Umiwas na lamang ako ng tingin sa kaniya. Bahagya akong nakaramdam ng kahihiyan sa pagitan naming dalawa ni Enrique. Lumingon ako taliwas sa kaniyang direksyon at saka nagpatuloy na lamang sa kinakain ko. Tumagal din ng ilang minuto ang aming hindi pagpapansinan. Nahahalata kong panay ang sulyap niya sa akin ngunit nagpapanggap ako na wala akong nakikita. Paminsan ay nagtatama ang aming mga mata ngunit agad akong umiiwas sa kaniya. Sa tuwing iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya, nasisilayan ko ang mga nauudlot niyang ngiti. Nadama ko ang lungkot na naramdaman ni Enrique nang akin siyang ipagtabuyan at malamang may namamagitan sa aming dalawa ni Enrique. Hindi ko batid kung kailan niya pa ako nagustuhan, at labis akong kinakain ng kuryosidad ko. “Enrique....” Unang bigkas ko pa lamang sa

