Sobrang na-surprise talaga ako nang mapagbuksan ko si Dylan sa labas ng bahay namin. Hindi ko naman kasi inaasahan. Biruin mo, kanina lang magkatawagan kami sa phone tungkol dun sa movie na The Vow, pero ngayon, eto na sya. Sa mismong tapat ko, hawak yung dvd na yun. Hay naku, ano pa kayang surprises ang mapapakita sakin nitong lalaki na to? Ang dami e, sobrang nakakabigla na. Pero aaminin ko naman, ibang-iba talaga yung saya na binibigay nya. Lalo na ngayon. I remember when he promised me awhile ago na sa mismong araw na to mapapanood ko na yung movie na ni-recommend nya. I didn’t expect na seryoso pala sya dun. So I was really surprised, yet very impressed to know that he really means his words. So right now, nandito ako sa kwarto ko. Actually kakapasok ko lang dito, tumakb

