"Tati, do we have meeting ba later?" I asked Tatiana. Friday na kasi ngayon, at next week na ang start ng campaign.
"Yup, I'll just give them a reminder, though nasabi ko na lahat sa meeting yesterday." She answered while eating her vegetable salad.
Lunch kasi namin ngayon at diet daw si Tati. Habang ako ito, walang pakialam sa ganoon. I'm eating two cups of rice with fried chicken and chop suey.
"And oh I forgot some details pa pala. They must be aware of that, you also. Don't ask me kung ano 'yon, mamaya na lang sa meeting," she continued and smiled at me. May naiwan pang spinach sa lips.
"Okay, saglit lang ba?" I asked her again.
Napahinto siya sa pagkain at makahulugan akong tinignan. "Bakit? May lakad kayo ng lalaki mo 'no?" She teased. Naka-squinty eyes pa, while holding her fork na nakapatong sa bowl of her salad.
"W-what? Wala a! I asked lang naman e." I said, sabay yuko at subo ng rice. I don't want to see her annoying face.
"Defensive ha!" She chuckled.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain at hindi na siya pinansin.
Cleo's not with us, I don't know why. I saw him earlier, kasama ang friends niya. Patingin-tingin lang siya rito kay Tati, and maya maya lang ay hindi ko na siya nakita. Magkaaway yata sila. I didn't asked Tati about it anymore, ayoko na mangialam sa ganoon nila.
"Class dismissed," our adviser said, while fixing her things doon sa table niya. "Cleaners maiwan ha, you too Phia, bantayan mo sila." Utos niya sa class president namin. Lagi naman may meeting kasi ang teachers after classes.
Tati and I went to the vacant room na ginamit namin kahapon for the meeting. Kasama rin namin ang two classmates pa namin na kasali rin sa SC.
"Are we complete na ba, Chelsea?" Tatiana asked our secretary.
Nasa harap ulit si Tati, ako naman ay nakaupo lang dito sa gilid. Nandito na rin ang ibang kasali.
"Uhm, 'yung representative po ng grade 11. Absent po kasi siya ngayon." Chelsea answered, siya na ang nag-excuse doon dahil sila ang mag ka-grade level.
"Okay, update her na lang ha!" Tati said. "So let's start, this would be a short meeting lang. May nakalimutan lang akong sabihin yesterday." Panimula niya.
"So according to the student council's moderator, each party list has only 25 minutes to do the campaign in each room." Nagulat kaming lahat, dahil sobrang bilis lang no'n. Rinig ko pa ang usapan ng iba na kinakabahan lalo tuloy sila. Marami rin kasi kaming magsasalita.
"Uhm, I want you to do me a favor sana guys. 'Wag niyo na sana masyadong habaan ang speech niyo, especially the representatives. Give me the half of time that we have to campaign, there are a lot of things I need to explain to them, such as our projects." Tati explained, she has a point naman. She needs a lot of time para ma-explain lahat ang kailangan niya, saka siya rin naman ang President.
Nakita kong nagsipagtanguan naman ang mga ka-partido ko, umaliwalas ang mukha ng iba dahil saglit na lang silang magsasalita. Takot din sa public speaking like Tati and I, pero we have no choice kung hindi sanayin 'yon. Especially Tatiana, she's aiming for the first honor.
"Clear tayo doon guys ha?" Tati asked us again. May iba pa siyang in-explain at sinabing paalala roon.
Sobrang bagay kay Tatiana ang pagiging President. Hindi lang siya responsible, sobrang approachable niya rin. I'm really positive na mananalo si Tati, she deserves it. Lahat ng effort at time niya ay ibinigay niya rito, magaganda rin ang naiisip niyang mga projects.
"That's all. Goodluck everyone! Give your best next week!" Pagtatapos ni Tatiana.
"Ate Tatiana, someone's looking for you outside po." The grade 8 representative na galing sa labas called Tati.
She quizzically looked at me, dahil ako ang malapit sa bintana.
"Cleo," I mouthed.
She rolled her eyes, habang pinapantay ang hawak niyang mga paper doon sa table.
"Hoy i-dismiss mo muna kami bago ka lumandi diyan!" Pagpipigil ko sa kaniya nang makitang lalabas na siya.
"G-guys, meeting d-dismissed. You may now leave," I laughed at her when she stuttered. She rolled her eyes on me, saka lumabas.
Kinuha ko na ang mga gamit ko, saka sumunod doon sa love birds.
"Ikaw kasi e!" Pabebeng sabi ni Tati sa boyfriend niya.
"O, sorry na hindi ko na 'yun uulitin. Cross my heart." At nag-cross nga si Cleo sa tapat ng dibdib niya.
"Okay!" Maarteng sabi ni Tati saka nauna sa amin maglakad.
"Soy sauce Tatiana mo a!" I teased Cleo.
He just laughed and shook his head.
"See you later Tati!" I waved my hand to Tati after ko bumaba ng sasakyan niya, siya ang naghatid sa akin pauwi dahil may training si Kaiden.
"Okay, sure ka ba na hindi na kita susunduin?" She worriedly asked.
"Yup, I'll be fine!" I gave her a reassuring smile.
Naglakad na ako papasok sa loob ng building ng condo ko.
"Oh hi ate Naya!" Nagulat ako nang bumukas ang elevator at si ate Naya ang nandoon. Alam ko kasi ay 7PM pa ang uwi niya.
"Hi Very! I just need to get something." She answered, unlocking my curiosity.
"Ahh, nakauwi na po ba si Navi?" I asked her.
"Hindi pa siya nakakauwi, may gala raw sila ng friends niya." Ate Naya explained.
"Ah ganoon po ba," I answered. Mabuti naman at nang makapaglibang-libang si Navya.
"Sige, mauna na ako ha! Patignan na lang din si Navya kapag dumating ha," bilin ni ate Naya.
I just nodded and waved my hand to her.
Namahinga lang ako saglit doon sa sofa ko, saka nag-halfbath. Mamayang 7PM pa naman ang pupuntahan ko. Cleo already gave me the location na rin.
Naglagay lang ako ng simple make-up. I wore a peach cocktail dress that hugs my body perfectly. Backless ito at kumikinang pa. Hanggang itaas din ng tuhod ko ang haba nito, na naka slant style. I also partnered it with my beige stiletto.
Nag-spray na rin ako ng perfume sa may wrist and neck ko, saka humarap sa floor mirror ko.
"Gorgeous!" Puri ko sa sarili ko. Buti na lang ay bagay ang napili kong damit, hindi ko na kasi naisukat kahapon dahil nahihiya na ako kay Kaiden.
It's just 6:47PM nang makarating ako rito sa celebration area. Isa itong private pool na may parang mini club sa loob. Grabehan naman 'tong sila Tati at Cleo. Sabagay si Cleo ang may pakana nito, sobrang tagal niya na rin kasing nililigawan si Tatiana kaya naman may pa-ganito pa siya.
Isa pa bawal pa kami sa mga clubs talaga dahil hindi pa kami 18, kaya sa ganito palang muna kami puwede. Marami na rin akong nakikita sa loob na nag-iinuman, mukhang mga nasa 20s na ang mga 'yon, mga ka-close siguro ni Cleo na college students.
"Love!!!" Rinig ko ang sigaw ni Tati, galing siya doon sa loob ng mini club. Naka backless draped split thigh satin dress ito na color green at may ka-partner na black ankle strap heels.
"Hey! You're so pretty!!" I complimented Tati's look.
"You too! Tara doon sa may likod, drunkards ang nandiyan sa loob, friends ni Cleo." Napangiwi si Tati sa sinabi niya at hinatak na ako doon sa may likod.
"By the way, you didn't invite your man?" Tatiana asked, habang naglalakad kami.
"No, busy 'yon at baka pagod sa training." I simply answered. Hindi ko na rin nasabi kay Kaiden na ito ang pupuntahan ko, 'cause why would I do that?
"I see, nandito kanina sina mom and dad," she smilingly said. "Mga 5PM ay parents naming dalawa ang nandito, pati ibang family." She continued.
"Oh my God Tatiana!" I overacted, napatakip pa kunyari sa bibig.
Nagulat naman si Tatiana sa reaction ko. "W-why?" She bug-eyed looking at me.
"Para naman kayong ikakasal na! 'Yong namamanhikan, something like that." I explained.
Ganito ba talaga kapag nag-boyfriend? Kailangan ba alam talaga ng lahat?
"Your so OA! My parents wants to meet Cleo's family lang naman! Friends friends lang ganoon!" She rolled her eyes.
"Sabagay," I nodded.
Mabuti rin naman na okay sila sa pamilya ng isa't-isa. There are some cases kasi na hindi at iyon pa ang nagiging reason ng hiwalayan.
"Wine," Tati gave me the glass of wine. Red wine lang naman 'to, hanggang dito muna ang pwede kong inumin.
"Thanks," I simply said, sabay inom nito ng kaunti. Nandito kami sa round cocktail table, ilang ganito lang ang nakatayo dito sa may labas dahil kaunti lang naman ang visitors. Mas marami ang nasa loob ng mini club, mga nasa 6-8 persons ang nandoon.
"Do you want to eat something? Nandoon ang foods sa side ng mini club, katabi rin ng pool." Pag-aalok sa akin ni Tati.
"Sige, I'll get something later." I said. Hindi rin naman ako masyadong kumakain kapag may ganitong celebration.
"Tatiana!" May biglang yumakap na babae kay Tati. I know her, she's Crizelle, friend ni Tati doon sa old school niya.
"OMG, Zelle! You look so gorg!" Pagpuri ni Tati. "Babe I'll be back, I'll just talk to Zelle ha!" Paalam niya sa akin.
I just nodded. Crizelle gave me a smile, so I smiled at her too.
Nilibot ko lang ang mga mata ko doon sa area. In fact, hindi ito masyadong malaki, kaunti lang din naman kasi kami rito. Ilang friends lang no'ng love birds.
I walked near the pool at lumiko doon sa side ng mini club. Nakita ko nga ang foods doon na naka buffet style.
I just put some chilled mixed fruits with cheese here in my cup. Ito lang ang kakainin ko.
"Avery?" Someone called me habang pabalik ako sa cocktail table.
"Oh hi, Chad!" I greet him. "Uhm, you're a friend of Cleo ba?" I asked him, nagtataka kasi ako bakit siya nandito, e hindi naman sila friends ni Tati.
"Yes, junior high friends kami actually." He said, may hawak-hawak na glass of wine. Kasabay ko na rin siya maglakad pabalik doon sa table ko.
"I see, bongga ng friend mo 'no!" I said, wala akong masabi. Air would be so heavy kapag wala kaming pag-uusapan!
"Oo nga e," he laughingly said. 'Yon lang sagot niya? Ano na sasabihin ko?
I ended laughing na lang din.
"Sige na maiwan na kita," paalam niya nang huminto na ako doon sa table. Thank God!
I just smiled and nodded at him. Umalis na rin ito, mukhang pupunta doon sa loob ng mini club.
I just peacefully ate my fruits. Nasaan na ba si Tatiana? Kawawa naman ako mag-isa rito! Pero I don't look kawawa I think, ang ganda ng baddie look ko kaya!
"Hey, nandito ka pala I thought hindi ka na pumunta." Cleo approached me. Halatang masayang masaya siya ngayon.
"Yup, of course. Grabehan celebration natin ah!" I smilingly said to him.
"Of course, result 'to ng almost one year na panliligaw ko sa kaibigan mo." He winked and laughed as he shook his head.
"Sabagay, ang tyaga mo nga e!" I teased.
"Magiging matyaga ka talaga kapag mahal mo!" He proudly said.
"Good for Tati pala, at mahal na mahal talaga siya ng boyfriend niya." I said, sabay subo ng fruit.
I cannot deny the fact that Tati's really lucky to have Cleo, of course Cleo's lucky too for having my Tatiana.
"Yes, feeling ko nga hanggang altar na 'to!" He laughingly said.
"'Till death dapat, kasi puwede pa rin maghiwalay kahit kasal na," I snorted.
"Matic naman na 'yon. Tiwala ka sa 'kin aalagaan ko si Tatiana," taas noong sabi ni Cleo.
"As you should Mr. Guerrero!" I deeply looked on his eyes.
"Cleo!" Hindi na nakasagot sa akin si Cleo, when a man approached him. May hawak pa iyon na isang bote ng alak at ilang patong ng plastic cups.
"Uy Gian!!" Nag-fist bump silang dalawa, while I'm just seriously looking at them.
"Nandito ka lang pala bro, kanina pa kita hinahanap sa loob." Singhal nito kay Cleo. "May chix ka pa diyan, pakilala mo naman ako," he continued.
Muntik pa akong masamid sa sinabi niya. Anong chix? Nakalimutan na ba niya na ang celebration na 'to ay para kila Tatiana at Cleo?
"Siraulo ka, Avery si Gia—" Naputol ang sasabihin ni Cleo, dahil si Gian ang nagtuloy.
"Gianni, I'm Gianni." Sabay abot ng kamay nito sa akin.
"Oh, I'm Avery," I casually said. Iniabot ko lang din saglit ang kamay niya at bumitaw agad kaya natawa ito.
"Maiwan muna kita diyan bro ha. Punta lang ako sa loob," paalam naman ni Cleo kay Gian.
"Av, una muna ako ha," paalam niya naman sa akin. I glared at him pero tinawanan niya lang ako.
"Salamat bro!" Gian shouted at Cleo, tuwang tuwa na parang nanalo ng lotto.
"Uhm, ilang taon ka na Avery?" He asked.
"Uhm, am I obliged to answer?" I didn't answered him, I asked him back instead. Hindi naman kami close or what, so why would I tell him my age, right?
"Sungit, anong year ka na lang?" He asked with his eyes full of amusement.
"Year of the monkey," I answered.
"What the f**k?" He laughed. "I mean, your year or grade level." He explained, laughing pa rin.
"Be specific kasi. I'm grade 12," I rolled my eyes.
"Sorry na baby," he cheerfully said.
"What?" Inis kong sabi sa kaniya.
"Sabi mo be specific," he said in amusement.
"Are you gago ba?" I said. I was about to leave but he stopped me.
"Ito naman hindi mabiro," he seriously said.
I don't want to be so rude naman, so I stayed.
"Ako hindi mo tatanungin? Basta 1st year college na ako," he winked. Eye-roll naman ang ipinalit ko doon.
Wala naman akong pakialam kung anong year na siya.
He just laughed at nagsalin na ng alak doon sa isang cup at iniabot sa akin.
"I don't drink," I said and slightly pushed back the cup he was holding.
"Dali na isa lang, masarap promise!" Pagpilit niya, iniaabot niya pa rin 'yong cup.
"I don't want nga 'di ba?" Inis na sabi ko ulit.
"Try lang, magugustuhan mo 'to promi—" he was cut off when a man took the cup out of his hand and threw it.
"Ayaw nga 'di ba?" Kaiden said. He's looking darkly at Gian.
"Sino ka naman ba ha?" Inis na sabi ni Gian.
Kaiden didn't answered him. Tinignan niya ako saka hinatak papunta sa sasakyan niya.
"W-what are you doing here?" I curiously asked him.
"Anong gagawin mo kung hindi ako dumating doon?" Inis na tanong niya sa akin, habang nakatingin lang ng deretso sa harapan.
"I-I'll leave," I nervously answered. Ramdam ko 'yung galit ni Kaiden. "'Wag ka na magalit Kaiden, nakikipag-kaibigan lang si Gian." I absentmindedly explained myself to him.
"Nakikipag-kaibigan Avery?" He turned his gaze to me, saka umigting ang panga niya. "Binabastos ka, nakikipag-kaibigan?" He smirked sarcastically.
I looked down, pinaglalaruan ang mga daliri. "I'm sorry Kai," I sincerely said, without looking at him pa rin.
I heard him sighed. "Let's go back," pag-aya niya pabalik doon sa loob.
Ramdam ko ang hawak niya sa may baba ng likod ko, at hindi niya inaalis 'yon. Hinayaan ko na lang siya.
"Babe, saan ka ba galing?" Nag-aalalang tanong ni Tatiana sa akin. "Nandito ka na pala!" She continued, when she noticed Kaiden at my back.
"Uhh, yes. Thank you sa pag-invite and stay strong sa inyo ni Cleo!" Kaswal na sabi ni Kaiden.
"Babe, I invited him. Sorry hindi ko na nasabi sa 'yo, nawala ka na kasi doon sa table mo," She gave me an apologetic smile.
"Oo, may nangbabast—"
"Kaiden please," I stopped him.
"What? What's that Kaiden?" Tatiana curiously asked him.
"Ano, wala. I just c-checked something outside." I answered, hoping to convince Tati.
"Kayo ha!" She teased us. Buti na lang iba ang naisip niya.
"Dumbass! Where's Cleo na ba? I thought you two have a message pa for everyone." I asked her.
"Nandoon na sa may harap ng pool, ikaw na lang iniintay ko kaya!" She rolled her eyes saka hinatak na ako papunta doon.
Katabi ko lang si Kaiden, hindi niya talaga inaalis ang pagkakahawak sa likod ko. I also saw Gian looking at us earlier, napailing-iling na lang ito.
Nagsimula na magsalita 'yong love birds sa harapan. They just thanked everyone who supported their relationship. They also mentioned my name, especially Cleo. Ako lang naman kasi ang nagtutulak kay Tatiana sa kaniya 'no!
"Grabe, they're like newlyweds 'no?" I laughingly said to Kaiden.
"Akala ko ako lang nakahalata," he seriously said. Tumatawa ko siyang tinignan kaya napangiti na lang din siya.
"Inuman na!!" Sigaw ng isang friend ni Cleo. Inuman na, e kanina pa sila umiinom.
"Bro, 1v1?" Napatingin ako sa side ni Kaiden, nang ayain siya ni Gian uminom. We're sitting here kasi sa isang bench, I'm waiting for Tati lang para makapag-paalam na ako.
"No, he won't dri—"
"G," pagputol ni Kaiden sa akin.
"Nice," Gian smiled lopsidedly at him. "Tara sa loob bro," pag-aya pa niya kay Kaiden sa loob nang mini club.
"Kaiden stop, uuwi na tayo!" Inis na sabi ko sa kaniya, papatulan niya pa talaga ang isang 'yon.
"Papatahimikin ko lang 'tong bastos na 'to," Kaiden seriously said to me, saka tumayo at sumunod doon sa loob. Of course sumunod din ako sa kaniya.
"Mga bro, manood kayo mag-1v1 kami ng isang 'to." Mayabang na sabi ni Gian.
"Ayon o! Dito, dito pre!" Aya no'ng isang lalaki. Inayos din nila ang puwesto sa gitna. Dalawang upuan na magkaharapan at isang table sa pagitan no'n.
Wala na akong nagawa kay Kaiden dahil naupo na siya doon. Hindi niya ako binibitawan sa pagkakahawak sa wrist ko kaya nandoon ako sa gilid niya. Ang gulo na rin dito sa loob at amoy na amoy na ang alak.
Nagsimula na sila, salitan lang silang umiinom doon habang nanonood ang lahat. They're just seriously looking at each other.
Nakikita ko kung paano malukot ang mukha ni Gian kada iinom, habang si Kaiden ay parang wala lang sa kaniya. Pity for Gian, kumalaban ng pro. Kaiden's older than him for sure, dahil 1st year pa lang siya at 3rd year naman si Kaiden. Mas may experience, I think?
"What's going on here?" Bulong sa akin ni Tatiana nang makita ang nangyayari rito.
I just shrugged, while she sighed at nanood na rin doon sa 1v1 nila Kaiden.
Tuloy-tuloy lang ang inuman nila, walang may gustong magpatalo talaga.
"Lugi ka Gian, may hawak na lakas oh!" Tinuro ako no'ng lalaking nasa likod ni Gian.
Napatingin naman si Gian sa hawak sa akin ni Kaiden. Natawa ito at napailing. Kaiden's grip on my wrist tightened even more.
"Ayain mo na kaya si Kaiden," bulong ulit sa akin ni Tati.
"He's not listening!" I hissed.
Nagtuloy-tuloy lang ang inuman no'ng dalawa. Habang nagtatawanan at nag-aasaran ang mga nanonood. Nagchi-cheer pa sila for Cleo, puro kaibigan niya kasi yata ang mga 'yon. Wala namang ka-close dito si Kai.
Natahimik ang lahat nang sabay bumagsak ang ulo nina Gian at Kaiden sa lamesa. Dito na yata malalaman kung sino ang panalo.
Nagulat ako nang biglang tumayo si Kaiden, tinitigan niya muna saglit ang nakayukong si Gian saka itinaob ang baso nito. He sarcastically smiled and shook his head, saka lumabas doon habang hila-hila ako.
Sumakay kami ng sasakyan niya at nakita kong napa-sandal na lang siya doon habang nakatingala. Sobrang pula rin ng mukha niya. Kinuha niya pa rin ang wrist ko, at hinawakan.
"Are you drunk na ba?" I asked him.
"Tipsy," he said saka tumingin sa akin at ngumiti.
"Sa condo ko muna tayo," I said to him while he's driving.
He just nodded while looking directly on the road.
Mukhang hindi nga siya gaanong nalasing dahil maayos pa ang pagda-drive niya. Mataas pala ang alcohol tolerance niya huh. I wonder what happened to Gian na.
I texted Tati na lang din na pauwi na kami ni Kai, hindi na ako nakapag-paalam dahil hinatak na ako ng isang 'to.
"Kaiden, soup o. Kainin mo na hangga't mainit." I gave him the bowl of soup. Nakaupo siya sa counter table na nandito sa kitchen ko.
"Thanks," he simply said, saka humigop doon sa soup. Pulang-pula pa rin ang mukha niya.
"Kumain ka lang diyan. I'll just get something," iniwan ko muna siya doon. I saw at my peripheral vision that he nodded.
I took a clean face towel from my cabinet and a small plastic basin with water. I'll try to sober him up a little bit, kahit tipsy lang, lasing pa rin siya. Delikado na at magda-drive pa siya mamaya.
I saw him eating his soup. "Kai, harap ka dito," utos ko sa kaniya, nasa gilid niya kasi ako.
Nang makaharap siya ay hinawi ko ang buhok niya at dahan-dahang pinunasan ang mukha niya.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya dahil sa ginagawa ko.
I'm wiping now his arms, done with his face and neck. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin doon.
"Ganda mo," he said while intently looking at me.
I just shook my head and continue wiping his arms.
"Continue eating your soup na baka lumamig na 'yan," utos ko sa kaniya.
I was about to leave to return the things I used, when Kaiden stopped me. He grab my wrist at hinarap ako sa kaniya. He took the plastic basin out of my hand and put it on the table.
He pulled me closer to him saka yumakap sa akin. Inilagay niya ang hawak-hawak niyang wrist ko sa waist niya, saka ibinaon ang mukha niya sa may shoulder ko.
I was stiffened. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
Gusto ko siyang itulak pero nanghihina ang katawan ko sa mga yakap niya. Ramdam ko rin ang paghinga niya sa may leeg ko.
"K-kaiden, what are you doi—"
"Paano na 'to, Avery? Hulog na hulog na 'ko." Pagputol niya sa tanong ko.
"H-ha?"
"Gustong-gusto na kita, tangina." He hugged me tighter.
**********