Nanatili kaming nakatayo sa ilalim ng puno na ito, at patuloy na iniisip kung ano ang mga gagawin namin gayong ang kapangyarihan at mahika ng eternomaravillas ay naglaho na. “Ano nang gagawin natin ngayon? Wala na tayong matutuluyan...,” malungkot na tanong ko kay Enrique na kasalukuyang nagugulumihanan na rin sa mga nangyayari sa amin. “Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin natin, Maya. Pero kailangan nating makahanap ng tutuluyan sa lalong madaling panahon dahil marami ang mga Kastilang paali- aligid at mainit din tayo sa mga mata ni Gob. Sebastian pati ng mga tauhan niya,” sagot sa akin ni Enrique. Nagpabalik- balik ako ng lakad sa aking pwesto sa pag- asang makaisip ako ng solusyon, ngunit habang nag- iisip, nakaramdam ako ng gutom. Narinig ko rin ang pagkalam ng aking tiyan, at sa

