I was taking a bath when I heard my phone rang. Hindi ko muna pinansin, I'll call back later na lang after ko maligo.
Ang aga-aga, sino ba tatawag ng ganitong oras?
I'm carefully wearing my school uniform para hindi ito malukot kaagad. I almost forgot to check my phone.
Nagulat ako nang makita ang sunod-sunod na messages ni lolo, at 'yung call niya kanina. Tinawagan ko na lang ulit siya.
"Oh, lolo bakit po kayo tumatawag? Sorry naliligo po kasi ako kanina, may problema po ba diyan?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya, after he answered my call immediately.
"Nahimatay kasi ang lola mo kanina, hindi ko alam ang gagawin ko." Nanginig ang mga tuhod ko sa sinabi ni lolo.
"W-what? I'll go there, wait for me lolo." I said to him, desidido na mag-absent. Ngayon lang naman, I just want to check my lola.
"Hindi na apo ko ayos lang ako, nahilo lang ako sandali knina," napahinto ako nang marinig ang boses ni lola.
"Are you sure po lola? I'll visit you po promise, kahit hindi pa Sunday." I told her with my most calming voice, baka kasi mas lalong manghina si lola kapag marinig sa boses ko ang pag-aalala.
"Sige na apo, salamat! Ingat ka sa pagpasok mo ha. 'Wag mo na ako masyadong intindihin." My lola said, halata sa boses niya ang panghihina.
"Opo, magpahinga ka po lola ha. Lolo take care of lola po ha," I said to lolo, and ended the call.
My mind was too occupied because of what happened earlier, during our classes.
"Everything's going to be fine baby, don't worry. I know lola Lina, she's strong." Tati comforted me.
Kumakain kami ngayon dito sa cafeteria, of course katabi niya si Cleo sa katapat na side ko, at nag-iisa naman ako rito.
I barely see Kaiden here sa school, since we have different buildings. Ilang lakad pa ang kailangan bago makarating sa college building.
Wait, why am I even thinking of him? Ano 'yon, Avery?
I just nodded, and gave Tati a shallow smile.
After a few minutes bumalik na rin kami sa classroom.
Ganoon lang ulit ang nangyari during our next two classes, lesson and recitation. Buti wala masyadong activities and exams.
"Oo, tapos talagang wala siyang emosyon Avery! Kabang-kaba ako, pero maya maya lang ay nag-joke na siya nang nag-joke." Exaggerated na kuwento sa akin ni Cleo.
Natanong ko na sa kaniya kung anong experience niya sa meeting nila ng Dad ni Tati. His braces really looks good on him too, mas gumwapo!
"Tapos ganito pa siya o, 'Mr. Guerrero, seryoso ka ba talaga sa anak ko?'" Pang-gagaya pa niya sa Daddy ni Tati. He looks funny.
Vacant namin ngayon, dito lang kami ulit sa gazebo tumambay.
"Your so OA, Daddy was not even terrifying, like what you are doing!" Inis na sabi naman sa kaniya ni Tati.
"Ano ka ba Tatiana, syempre matatakot pa rin si Cleo dahil Dad mo 'yon e. Pero atleast kahit kinabahan at natakot kaunti si Cleo, hinarap niya pa rin for you, right?" I explained to Tati, as if naman na may experience na ako sa ganoon.
"Yeah, he's the best!" He hugged Cleo's neck, niyakap din naman siya ni Cleo pabalik.
"Tati, tigil!" Pagsuway ko kay Tatiana, dahil siya pa ang mas maharot sa kanilang dalawa.
She rolled her eyes on me, saka kumalas ng yakap kay Cleo. Parang dati lang si Cleo ang iniismiran niya at sinusungitan ha!
"Avery sa Friday ha, text ko na lang sa 'yo address." Paalala ni Cleo sa akin.
"Hoy ano 'yon? You two are cheating on me 'no!" Tatiana gave Cleo and I a squinty look, tumuturo-turo pa ang mga daliri nito sa amin ni Cleo.
"Dumbass, he invited me sa celebration niyo dahil naging kayo na!" I rolled my eyes to her, saka kumagat sa burger na kinakain ko.
"Ah, oo nga pala," napaatras siya saka namula dahil sa hiya. "Cleo's so cheesy! May pa-ganoon pa sya!" Sabi nito habang nakayuko at pinipigilan ang mga ngiti, mas namula pa ang mga pisngi niya.
I rolled my eyes on her, dahil sa pagiging pabebe niya. Hinawi naman ni Cleo ang mga buhok nito na humaharang sa mukha ni Tati, and he pinched her red cheeks.
"Tonginang 'yan," I said sabay hampas ng mahina sa maliit na table na nasa gitna namin. Tumayo ako saka sila iniwan doon.
Nakita ko pa sila sa peripheral vision ko na napasandal dahil sa gulat. At nang tuluyan na akong makaalis narinig ko pa ang malalanding tawa nila.
Bitches!
"Sir 'wag na po si Avery, magaling na 'yan e!" My classmate shouted when our Art teacher called me para may i-drawing doon sa board.
"You got a point, sa mas mahirap na drawing na lang natin tawagin sa Avery." My teacher chuckled.
They know me kasi for being good sa arts, every poster making contests ay ako ang pinang-lalaban nila. 1st place always, the school's admin even invited me to be their representative outside the school, pero I refused.
Honestly, I'm not really fond of drawing. Isa lang din 'yon sa naging libangan ko noong bata ako. I think doon ako nahasa.
I just smiled at them, and continue to copy what's on the board. Last subject naman na namin 'to.
"Thank you !" My classmate thanked me after niya mag pa-drawing. May mahirap kasi na naka-drawing sa board, so she asked for my help. In fact, nasa three to six silang nagpa-drawing. Ang sakit na nga ng kamay ko!
"Salamat din Avery!" Shaun said. "Avery very nice mo talaga!" Pagbibiro pa niya sa akin. Isa rin siya sa medyo ka-close ko rito sa room, para kasi siyang si Dean.
"Loko ka talaga, sige na umuwi ka na doon!" I laughingly said to him.
He waved his hand to me and ran back to his seats to get his bag and leave. Uwian na rin kasi, halos ten na lang kami rito sa room, nahuli pa ako dahil nga sa mga nagpa-drawing.
"Artista yan?" Tati teased.
"Gaga nag pa-drawing lang." I rolled my eyes, while putting my school stuffs in my bag. "By the way love, baka puntahan ko sila Lola ngayon." I told Tatiana.
"Hay nako Avery," panimula niya, nawala ang nang-aasar na mukha niya kanina. "Let your lola rest muna, baka mas madagdagan lang ang nararamdaman niya kapag nakita kang alalang-alala sa kaniya." She continued.
"Tati, kasi what if—"
"No what ifs Avery. You know what, 'yong mga ganiyan, they don't want their love ones to see them being so weak. For sure kapag pumunta ko roon ngayon, lola mo lang din ang mas magiging worried," she explained while caressing my back.
I just nodded at her. Umuwi na rin kami after.
"Okay class, next week ay ilalaan para sa campaign and votings ng ating Student Council." Our adviser announced.
Sa katunayan, late na nga 'tong Student Council, dahil dapat second week palang ng classes ay ayos na ito.
Nagka-problem kasi ang ibang partido, I know kasi kasali ako as a representative. Lagi akong sumasali sa student council dahil extra points din ito. Of course, sa party list ako ni Tatiana sumali. Prime Party. Siya ang tatakbo as President. Sure naman na mananalo si Tatiana dahil maraming may bet sa kaniya dito sa school, ako ang 50/50.
"Hello everyone, we have to start preparing na for our campaign." Nandito kami ngayon sa vacant na room for our meeting, of course si Tati ang namumuno.
"Chelsea come here, copy these campaign messages I made. Pa-print and xerox mo, I'll give you the money later ha. Make sure the quality is good, we'll use it for our flyer." Utos nito sa secretary namin.
"Copy Ma'am," Chelsea said while smiling. Mabait din itong si Chelsea, nakakausap ko rin siya kaso madalang lang dahil grade 11 pa lang siya.
"Avery come with me. Samahan mo ako, may dadalhin lang ako sa College building," makahulugang sabi nito sa akin.
I rolled my eyes to her saka sumandal pa lalo. Walang balak sumama.
"Bilisan mo! Utos din ni Ma'am Lyn na isama ang research leaders, 'wag ka mag-feeling dyan!" Tati loudly said, kaya napatingin din sa amin ang ibang students na kasama namin dito sa room.
"I'm not even the research leader of our group," I rolled my eyes.
"Absent si Chad, wala kayong representative. Since you're here naman na, ikaw na lang." She teased.
Talaga namang nakagawa pa ng paraan. Bad timing naman pag-absent ni Chad!
"Okay," padabog akong tumayo saka sumunod sa kaniya.
"Ikaw muna maglead dito Cint," utos niya sa Vice-President namin.
Tumango naman ito sabay punta sa harapan.
"Asshole," bulong ko kay Tati.
We're now on the way to the college building. Kasama namin ang tatlo pang leaders ng research, hindi nga siya nagbibiro.
"Why? Kailangan naman talaga tayo roon," she said, straight-faced.
Bakit naman kasi hindi na lang si Ma'am Lyn ang pumunta sa room!
"Oy potangena," rinig ko agad ang boses ni Latrell.
Talaga namang dito pa kami sa room nila mismo napunta. Well, we don't have any choice naman dahil nandito ang klase ng teacher na nagpatawag sa amin.
"Mr. Verin, what's that noise?" Napansin ni Ma'am Lyn si Latrell.
"Wala po Ma'am, si Kaiden po kasi masyadong tinigasan." I heard everyone's laugh, napailing na lang tuloy si Ma'am Lyn.
Nakita ko rin kung paano binatukan ni Kai si Latrell, kasabay naman no'n ang pagsiko sa akin ni Tati. I glared at her.
"Ma'am ito po 'yong pinagawa niyong essay sa amin." Iniabot ni Tati kay Ma'am Lyn ang patong-patong na papel.
"Thank you,hija." Kinuha ni Ma'am 'yong mga papel at maayos na ipinatong sa table niya.
Nakaharap kami ngayon dito sa table niya na nasa harapan ng room.
"Now, I just want to inform you that I will not be available tomorrow. So, what I want you to do is to finish your researches, is that clear?" Sabi niya sa amin.
'Yon lang pala ang sasabihin, sana kay Tati niya na lang pinasabi!
"Siguraduhin niyong may maipapakita kayo sa akin sa next meeting natin, okay?" Mataray na dugtong nito.
"Yes ma'am," sagot naman ng mga kaklase ko. Tumango lang ako dahil hindi ako makapagsalita sa loob ng classroom na 'to. Gusto ko na lumabas!
"Bakit ba batok ka ng batok? Totoo naman na hindi ka bumalik sa training no'ng nakaraan a!" Rinig ko pa ang pang-aasar ni Latrell kay Kaiden bago kami lumabas ng room.
"Hay, the air's so heavy inside." I sighed ng makalabas ng room.
Tatiana just gave me an annoying look. Bumalik na kami sa room para sa meeting, ang mga kasama naman namin ay bumalik na rin.
This day ended without any extra events.
"Kasali ka pala sa SC," Kaiden said. Nandito kami ngayon sa isang park, gusto niya raw muna sulitin ang free day niya dahil bukas ay may training na siya ulit.
Sayang, invite ko pa naman sana siya bukas sa celebration ni Cleo at Tati.
"Ah, oo lagi akong sumasali doon," I simply said. "Ikaw hindi ka sumali sa inyo?" I asked him. Hiwalay kasi ang College SC sa High School.
"Hindi," natatawang sagot niya. "Hectic schedule e," he continued,
Oo nga pala may basketball pa siya, malamang doon pa lang ay nakakapagod na. Wala na siyang time isingit pa ang SC.
"I see, K-Kai if you are going to ask me na about—" I was cut off.
"Yeah, I know, wala ka pring maisasagot kasi first time mo 'to, right?" He smilingly said while facing me.
I just nodded and sighed.
Natawa siya, "You stop doing that. Every sigh, your life will be shortened by three seconds." He seriously said.
I sighed again. "Well, then I think another three seconds are gone." I said and turn my gaze to the sky.
I heard him chuckled. "About kay lola mo nga pala, I know she'll be fine." He said. Nakuwento ko kasi sa kaniya iyon kanina habang papunta kami rito.
"Yes, I know she's strong. Pero hindi mo naman ako masisisi kung mag-aalala ako ng sobra 'di ba?" I said, and turned my gaze to him.
"Yup, agree," sabi nito habang tuma-tango tango.
Sinulit namin ang fresh air na mayroon, habang pinapanood ang mga batang masayang naglalaro ng kanilang mga saranggola.
"Let's buy! Libre ko," pag-aaya ko kay Kaiden doon sa may selecta cart.
He smiled and nodded.
"Alam mo Tati has a song na nakatono doon sa sound ng selecta." I said to Kai while licking my ice cream na nasa cone. Iyong naka-cup naman ang kay Kaiden kaya may spoon siya. We're just sitting here sa wooden bench.
"Anong song?" He curiously asked, sabay subo ng ice cream niya.
"Selecta walang lasa, pangit pa nagtitinda~" I sang what Tati has sung to me last time.
Kaiden laughed in amusement.
"Why? Stop laughing! I just heard it from her!" Inis na sabi ko sa kaniya.
"You're cute," he said after laughing so hard. Namumula pa siya.
Umismid ako sa kaniya sabay dila sa ice cream ko.
"Ano nga palang type mo sa lalaki?" Biglaang tanong niya habang nakatitig na nang seryoso sa akin.
"H-ha? T-type? Well, uhm wala akong type. Wala sa akin 'yon." Sagot ko habang nakatitig sa ice cream.
He chuckled. "Talaga? Kahit standards?" Natatawang tanong niya.
"Uhm, siguro a-ano masipag, maintindihan tapos kayang tiisin ugali ko, tapos uhm may goal sa buhay, m-may pangarap ganoon," I can't even look straight on him.
"Dami naman, pwede namang basketball player tapos pogi lang. In short Kaiden, ganoon Avery." He corrected.
My forehead wrinkled as my brows raised, then I rolled my eyes on him.
He's pala-desisyon masyado ha!
"Kai can we stop at the mall? Saglit lang, I will just buy something." I asked him. Wala kasi akong isusuot for tomorrow, e mukhang bongga ang celebration nila Tatiana.
He nodded, saka iniliko ang sasakyan.
"Para saan 'yan?" He asked, while I'm looking at the dresses. I'm thinking pa nga kung mag-dress ba ako or not.
"May pupuntahan lang ako tom,' I simply said.
He just nodded at hindi na nagtanong pa. Buti naman!
"Kai, thank you." I said after bumaba ng sasakyan ni Kaiden.
"For what?" He curiously asked, nakasilip sa window ng car.
Ngayon lang kasi ako nag-thank you sa kaniya ng ganito kaya siguro siya nagtataka.
"F-for making me happy today," I answered, nabulol pa nga.
"Ngayon pa lang ba kita napapasaya?" He pouted.
"Baliw! Inis na sabi ko. "Hindi naman sa ganoon, naramdaman ko lang ulit na may tumanggap sa akin," I continued.
As of now, si Kaiden kasi ang last person na tumanggap sa akin. I really appreciate people who accept me, kahit ano pang ugali pa ang makita nila sa akin.
I could say naman na hindi ako peke kay Kaiden. Kung paano ko siya tratuhin ay iyon talaga ako.
"Mabait ka naman talaga Avery e, kaya nga kita nagustuhan," He grinned. "Malala," he continued.
I rolled my eyes on him. Natawa naman kami parehas.
We waved our hands to each other, saka umalis na si Kaiden. Umakyat naman na ako condo ko.
"How are you baby, ngayon lang ulit kita nakita. Sorry medyo busy lang din sa school." I asked Navi, gumgawa ulit siya ng agreement niya rito sa may center table ko.
"Doing good," simpleng sagot niya habang naka-focus sa ginagawa.
"Mabuti, bakit ka nga pala nasa tapat ng door ko last time?" I asked her. Ngayon ko lang siya natanong about doon.
"Hay, I want to tell you something kasi." She stopped what she's writing on her book and closed it, then she faced me after.
"Ano 'yun Navi? Go ahead, I"ll listen." I assured her.
She looks terrified kasi, hindi naman siya ganito. Actually ngayon ko lang nakita ang ganitong expression sa mukha niya.
"A-ano kasi, n-nagkabalikan kami ni Gab." She can't help but to stutter.
"And then?" I asked, kasi she looks scared pa rin e.
"W-wala. Ano lang, baka ano, g-galit ka." She nervously said.
"Huh? Bakit ako magagalit, if it is your choice naman?" I gave her reassuring smile.
"Oo nga, choice ko," she smiled, pero bakas ko na peke iyon.
"Right? As long as you are happy, go lang. Kapag sinaktan ka I'll be here to be your companion. Not only your bestfriend but also your ate, tandaan mo palagi 'yan ha!" I comforted her.
She stood up and sat beside me. Tinignan niya lang ako saglit saka yumakap.
"'Wag ka na mag-alala baby ha. Kung natatakot ka dahil hindi mo masabi kay ate Naya, I'll help you." Panghuhula ko sa problema niya.
"No, she already knew about us," she said in trembling voice, hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap sa akin.
Nag-panic ako nang marinig ang mga hikbi niya.
She's weird. I know, may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya alam paano sasabihin.
"Hey," pilit ko siya inaalis sa pagkakayakap para makita ko ang mukha niya, pero mas hinihigpitan niya lang iyon.
Tumahimik na lang ako at hinayaan siyang umiyak sa shoulder ko. I am caressing her back para pakalmahin.
Its too painful for me, seeing my baby sister being this sad. Hindi ko alam anong comfort ang gagawin ko, pero pinipilit kong iparamdam sa kaniya na nandito lang ako. Na masaya ako kahit anong desisyon ang gawin niya as long as masaya rin siya at hindi niya 'yon pagsisisihan.
"Sorry ate Farrah," she said after drinking the water I gave to her earlier. Ngayon pa lang siya ulit nagsalita after niya umiyak ng halos walong minuto.
"No Navi, you don't have to say sorry. I swear okay lang sa akin ha." I smiled at her.
She just smiled, pero kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya.
"Thank you sa time Farrah," Navi said before leaving my condo. Sinara niya na 'yon at hindi na hinintay ang sagot ko.
I sighed. I hope she gets better na. Hindi ako sanay ng ganoon siya. Nawawala 'yong Navya na maingay at laging nang-aasar.
I'm planning to go to their condo pa, kasi alam kong wala pa doon si ate Naya, pero hinayaan ko na lang muna mag-isa si Navi. Maybe she just want some time alone.
Umupo na ulit ako sa sofa ko saka sumandal at tumingin sa ceiling. Ang daming nangyari.
I did my night routine and drop my body to my bed. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan ko habang nakadapa.
Sobrang daming ganap, kay Lola, kay Navi at kay... Kaiden.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Natahamik lang ako doon sa bed ko, habang nakaalis na sa pagkakabaon sa unan ang mukha ko, at nakatulala na lang doon sa lampshade na nagsisilbing liwanag ng room ko.
Tanging heartbeat ko lang din ang nag-iingay. I covered my face with my pillow, as my every heartbeat remembers Kaiden.
Fuck, Avery.
**********