Matapos putulin ang mga kwerdas ng mahiwagang eternomaravillas na ito, buong lakas niya itong ibinato sa aking mukha. Malakas ang pagkakatama nito sa akin, at nagdulot sa akin ito ng bahagyang pagkahilo. Nang aking hawakan ang aking noo, nasilayan ko sa aking kamay ang mga bakas ng dugo, tanda lamang na nagtamo ako ng sugat sa kaniyang pagkakahagis ng kaha ng vihuela. Tinitigan ko siya nang masama, ngunit bago sila umalis dinuraan ako ni Gob. Sebastian sa ulo. Napapikit na lamang ako at hinayaan siya sa pagtapak niya sa aking pagkatao. "Magtutuos pa tayo. Hinding hindi kita tatantanan hangga't nabubuhay ka pa!" sambit nito sabay alis sa aking harap. Sumunod sa kaniya ang bulto ng mga dinala niyang tauhan na tila ay isasama niya oras na mabuksan ang lagusan, at habang sila ay naglalaka

