Her brows furrowed.
"Nothing. I think I just had a dream," I smiled, saka kumapit sa braso niya.
Kay Tatiana na ako sumabay pauwi, dahil galit naman sa akin si Kaiden. Baka mamaya ay iwanan niya lang ulit ako! Yes, he did left me last time!
To: Kaiden
'i'll go with tati, take care :))'
I texted, to inform him pa rin. I'm not that rude naman 'no.
"Thanks Tati!" I waved my hands. She just smiled and nodded.
Pagkabukas ng elevator ay si Dean ang bumungad sa akin.
"D-Dean, what are you doing here?" I was curious.
"A-ano susunduin si Dennise, diyan kasi siya natulog kela Navya," he looks nervous.
I just nodded, saka pumasok na rin ng elevator. Hindi ko na siya pinansin at dere-deretso ng pumasok sa condo ko.
Binagsak ko ang small bag ko sa center table ko at kasabay naman no'n ang pagbagsak din ng katawan ko sa sofa.
I was thinking if I will watch basketball pa rin ba tomorrow or not? Galit naman sa akin ang papanoorin ko, so ano pang sense ng panonood ko. But, I would definitely get bored lang din naman dito mag-isa sa condo.
Nag-ayos na ako at kumain. Nahiga na rin ako agad sa bed ko, and now I can't f*****g sleep again dahil natulog ako kanina.
I just stared at my ceiling, na may glow in the dark na stars.
I suddenly had these thoughts about men. Is it required ba na maikasal? Like, do I really need someone ba, specifically, a man, para magpatuloy sa buhay? Many said, yes it is, kasi sila lang ang makakatulong mo kapag nawalan ka na ng parents or iba pang kamag-anak.
We cannot always rely on them din naman talaga. Everyone has their own challenges, everyone has their own life. Kaya sa mundo na 'to, hindi puwedeng maging dependent. You always need to find a way on how you will stand on your own.
Maybe right now, these men I knew was really giving me a damn headaches. But, also maybe... someday. I could find a man that will love me so dearly.
Hindi ko pa alam, ni hindi ko nga rin alam kung ano ba ang love. I'll never know until I experienced. Many have tried it already, but they can still barely explain it.
Tunay nga, ang pag-ibig ay isang mapaglarong mahika.
"Let's go!!" Atat na umakbay sa akin si Tati.
Papunta na kasi kami roon sa ibang school, kung saan gaganapin ang basketball. Hindi ko na rin nakita si Kaiden, but I'm pretty sure na nakasakay na sila doon sa maliit na bus for athletes.
I texted him goodluck message naman na kanina, okay na 'yon!
"Kinakabahan naman ako rito, Avery!" Tati said, sumisiksik pa siya sa akin, may hawak pa nga siyang maliit na pompoms.
Natawa lang ako sa kaniya. Yeah, I'm kinda nervous too, pero nakita ko naman na kung paano maglaro ang team nila noong foundation week namin. They were really good, especially their captain....
And my own captain. Seriously, Avery?
Nandito lang kami sa second bench, stairs kasi ang style nito, and five ang mayroon. I prayed in my mind pa na sana maging maayos ang game nila.
Maya-maya lang ay nag-start na ang laro. Of course pinasok agad si Kai and Latrell. I wonder kung alam ni Kai na nanonood ako ngayon dito, kanina kasi ay talagang naka-focus na sila sa pag-uusap usap para sa gagawin nila.
Naging maganda ang simula ng game para sa side namin. Nakuha kasi nila ang first and second quarter dahil natambakan nila kaagad ang kalaban.
"Go number four!" Our schoolmate shouted.
"OmG, it's Kaiden!" Pagsusumbong naman sa akin ni Tati.
Hindi ko na lang siya pinansin at nag-focus na lang sa panonood. Kahit naman sinong mag cheer diyan, ako lang ang gusto niyan.
'Gustong-gusto' right Kaiden?
Sa simula ng fourth quarter ay parehas munang inilabas si Kai at Latrell. Kaiden's really look so tired, ramdam ko rin ang malalim na paghinga niya, pati na rin ang pawis na bumabalot sa mukha at braso niya.
"Kuya Kai, water po!" I was shocked, when the girl who shouted for Kaiden earlier, approched him.
Ngumiti naman sa kaniya si Kai at kinuha 'yong bottle of water at ininom sa harap no'ng girl! Nag- 'cause naman 'yon ng pagkangisay no'ng babae dahil sa kilig.
Ako magpa-ngisay sa 'yo, tignan natin kung matuwa ka pa.
"Hey, calm down. Sobrang sama ng tingin ha!" Natatawang sabi sa akin ni Tati.
"Shut up," I glared at her.
Pinigilan niya ang tawa niya at pinakita sa akin na na-zipped niya na ang lips niya. What a kiddo!
After makapagpahinga saglit no'ng dalawa ay ipinasok na ulit sila ng coach nila. Lumamang kasi bigla ang kalaban kanina, so I think kailangan na talaga sila doon.
For the last minute ay lamang ng two points ang kalaban, and unfortunately nasa kanila pa ang bola. Nakatutok na ang lahat ngayon doon, kahit ang players ay maingat na rin ang mga galaw.
Nagsigawan ang schoolmates ko nang ma-steal nung isang player namin 'yong bola at agad na ipinasa kay Latrell.
Limang segundo na lang ang natitira bago niya i-shoot 'yon doon sa three points. Mas lalong nagkagulo ang lahat nang pumasok 'yon. Panalo ang school namin sa unang laro.
"Ang galing mo Cap!!"
"Pakasalan mo na ako Latrell!"
"Mag-shoot ka rin sa akin Cap! Hindi ako magagalit!"
My God, these pokpoks talaga!
We're going back home na, dahil ibang schools na ang maglalaro mamaya. May schedule naman kung kailan sila babalik.
Aalis na sana kami ni Tatiana doon sa pwesto namin, when both of us felt a cold liquid at our back. Narinig ko rin kung paano magsigawan 'yung malalanding babae kanina, dahil sa gulat.
"What the hell!" Inis na sabi ko saka sila tinignan ng masama. Tumapon lang naman 'yung mga juice na hawak nila rito sa amin ni Tati! Puro landi kasi e!
"Calm down, love. Tara na doon sa may restroom," pag-aaya sa akin ni Tatiana.
"How can I calm down with what they did!" I glanced at Tati saka ibinalik ang mga mata doon sa mga babae.
Halos lahat ng nakakita at nakarinig ay nakatingin sa amin ngayon.
"Love please, 'wag ka na makipag-away. Tara na," tumingin ulit ako kay Tatiana.
Tumango na lang ako at binaling ang mata ko sa mga taong nakatingin sa amin. I saw Kaiden, and our eyes met. Kita ko rin sa mukha niya na nagulat siya sa nangyari rito.
Sumama na ako kay Tati, dahil hinatak na niya ako papunta roon sa restroom.
"What hell are we going to do?" I asked Tatiana.
"We'll wait. I called my driver na, nagpasundo na ako rito." She said breathily.
I just nodded, saka naghugas doon sa lavatory.
Fuck, I smell like an apple!
Mabuti na lang at saglit lang kaming naghintay doon ni Tati dahil dumating na rin naman agad ang driver niya. That's a big relief! We can go home naman na after nito dahil halfday lang talaga ang pasok namin.
I was about to enter Tati's car when someone grabbed my arms and pulled me.
"Una ka na Yana, ako na maghahatid kay Av," utos ni Kaiden kay Tati. Ang gaga naman ay nagpaalam din at isinara na ang pinto.
"W-what?" Nagtataka ko siyang tinignan.
He just stared at me, saka ako hinatak.
"Sakay," he commanded after opening the door of his car's shotgun seat.
I absently obeyed his command naman.
Nang makasakay na rin siya ay bumuntong hininga ito saka humarap sa akin.
"Avery, look I'm sorr—"
"Wait, I didn't expect na pag-uusapan natin 'to habang amoy mansanas ako!" I crossed my arms saka umiwas ng tingin sa kaniya.
He laughed. "Hey, wala namang magbabago sa nararamdaman ko para sa 'yo kahit pa anong maging amoy mo e," natatawang sabi niya.
"Really? But you did ignored me for how many days," singhal ko, still not looking at him.
"Yeah and I regret it," umiwas siya ng tingin saka sumandal sa upuan.
"Yeah and I regret it," I mocked.
He laughed at me. "Palit ka ng damit mo, oh." Inabot niya sa akin 'yung malaki niyang shirt.
Kinuha ko 'yon saka siya tinitigan.
"What?" He asked.
"Talikod," seryosong utos ko. Natawa naman siya saka humarap sa kabilang side.
"Makikita ko rin naman 'yan," mahinang sabi niya.
"W-what?" Gulat na tanong ko.
"Wala, did I say something?" He laughed. "Tapos ka na ba?"
"Oo, okay na," kaswal na sagot ko.
He looked at me and laughed once again. Umismid naman ako sa kaniya at nagsimula na siyang mag-drive.
"Bakit mo nga pala dala car mo? E, 'di ba may bus for athletes?" I was curious.
"Nagpaalam ako, para deretso uwi na." He casually said habang focus sa pag-drive.
Tumango na lang ulit ako at isinandal ang ulo sa window. Saglit lang din naman ang naging byahe namin dahil malapit lang.
Nang bumaba ako ay bumaba rin si Kaiden.
"What?" I asked, when he's just standing and staring at me.
"Sige na pasok ka na, tignan kita." He smiled.
I just nodded saka umalis.
I stopped and closed my eyes, saka humarap ulit kay Kaiden. Nakita ko namang nagulat siya doon.
"Kaiden!" Patakbo akong bumalik sa kaniya.
"Why? Did you forgot somethi—"
I hugged him, ibinaon ko ang ulo ko sa dibdib niya dahil hanggang doon lang naman ang abot ko. Wala na akong pake kung amoy mansanas ako!
"Ako na lang ulit taga-bigay ng tubig mo, gawain ko 'yon 'di ba? I can't see you receiving it from another woman," I snorted.
He gave me a chortle. "Then, I can't see you being held by another man either," he said as he caressed the back of my head.
**********