CHAPTER 53 TIN'S POV EVERYTHING happens for a reason. Iyon ang linyang naririnig ko simula bata pa ako, at tumatak talaga iyon nang bongga sa isipan ko. Lahat nang bagay nangyayari dahil may basehan at nakatadhana, pero...kapag pala may nangyari sa buhay na nagbigay sayo ng matinding sakit, mapapatanong ka na lang kung bakit. Kung bakit, kung para saang dahilan nangyari ang mga bagay na iyon sa nakaraan. Sa lagay ko ngayon, lahat nang mga nagawa ko noon ay puro maling desisyon, maling-mali, kaya nagdulot iyon ng hindi maganda sa buhay ko. Napahinga ako nang malalim bago inilapag ang shoulder bag na dala ko sa desk ko, at agad na naupo. Nasa JDC Tech. na ako at kailangan 'ko pa 'ring magtrabaho kahit na hindi ganoon kaganda ang pakiramdam ko. Binuksan ko na ang Laptop na gagamitin

