THRID PERSON'S POV
Hinubad ni Hirein ang suot nyang salamin at ipinatong sa malaking bato.Tinanggal nya ang pagkakaipit ng buhok nya at lumadlad ang mahaba at itim na itim nyang buhok.Tumalikod sya sa buong SE at hinubad ang suot nyang t-shirt lumantad sa kanila suot na puting sando ni Hirein. Kumurba rin ang maganda nyang katawan dahil fitted ang suot nyang Sando.
Humarap sya sa buong SE na ngayon ay nakatulala na sa kanya.Ang iba ay nakaawang pa ang bibig.Kahit si Clint ay natulala na rin sa ganda at kasexyhan ng dalaga.Isa lang ang nasa isip nilang lahat.
She's so hot!sabi nilang lahat sa isip nila.
Napakunot naman ang noo ni Hirein dahil sa Tulala ang buong SE.
"HUY!" Sabi ni Hirein sa SE agad naman silang natauhan at nagsiiwasan ng tingin."Ayos lang kayo?"
"Ha?Ahh,Oo.Ayos lang kami!" Sabi nung apat. Tumango tango naman si Hirein at ngumiti.
"Pabantay ng gamit ko ha?" Nakangiting sabi ni Hirein.Tumango naman ang SE habang pinapanood ang pagpunta ni Hirein sa tubig.
Tulala parin sila hanggang ngayon at hindi maalis ang tingin sa dalaga.Namamangha parin sila sa kagandahan nito.
Habang pinapanood ng buong SE ang paglangoy ni Hirein ay may isa ring grupo ng mga kalalakihan ang nanonood mula sa malayo.Nakatulala rin sila at nagulat hindi nila inaasahan na ganon kaganda at kahot si Hirein.
"She's so hot"
"You're right, dude"
"I like her but our friend is really like her,haha" pang-aasar ng isa.
"It is true dude?do you like her?" Tanong pa nung isang lalaki.
"No.I don't like her" mabilisang sagot ng binata.Agad naman na nagtaka ang mga kaibigan nito.
"I thought you like her" Kunot noong sabi ng pinaka matalik nyang kaibigan.
"No.I love her" diretsong sabi ng binata. Agad namang napangiti ang mga kaibigan nito.
"Court her dude.Baka maunahan ka,lalo na at bantay sarado sya ng section eleven"
"I know Jerry,I know" sabi ng binata habang hindi inaalis ang paningin Kay Hirein na ngayon ay marami nang nahuhuli.
---*
HIREIN'S POV
Kalalangoy ko palang pero marami na ang nahuhuli kong isda.Pinapanood naman ako ng SE habang nakangiti sila.Kanina pa sila nakangiti simula ng lumangoy ako.Hindi ba sila nangangawit kakangiti?
Sumisid uli ako at may nakita akong dalawang isda naghahabulan.Nakakainggit tuloy.Agad kong ibinuka ang hawak ko na maliit na lambat at agad silang hinabol.Mauubusan na lamang ako ng hangin pero hindi ko parin sila nahuhuli,tuloy lang sila sa paghahabulan.Ang lalandi,nakakainis
Tumaas muna ako para kumuha ng hangin,nang makakuha ako ay lumubog uli ako.Nakikita ko parin yung dalawang isdang naglalandian. Mabilis akong lumapit sa kanila habang ang dalawa kong kamay ay nakabuka habang hawak hawak lambat.Lalangoy pa sana yung maharot na isda pero nahuli ko agad.
Agad akong tumaas uli at naghabol ng hininga. Nang tumingin ako sa gawi ng SE ay lahat sila ay nakatingin parin.Ngumiti ako sa kanila at lumangoy palapit.
Inilagay ko sa balikat ko ang hawak kong lambat at unti-unting umahon.Nang makalapit ako sa kanila ay agad kong inabot kay James ang hawak kong lambat na agad naman nyang Kinuha.
"Ilan lahat?" Tanong ko habang nakatingin sa itim na balde.
"Trenta.Wait,30!?" Gulat na tanong ni James habang nakatingin sa balde.
"E ano naman kung trenta?" Tanong ko.
"20 minutes ka palang sa tubig,princess" agad akong napatingin kay Cris. 20 minutes, feeling ko isang oras na akong nasa tubig.Ipinakita nya ang hawak nyang cellphone. "Inorasan kita" nakangiti nyang sabi.Napangiti naman ako sabay iling.
"Tara na?" Anyaya ko.Tumango naman sila.
"Tara!" Sabi nung apat.lumapit ako sa bato na pinaglagyan ng gamit ko at humarap sa kanila.Nang akmang maglalakad na kami ay may biglang tumawag sakin na pamilyar na boses.
"Hirein!" Agad naman akong napatingin kay Kurt na tumatakbo palapit sakin na may dalang twalya kasaama nya ang mga kaibigan nya.
"Oh?Kurt,bakit?" Iniabot nya sakin ang hawak nyang twalya kaya napatingin ako dun.
"Gamitin mo to" nakangiti nyang sabi.
"Pe-" hindi kona natapos ang sasabihin ko ng lumapit sya sakin at inilagay sa balikat ko ang twalya nya.Pagkalagay nya ng twalya nya ay ngumiti sya sakin.
"Walang pero,pero.Basta para sayo" ngumiti naman ako at tumango.
"Thank you" nagulat nalang ako ng may humila sa balikat ko ng twalya at pagtingin ko ay si Clint iyon. Pagtanggal nya ng twalya ni Kurt at agad nya iyong binitawan at ang gamit naman nyang twalya ang ibinalot sakin.Taka naman akong nilingon si Kurt.Magsasalita pa sana ako ng biglang hawakan ni Clint ang kamay ko at hinila palayo, sumunod naman samin ang SE.
Lilingunin ko sana sila Kurt pero natigilan ako ng may makita akong grupo ng mga kalalakihan na nakatingin samin.Marami rin sila,kasing rami sila nila Kurt. Nasa mapuno sila pero kita parin kahit malayo.
Sino naman sila?
Hindi kona iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
---*
DREW LASIRI'S POV [New Character]
Habang nakamasid ako sa paalis ng SE ay may isang grupo ng kalalakihan ang nagpatigil sa buong SE.
Tumatakbo sila palapit sa SE ng makalapit ang lalaki ay may Isang lalaki ang nag-abot ng twalya dun kay Hirein.
Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila dahil malayo kami sa kanila.
Agad naman na inilagay nung lalaki sa balikat nung Hirein yung twalya.Napangisi naman ako ng isa sa SE ang nagtanggal ng twalya sa balikat ni Hirein at binitawan agad iyon na nalaglag sa batuhan.
Agad naman na nilagay nung lalaki sa balikat ni Hirein ang gamit nyang twalya.Hinawakan nya ang kamay ni Hirein at hinila palayo.
Lilingun pa sana si Hirein dun sa lalaki na nagbigay sa kanya ng twalya ng matigilan sya at napatingin samin.Agad naman akong napangiti.
Nagtataka ang itsura nya habang nakatingin sa amin.Agad din naman syang nag-iwas ng tingin at tumingin sa dinadaanan nya.
Ibinaba ko naman ang hawak kong .Nagsalita si Jerry mula sa likudan ko.Hinawakan nya ang balikat ko.
"Dude,mukhang hindi isa ang kaagaw mo kay Hirein ah.Dalawa" kahit hindi ko lingunin ay alam kong nakangisi sya.Napangisi ako.
"E di makikipag sabayan ako" sabi ko habang nakangisi. Tinapik tapik naman nya ang balikat ko.
"Good luck dude" sabi ni Jerry.
Just wait for me.Hirein.
***?
Please vote and comment.
Thank you!