bc

Beginning of Love

book_age12+
4
FOLLOW
1K
READ
revenge
family
goodgirl
drama
comedy
twisted
sweet
bxg
lies
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

As Love begins to Bloom,

Secrets Start to Unfold,

Will their Love overcome The Past?

Hi its my first time

Writing in this platform I hope you guy's wil support me.

Either write something worth reading or do something worth writing

One day I will find the right words, and they will be simple.

If there's a book that you want to read, but it hasn't been written yet, then you must write it

chap-preview
Free preview
KABANATA ISA
Nagmamadali ako papunta ng Gregory Academy o kilala bilang G.A.mayayaman lang ang nakakapag aral dito maliban na lang sa'ming mga University Scholar. Hi Im Althea Cassandra Mendoza , 17 years old, incoming freshmen college. Maganda daw ako, I have Gray Eyes foreigner kasi yung walang kwenta kong Tatay na iniwan ang Nanay ko, matangkad rin ako at mestisa. "Hello GREGORY ACADEMY!!!" sigaw ko ng  Nasa harap na ako ng Gate ng University with matching taas kamay pa. Okay ako na ang mukhang tanga pero okay lang maganda naman ako Nagsitinginan sakin ang ibang mga estudyante, yung iba nagsisitaasan pa ang kilay. "Ayyy palakang tumatahol!" sigaw ko ng may biglang bumusina sa may likuran. Nilingon ko ito at hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Lumabas ang nagdadrive. "Miss umalis ka diyan" sabi nung driver. "Edi aalis, madali naman akong kausap!" Sabi ko sabay alis. Tumakbo ako papasok ng Campus! "Aray ko po" daing ko ng may mabangga ako. "Hey! Are you okay?" napatinging ako sa nagsalita, at napanganga Ulalam ang guwapo niya. "Tumutulo ang laway mo" sabi nito "Ang sarap mo kasi" "Huh?" kunot-noong tanong nito "Ah, eh w-wala! Sabi ko sorry,hehe" sabi ko at nagpeace sign! Nakakahiya! namumula na siguro ako sa sobrang kahihiyan. "No, its ok" sabi nito at nag smile saka umalis. Kinikilig na naglakad ako ng hallway habang hinahanap ang room ko. "Langya, nasaan na ba ako? Ang lawak naman kasi ng University nato" bulong ko sa sarili, pawis na pawis na ako ng mahanap ang room ko. ~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~• Fast forward tayo natapos ang araw na yun na puro pagpapakilala lang as usual first day of the classes eh. Papunta ako ngayon sa SM, tatambay wala naman kasi akong kasama sa bahay maboboring lang ako dun, nasa trabaho pa kasi ang Mama ko hatinggabi pa yun makakauwi! Pumunta lang ako sa Foodcourt ng SM umorder konti at naghanap ng mauupuan, kaso wala ng vacant seat pwera lang yung nasa dulo may isang lalake doon na nakaupo at  Naglalaptop, no choice ako kundi lumapit dun at makiupo. "Uhmm, Eherm! Pwedeng makiupo?" Inangat nung lalake ang ulo niya at tumingin sakin. Muntik ko pang mabitiwan ang tray ng pagkain na inorder ko! Bakit ba kasi naglalabasan ang mga gwapo ngayon, itong isang to super gwapo. f**k! Walang binatbat yung nakabangga ko kanina. "Pwede ng makiupo?" tanong ko ulit, Nangangalay na kasi ako. "NO" sabi nito at muling itinuon ang atensiyon sa paglalaptop. "Sige na please, nangangalay na kasi ako,eh! Hindi ako pinansin, suplado ang walangya! Dahil  Ngalay na ngalay na ako, hindi ko na hinintay ang sagot niya basta umupo nalang ako sa table niya. Pakapalan na to ng mukha gutom na ako at nangangalay na ang kamay ko kakabitbit sa tray. "Who told you to sit in there?" kunot-noong tanong nito. "Ako! Nangangalay na ako,eh at isa pa hindi mo naman siguro pag aari tong foodcourt no!"sabi ko at kumain nalang ng paborito kong Burger at Fries! "Anong tinitingin tingin mo?" tanong ko sa kanya ng mapansin kong nakatitig siya sa akin. "Umalis kana!" "Ikaw ang umalis, naglalaptop kalang naman ako yung kumakain!" Tiningnan siya nito ng masama. "I said. LEAVE!" tumayo ito tsaka lumapit sa akin at hinila ako patayo. Nahulog yung isinusubo kong fries. "Hoy! Ano bang problema mo?" "Pag sinabi kong umalis ka, dapat umalis ka! Gusto ko ng mag isa!" "Nakikiupo lang naman ako, hindi naman kita inaano ah! And duh! Hindi mo ba alam ang salitang Gentleman?" Sabi ko at tiningan ko siya ng masama. Tumitig ito sa mga mata ko. A sadness run into his face. kumunot ang noo ko. Bigla niya akong binitiwan at kinuha ang laptop saka umalis. "Ang weird naman niya, ang Gwapo na sana" sabi ko. Kinabukasan maaga akong pumasok sa school, nagkasabay kami sa pagpasok sa gate ng classmate ko at bagong kaibigan na si Daphne. "Huy  thea, tambay muna tayo." "Saan naman?" "Basta, just go with me. Lets go!" sabi nito at hinila ako. Pumunta kami sa third floor ng faculty building. pumasok kami sa isang kuwarto. "Hi Guys" Bati ni Daphne dun sa dalawang lalake. "Hi" sabay na sabi nung dalawa, "Who's that Pretty Girl beside you Daph?" turo sa kanya nung lalakeng gwapo at blonde hair. "Uhm! Guys meet Thea , my clasmate and a friend" "Hello" bati ko sa kanila "Im Zach" pakilala nong blonde hair "And im Lance " sabi nung chinito, nakipagshake hands siya sa dalawa. "By the way, where is Primotivo?" tanong ni Daphne "Umalis eh, may pinuntahan" sagot ni Lance. Tumambay lang sila saglit doon, at nung magtime pumunta na sila sa klase nila. Magbabarkada pala sila Daphne, Lance at Zach mula pa nung highschool kaso, 3rd year college na yung dalawang lalake. Break namin ni Daphne at nandito kami sa Canteen nagmemeryenda! Siya lang kaibigan ko dito sa G.A. yung bestfriend ko kasing si abby sa ibang school siya nag aaral, mahirap naman dito makipagkaibigan dahil mga sosyalin, Mayaman naman si Daphne pero mabait siya at walang arte. "So, Thea tell me about yourself?" "Huh? Bakit?" "Wala, i just want to know you better. Dont worry Dear i'll tell you about myself too" "Ah ok?" "Magkuwento kana" "Full name ko Althea Cassandra Mendoza, 17" "Ow c'mon i already knew about it" sabi nito sabay smile."What  I mean is, ikwento mo sakin yung hindi mo pa nakukuwento sakin" "Uhmm. Nag iisa akong anak, Single mother yung Mama ko iniwan siya nung foreigner na nakabuntis sa kanya! Nagtratrabaho siya ngayon bilang waitress, mahirap lang kami. Nagrerent lang kami ng mumurahing apartment, mayroon akong Bestfriend si Abby" "Is that all?" "Yan lang makukuwento ko sayo" "How about your Dad, ayaw mo ba siyang makilala?" "Hindi na siguro!, ikaw naman ang magkuwento?" "Okay yung full name ko talaga is Daphne Celestine Lim , My Mom is a Filipina Lawyer while my Daddy is a Chinese business tycoon. "Wow! Tapos,?" "Dalawa kaming magkapatid, yung kuya ko dito rin Nag aaral---" naputol yung sasabihin nito at napatingin sa entrance ng canteen. "And speaking of my Kuya" Napatingin ako sa tinitingnan niya at nanlaki yung mata ko ng makita yung lalakeng nabangga ko nong first day of classes. "Siya yung Kuya mo?" "Oo, wait lang! KUYA!!" pasigaw na tawag nito sa kuya nito, tumingin yung lalake at lumapit sa table namin "What now Daph?" "I want you to meet my Friend, Althea . Thea this is my Kuya Gavin Gabriel Lim" "Gab for short, nice to see you again and nice to meet you" anito at nag wink sa kanya, nginitian niya lang ito "So i'll go ahead, nice to meet you Thea, bye sis" sabi nito at umalis. Sinundan ko ng tingin ang Kuya ni Daphne. "Ang guwapo ng Kuya ko no?" Napatingin ako kay Daphne.. "Wala siyang Girlfriend" sabi ni Daphne at pilyang ngumiti. "Huweee? Ang guwapo niya tapos walang Girlfriend?"sumeryoso si Daphne "Actually na inlove siya before, High School siya nun" "So? Anong nangyari?" "Let's finish our food na? Tapos punta tayo mamaya sa Gym" pag iiba ni Daphne sa Usapan. Hindi ko na siya kinulit, tinapos ko nalang ang pagkain ko. Nung matapos kaming kumain dumiretso na kami sa Gym naupo kami sa bleacher at pinanood yung mga naglalaro. "Oh? Hi Ivo, youre here!" narinig kong sabi ni Dhapne habang nakatingin sa may likuran ko. Lumingon ako at napatayo. "IKAW!!!!!" malakas kong sigaw, natahimik sa loob ng Gym. Lahat ng estudyante sa loob ng Gym nakatingin sakin. Nasobrahan yata yung sigaw ko. "Hehe... Sorry" sabi ko at nagpeace sign. Nagpatuloy sa paglalaro yung mga estudyante. Tiningnan ko ng masama yung lalake sa harapan ko. "Ikaw yung walang modong lalake sa Mall, anong ginagawa mo dito?!" "I dont know you! So, stop talking to me!" sabi nito nakapoker face pa. "Uhmm, wait! Thea? Kilala mo si Ivo?" tanong sakin ni Daphne habang nakaturo dun sa lalake. "Hindi! At Ivo pala ang pangalan ng lalake na yan!" "Excuse me? Do you know who your talking to?" sabi nung Ivo na nakakunot-noo pa. "Pa english english kapa! Wala akong Pakialam kong sino ka!" "Uhmm, Thea?" sabi ni Daphne sabay kalabit sakin. Nilingon ko siya. "Bakit ba?!" sigaw ko,nanlaki yung singkit na mga mata ni Daphne. Tiningnan ko ulit yung Ivo ba yun? Ah basta yung lalake. "Oh? Ngayon sino ka? Akala mo hari kong makaasta!" sabi ko at nagcross arms. Tumaas ang kilay nito. "Let me introduce myself, my name is Alistair Primotivo Gregory" "So??" sabi ko at namaywang. "Ako ang anak ng May ari ng School nato, and based on How you treat me. I'll kick you out of MY school" sabi nito at umalis. "Ano?! Hindi pwede, Sandali!" sigaw ko at hinabol yung lalake. "Althea!" pasigaw na tawag sakin ni Daphne. Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Nakita ko yung lalake pasakay sa kotse niya. Mas binilisan ko ang pagtakbo. "Sandali!!!!" sigaw ko habang nakaharang sa sasakyan niya na paalis na. Tumigil ang sasakyan. Lumabas ang yung lalake at sumandal sa hood ng kotse nito habang naka cross arms. "Im Sorry, wag mo ako alisin dito sa School niyo Please! Magagalit ang Mama ko atsaka may mga pangarap ako" "Okay!" Sagot nito at tumayo ng tuwid habang nakapamulsa. "Talaga?! Salamat! Salamat talaga!" sabi ko habang nakangiti ng abot Tenga. "But you have to join this upcoming search for Miss Campus Sweetheart" seryosong sabi nito. Nanlaki yung mga mata ko. "Ano?! Hindi pwede! Ayoko!" sigaw ko "Then okay pwede ka ng umalis sa School KO!" sabi nito akmang tatalikod. "SANDALI!" Sigaw ko, muling humarap yung Ivo. "Yung bunganga mo talo pa yung speaker namin sa Bahay sa sobrang lakas at ingay! Please stop shouting 'coz im not a f*****g deaf!" "Okay pasensiya" parang hangin lang na lumabas sa bibig ko. "What?!" "Sabi ko okay, pasensiya. At pumapayag na pala ako." "Okay, its settled then!" "Basta wag mo akong tanggalin dito sa school niyo ha?" sabi ko sabay hawak sa kaliwang braso niya. "Oo sabi, wag kang makulit. Atsaka--" tinanggal nito ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Huwag mo akong hahawakan dahil hindi tayo close." "WOW! Ang Arte! Ano ka babae?!" sabi ko "Shut the f**k up! And umalis kana kung ayaw mong sagasaan kita!" sabi nito at sumakay na sa kotse. Umalis nalang ako at sinundan ng tingin ang humaharorot nitong kotse. "Thea!" "Oh? Daphne?" "What happened?" "Sabi nung Ivo ba yun? Hindi niya raw ako ipapatanggal dito sa School basta sumali daw ako Miss Campus Sweetheart" "Miss Campus Sweetheart? Ow! One of the upcoming big event of the G.A." "Kailan ba yan?" "Intramurals Day" "Kailan ang Intramurals Day?" "Yan ang hindi ko alam" "Ah okay." "By the way wala na tayong klase, wala pa daw yung dapat prof natin." "Tara umuwi na tayo?" "No! Lets go the Mall, samahan mo akong magshopping." "Huh? Ayoko, ikaw nalang" "Sige na please" "Sig---" "oh... Hello there Daphne" singit nung isang babae maputi siya at sobrang ganda niya kaso mukhang mataray at mas matangkad  ako sa kanya. "Allys, what do yo want?" inis na tanong ni Daphne dun sa babae "I heard you want to go the Mall, Im free I can go with you" sabi nito at ngumiti. "No thanks, My friend will go with me" sabi ni Daphne at hinawakan ako sa braso. "That girl?!" sabi nung babae at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Anong problema? Di hamak na mas maganda ako kesa sayo" sabi ko  totoo yun! "Huh! Very confident?!" Sabi nito at tinaas ang isang kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Yun kasi ang totoo" "Hey Daphne ?! Where did you get this girl?!" "Shut up Allys!!" "What?! Let me guess! Sa squater mo to nakuha! Duh! What a trash!" "Duh! Mas mukha ka pa kayang squater kesa sakin nabihisan kalang pero kung magsusuot ka ng basahan mas mukha ka pang Squater, tsaka yung ugali mo pang squater" Sabi ko. Napanganga ito sa sinabi ko. "Lets go Thea" sabi ni Daphne at hinila ako paalis. "Sino ba yun?" tanong ko kay Dhapne nung makasakay kami sa kotse niya. "Si Allysa Aniana Alvarez, a spoiled bratt and a total b***h! Shes also a Witch. Girl Bestfriend siya nung kabarkada namin" "Sinong kabarkada?" "Si Stacey." "Dito rin ba nag aaral yang Stacey?" Nalungkot si Daphne. "Stacey is Gone, mag fa-five years na siyang patay" "Huh? Bakit anong nangyari?" "It's a long story and i don't want to talk about it" "Ah okay" tumahimik nalang ako, hindi na tumuloy sa pagshoshopping si Daphne hinatid niya nalang ako pauwi. PRIMOTIVO's POV Kararating ko lang sa bahay, when i enter my room, umupo ako sa kama at kinuha ang picture frame na nasa bedside table. "I Miss you so much Stacey" I miss her so much, I miss her smile, I miss her laugh, I miss her voice, I miss her presence, I miss everything about her! It's all my fault, She died on her Birthday! kung hindi ko sana siya isinama sa farm at kung hindi ko siya pinabayaan edi sana hindi siya namatay! Sana kasama ko pa siya ngayon! Sana buhay pa siya hanggang ngayon. Hindi ko magawang maging Masaya. Hindi ko man lang nasabi sa kanyang Mahal ko siya. Mahal na Mahal ko siya. "Alistair?" Pinahid ko ang luha ko. "Mommy?" Umupo si Mommy sa tabi ko. "Your crying again" "I just can't help it Mom" "Look son, you need to Move on. You must forget the past, gusto ko sumaya kana" "Ayoko siyang kalimutan Siya lang ang nagpapasaya sakin" "Hindi naman siya yung Kalilimutan mo kundi yung trahedyang yun. Itigil mo na ang pagsisi sa sarili mo, it's not your fault" "Mommy?" Napaiyak na naman ako. Niyakap ako ni Mommy. "Nandito kami ng Daddy mo, nandiyan ang mga kaibigan mo. Don't lose hope" ALTHEA's POV "Oh? Nandiyan kana pala, kumain kana?" "Sige lang Ma, busog pa po ako" "Oh sige bahala ka. Matutulog muna ako. Bahala ka na diyan" "Sige po" "Casssaaaaandraaa!" patiling sigaw ni Abby "Tresspassing ka, hindi pa kita pinapapasok dito sa loob ng bahay" "Wala akong pakialam" "Anong ginagawa mo dito Abby?" "Wala namiss lang kita Sandy" Siya ang Bestfriend ko si Abbygail Elisse Suarez, hindi siya matalino kaya hindi siya nakapasok sa G.A, just kidding matalino naman siya kaya lang ayaw niya sa G.A kasi maraming malditang mayayaman na hindi naman mga kagandahan. Si Elisse ang Salutatorian namin at ako siyempre ang Valedictorian, magkaaway kami dati dahil, nakikipagkompetensiya kami sa isa't isa Pataasan kami ng Grades pero we ended up as BESTFRIENDS! "Kumusta sa G.A?" "Okay lang naman, may ikukuwento pala ako sayo" "Ano yun?" "Gusto kong makilala yang Ivo na yan at ang bago mong kaibigan" Sabi ni Elisse matapos kong maikuwento sa kanya ang mga nangyari sakin sa Gregory Academy.   ~~~~~~~~~~ Two weeks narin akong nag aaral sa Gregory Academy, sabado ngayon nandito ako sa isang park gumagala. Naglalakad lakad habang kumakain ng ice cream. "Hoy!" Nilingon ko yung nang Hoy, si Ivo lng pala. Hindi ko siya pinansin nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nagulat ako ng may humila sa braso kong may hawak ng ice cream. "Tininatawag kita, bingi ka ba?" "Hindi naman kasi Hoy yung pangalan ko, shunga ka ba?" "Hindi ko naman kasi alam ang pangalan mo. Tanga ka ba?" "Langya! Ano ba kasing kailangan mo? Pati ba naman dito sa Park sinusundan mo ako?" "Ambisyosa ka! Ang kapal ng mukha mo, hindi kita sinusundan!" "Isa kang malaking packing tape!" "Ikaw! Pasalamat ka babae ka, kung hindi sinapak na kita noong una palang!" "Pakialam ko sayo, sandali yung Ice cream ko!!" Napatingin ako sa hawak kong ice cream nagkalat na yun sa kamay ko. "Here" sabi nung Ivo at inabot sakin yung panyo "Epal ka kasi, nasayang tuloy ang ice cream ko" "Now youre blaming me, huh?" Tiningnan ko siya ng masama. "Palitan mo yung ice cream ko!" "Okay fine! Sumama ka sakin" sabi ni Ivo at hinila ako "Saan tayo pupunta?" "Papakainin kita ng Isang daang truck ng ice cream, para lang manahimik ka!" "Duh! Ang OA naman niyan" Tiningnan ako ng masama ni Ivo. "Ayoko na!!!" sigaw ko "Ubosin mo yan!" sigaw ni Ivo, 1 Galloon of cokies n cream na ice cream ang tinutukoy nito. "Masakit na ang tiyan ko! Ayoko na!" "So? Sasayangin mo yan?" sabi nito at tumingin sakin ng masama. "Ubosin mo!" "Ayoko!" "Ubosin mo!" "Ayoko!" "Sabing ubosin mo!" sigaw niya. "Sabing ayoko na! Busog nako!" Nagsisigawan na kami dito sa loob ng kotse niya. Nagtinginan kami ng masama. Kumunot ang noo nito. "Ano nga pala ang pangalan mo?" "Bakit?" "Hell! Just answer my question!" iritableng sigaw nito. "Thea!" "Full name" "Alth---" "Nevermind" "Aba, bastos to ah!" "Lumabas ka ng kotse ko, nakakasawa ang mukha mo!" "Sobrang ganda ko kasi" Tumaas ang kilay ni Ivo. "Gaano ka kapal ang mukha mo?" "Totoong Maganda ako, eh ikaw gaano kataas ang sungay mo?" "Labas!" Inirapan ko siya."Edi lalabas, as if naman gusto kitang makasama Duh!" Sabi ko at binuksan ang pinto. Palabas na sana ako Ng hawakan ni Ivo ang braso ko. Nakakunot-noong nilingon ko siya. "bakit?" "Thanks for the time, Thea" sabi nito at ngumiti. Nanlaki ang mga mata ko first ko siyang makitang ngumiti. "Lumabas kana" sabi nito na naka poker face na naman. Tulala parin ako ng lumabas ako ng kotse niya. LUNES na naman may pasok na naman, maaga akong pumunta sa School at dahil mamaya pa ang pasok ko, pumunta muna ako sa Gym at umupo sa isa sa mga Bleacher dun. "May i join you?"Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Oh? Ikaw pala Gab"Ngumiti ito. "Pwedeng makiupo?" "Huh? Oo naman" nginitian ko rin siya. umupo na siya sa tabi ko. "Diba mamaya pa ang pasok niyo?" "Oo, pano mo nalaman?" "Daphne is my sister, remember?" "Ahhh oo nga pala, sorry hihi" "Its okay, wanna have some merienda with me in Canteen?" "Ah eh" "I wont take no for an Answer!" "S-Sige" Magkasabay kaming lumabas ng Gym. Nagtitinginan samin ang ibang mga estudyante habang naglalakad kami papuntang canteen. "Who's that girl with Gab?" "I dont know! But i heard she's one of the  University Scholar" "Another poor Sudent?Duh! Hindi talaga bagay dito sa G.A ang mga tulad niya." Naririnig kong usapan ng Grupo ng kababaihan. "Dont mind them" "Oo naman, masyado akong maganda para patulan sila"Tumawa si Gab. "Makapal din pala ang mukha mo?" "Aray ko ha!" Nagtawanan kami, pero napahinto si Gab at nakatingin lang sa taong nasa harapan namin. Nakatayo sa harapan namin si Ivo at tahimik na nakatingin sa amin ni Dave. Nagkatinginan sina  Ivo at Gab mata sa mata, nagtataka akong nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "Sandali? May problema ba?" tanong ko sa kanila. Parang ramdam ko ang tensiyon sa pagitan nila. Tumingin sakin si Ivo at dumaan sa gitna namin ni Gab. Sinundan ko siya ng Tingin. "Anong problema non?" "Dont mind him, tara na" Nagpatuloy na kami sa paglalakad patungong Canteen. PRIMOTIVO's POV Pawis na pawis ako ng umupo ako sa bleacher at uminom ng mineral water. "Alistair Primotivo Gregory" Napatingin ako sa nagsalita. It was Allysa, Stacey's Girl Bestfriend. "Anong kilangan mo?" inis na sabi ko sa kanya "Wala akong kailangan sayo, napadaan lang ako dito. And i saw you" "Then, Go! i dont want to talk to you!" "Of course i'll Go, and i dont want to talk to someone who killed my Bestfriend!" "I didn't kill anyone , not even Stacey!" napatayo ako. "But it's all your fault! You took my Bestfriend away from me. And that accident happened, its all your Fault Ivo! Ang dami mo kasing pakulo! And i hate you so much!" Umiiyak at galit na sigaw ni Allys sabay alis. Napaupo ako sa Bleacher, Mabait naman dati si Allys naging part pa siya ng Barkada namin naging sila pa nga ni Zach,pero nagbago ang lahat ng mamatay si Stacey, nagalit sakin si Allys! Kinamuhian niya ako, naging Maldita siya, naging Bully! Hanggang ngayon sinisisi niya parin ako. Yeah i know it was all my fault, pero kailangan pa ba niyang ipamukha sakin yun? Kailangan bang ulit ulitin? Nasaktan rin naman ako!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
495.4K
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

His Property

read
945.8K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

A night with Mr. CEO

read
175.2K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook