Chapter 1 (ALICE)

2241 Words
ISANG tawag ang aking natanggap mula kay Dexter. Walang alinlangan na sinagot ko kaagad ito. “Na-miss niya kaya ako?” nakangiting tanong ko sa aking sarili habang nakaupo sa loob ng aking office kaharap ang lamesa ko at computer. “Hello, Dexter. Bakit Napatawag ka?” magiliw kong bati sa kan’ya. Napakagat ako sa aking hintuturong daliri habang hinihintay ang kan’yang sagot. Ang landi mo girl? Sabi ko sa aking isipan. “Hi, Alice. Busy ka ba today?” tugon ni Dexter sa kabilang linya. “B-Bakit? Aayain mo ba ako na makipag-date?” excited kong tanong. Yes! Heto na nga at sa wakas ay natauhan din si Dexter na kailangan niya akong yayain sa date! Sumisigaw sa aking isipan habang kinakabahan. “Hell no!” Napasimangot ako sa kan’yang sinagot. Napakamanhid talaga ng lalaking ‘to, Lord! Sandali akong hindi nakasagot. “By the way I have good news. Si Karen ay nanganak na,” dugtong niya na bakas sa boses niya ang kasiyahan. Nawala ang inis ko noong marinig ang magandang balita galing sa kan’ya. “Okay, wait. Nasaan ka ba?” “I’m on my way on hospital. Magkita na lang tayo.” Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at nagpaalam kay dad na maaga akong aalis ng opisina at pumayag naman si Daddy. Kaagad akong pumunta sa Hospital para madalaw si Karen at makita ang kanilang baby boy nila ni Ethan. Pagka-park ko ay natanaw ko na kaagad si Dexter na tila naghihintay. Bumaba ako sa kotse ko nang nakangiti para puntahan siya. Nakahalukipkip ang kaniyang magkabilang braso habang nakasandal sa kan’yang kotse. Napalunok ako ng laway ko at tumikhim habang seryoso niya akong tinititigan palapit sa kan’ya. Para akong matutunaw sa titig niya. “Hello, Dex, hinihintay mo ba ako?” tanong ko sa kan’ya na may kakaibang kahulugan. Biglang nagkasalubong ang mga kilay niya sabay umalis sa pagkakasandal niya sa kotse at nag-umpisang maglakad. “Hindi, bakit naman kita hihintayin. Kararating ko lang,” sagot niya may halong pagsusungit sa ‘kin. Bumusangot na rin tuloy ang aking mukha sa naging sagot niya. He’s so cold towards me pero hindi ako nagsasawang magpapansin sa kan’ya. “O-Okay. Akala ko hinihintay mo ako,” ngingisi-ngising sabi ko sa kan’ya habang nasa likuran niya at nakasunod sa paglalakad. ‘Di na siya kumibo at dire-diretsong pumasok sa loob. Huminto kami sa front desk at nagtanong si Dexter sa naka-duty na nurse. Palapit pa lang kami ay napansin kong nakatulala na ang dalawang nurse sa kan’ya. Sino ba ang hindi matutulala sa isang Dexter Hermosa na matangakad at may magandang pangangatawan at isang ngiti niya lang ay laglag ang panty mo. Nakangiting lumapit si Dexter sa kanila. “Hello, Miss. Ano’ng room number naka-admit si Ms. Karen Santos?” tanong ni Dexter sa dalawa at tila nagtulakan pa sila kung sino ang sasagot. Isang ngiting mapang-akit ang ibinigay ng isang nurse sa kan’ya dahilan para mainis ako sa nakita. “Hello, Miss?!” Iwinagayway ko ang palad ko sa kanilang harapan dahil natutulala pa ito ngunit hindi sila sumagot at parang lumilipad ang isip nilang dalawa. “P’wedeng pakisagot kung ano ang room number ni Karen Santos?” Pagsusungit ko sa nurse. Binalingan ko ng tingin si Dexter pero wala itong reaksyon. Ni hindi man lang tumingin sa ‘kin kahit halatang naiinis na ako. Gan’yan siya kalamig sa ‘kin at siguro nga ay naiinis na ‘to sa madalas kong pagpapansin sa kan’ya. Bigla-bigla ay nabalik sa kanilang ulirat ang dalawang nurse at tiningnan ng isa sa kanila ang computer. “Ah, nasa room one zero two po sila, Ma’am, Sir,” ngiting sagot ng isang nurse. Lumawak pa ang ngiti ni Dexter sa kanila kaya parang kiniliti sila at kinikilig ang dalawa. Kulang na nga lang ay malaglag ang panty nila sa sobrang kilig! “Thank you, Miss.” Naunang humakbang paalis si Dexter at hindi man lang ako hinintay habang ako ay naiwang nakatayo. Nagsitilian naman ang dalawang nurse nang mahina at baka marinig sila ng mga tao kaya tiningnan ko silang dalawa na nagkasalubong ang magkabilang kilay ko. “Ah, Ma’am… p’wede po magtanong? Ano po ang pangalan ni Sir?” Sabay tingin kay Dexter habang papalayo. Humalukipkip ako ng mga braso ko at saka sila tinignan na may halong inis. I rolled my eyes at them sa sobrang inis ko. That’s weird at para akong t*nga dahil nagagalit ako sa isang maliit na bagay. Nagtatanong lang naman sila ng pangalan ni Dexter. “My God…” pabulong kong sabi at nginiwian silang dalawa. Ang salbahe ko sa part na iyon at hindi ko sila sinagot. Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko para sundan si Dexter. Bahala na sila sa iisipin sa ‘kin. “Grabe, ang sungit naman no’ng babae! Akala mo kung sinong maganda!” matigas na bulong ng isang nurse sa kasama niya. Maganda naman talaga ako. Sabi ko sa aking isipan. Ganyan kataas ang self-confidence ko pero pagdating kay Dexter ay parang nawawala. Hinabol ko si Dexter sa paglalakad niya. My God! Bakit ang bilis niyang maglakad! Kung alam ko lang ‘di ko na siya sinamahan at sa ibang araw na lang ako dumalaw. “Hey, Dex! Wait! Nagmamadali ka ba?” Marahan ko siyang hinaklit sa braso niya para huminto sa paglalakad. Ang dulas pa naman ng sahig dahil sa makintab na tiles at flooring ng hospital kaya hindi ako makalakad nang mabilis dahil sa nakasuot ako ng high heels. Pagkaharap niya sa ‘kin ay parang nagulat pa siya sa aking ginawa dahil bahagyang namilog ang kaniyang mga mata. “Tsk! You’re so slow,” naiinis niyang sambit. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang marinig ang sinabi niya sa ‘kin. Pero, pilit kong iwinaksi iyon kaagad at nginitian siya nang pilit upang hindi niya mahalata. “Napakasungit mo talaga. Sige, mauna ka— walang manners. Hindi man lang ako hintayin!” singhal ko sa kan’ya. Naningkit ang mga mata niyang nakatingin sa ‘kin. Pinalis niya nang marahan ang mga kamay ko sa kan’yang braso. Nagsimula siya sa paglalakad palayo sa ‘kin ngunit mabagal ang mga hakbang niya. Naiwan akong tinitignan siya papalayo. “Napakasungit! Diyos ko! Kung hindi lang kita mahal!” Napaigtad ako noong humarap siya sa akin at halatang iritable na ito. “Ano, ‘di ka ba susunod? Tsk!” Tinalikuran niya akong muli. “O-Okay, heto na!” Bigla akong tumakbo papalapit sa kan’ya at sumunod sa kan’yang likuran. Nakakatitig lamang ako sa kanyang likuran habang naglalakad. Bigla siyang huminto sa tapat ng elevator at saka iyon pinindot. Biglang tumunog ang elevator hudyat na magbubukas na ito. Pumasok siya sa elevator at saka ako sumunod. Muntikan pa akong madapa dahil sumabit ang heels ko sa nakaawang malapit sa pintuan ng elevator at sa kabutihang palad ay nasalo ako ni Dexter. Napahawak ako sa kan’yang dibdib at natulala ako dahil nagkatitigan kami. Matangkad si Dexter, nasa five eleven ang height niya at ako naman ay nasa five four lang. Magkasing-edad lang kami ni Dexter kaya pareho kaming nasa twenty-five years old. Wala nga akong nabalitaan na naging girlfriend nito noong college. Napaigtad ako nang bitawan niya ako bigla at mabuti ay nakapag-balance ako. “Next time don’t wear heels if you can’t manage,” inis na sabi ng baritono niyang boses. Nginitian ko na lang siya nang pilit. Saka tumunog ang elevator para magsara. Pumunta ako banda sa kan’yang likuran at tahimik na nakatayo lang doon. Likod niya na naman ang aking tinitigan. Nakasuot siya ng blue polo longsleeve at black suit pants. Bahagya akong lumapit sa kan’yang likuran at inamoy siya. I smell heavenly scent! Diyos ko po! Magkakaroon ako ng kasalanan sa Diyos! Bigla akong napaatras noong bumukas ang elevator. Mahirap na at baka mahuli ako ni Dexter na inamoy-amoy ko siya. Lihim akong napangiti dahil sa kalokohan ko. Sobrang bango niya at ang hot pa ng dating. Pagkarating namin sa Room one zero two ay kinatok namin ang pinto. Pagbukas ng pinto ay iniluwa sa harapan namin si Ethan. Tila nagulat pa si Ethan sa aming pagdating kaya kaagad itong ngumiti sa amin at nilakihan ang bukas ng pinto para makapasok kami. Pagkapasok namin ay nakita ko kaagad si Karen na nakahiga sa hospital bed. Nasa gilid naman si baby at nakalagay sa crib at mahimbing na natutulog. Hinayaan ko muna sina Dexter at Ethan na mag-usap. Lumapit ako kay Karen at hinalikan ko siya sa pisngi. Nginitian niya ako at pinasadahan ng tingin si baby at baka magising. “Congrats, Karen!” gigil kong bulong sa kan’ya sa sobrang galak ko. Hindi pa siya makatayo dahil sa sakit na nararamdaman sa pagkapanganak niya. Normal niyang isinilang si baby. “Maraming salamat at dumalaw ka, Alice,” mahina niyang tugon sa akin habang nakangiti. Tila naiiyak ako dahil sa tuwa at nairaos niya ang kan’yang baby boy. Lahat ng inis na naramdaman ko kanina ay nawala noong masilayan ko ang mukha ng sanggol. “Wow, ang cute naman ni baby. Ano’ng pangalan niya?” Binalingan ko ng tingin si Karen. “Siya si baby Calix. Baby Calix, siya naman si Tita Alice mo. Ang ganda niya ‘di ba?” bulong niya kay baby Calix. Bigla akong nangiti at palihim na napatingin kina Dexter at Ethan. Nakatingin din pala sila sa amin na ikinagulat ko. Sinubukan kong hulihin ang tingin ni Dexter pero kay baby iyon nakatingin at hindi sa akin. Ibinalik ko na lamang ang tingin ko kay Baby Calix. “Wow, ang poging bata. Manang-mana sa tatay niya. Tsk!” Napangisi kami ni Karen at lumapit naman sina Dexter at Ethan na magkaakbay. “Hi, baby Calix. Ako si Tito Dexter mo.” Ang sweet niya naman pala sa mga bata pero bakit pagdating sa akin— kulang na lang itaboy niya ako palayo. “See?! Manang-mana sa akin, mahal ko. Marami na ang nagsasabi.” Pagyayabang ni Ethan sa amin kaya naman natawa nang bahagya si Karen. Ang gwapo ni baby Calix at kuhang-kuha niya ang singkit na mga mata ni Ethan at matangos nitong ilong. Ganoon din sa lips pero ang hugis ng mukha ay nakuha kay Karen. Ang puti rin ng kutis ni baby at malagatas. Mapagkakamalan mo nga itong babae kapag sa unang tingin. “Oo na… sabi ng matatanda kung sino ang kamukha ng bata siya raw ang mas nagmamahal.” Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Karen kaya natawa naman itong dalawang magkaibigan sa tabi ko. “Ayaw mo talagang magpatalo kay Ethan,” singit ni Dexter. “Atleast pogi si baby Calix dahil nagmana sa akin,” dugtong ni Ethan na tila nang-aasar pa. “Naku, h’wag lang maging babaero ‘tong si Calix paglaki, noh!” putol kong sabi sa kanila kaya nagtawanan kami ni karen. Nanatili lang kami ng ilang minuto dahil bawal raw ma-stress si Karen at mas kailangan niya ng pahinga. Pagbaba namin ng elevator ay sabay kaming lumabas ni Dexter. Hindi na kami nagpansinan pa ni Dexter hanggang sa paglabas namin sa kwarto ni Karen kanina. “Kapag siya ang kasama ninyo— tiyak na mapapanis ang laway…” bulong ko sa aking sarili. “What did you say?” nagtatakang tanong ni Dexter sa akin. “N-Nothing!” inis kong sagot at ngumiti nang pilit. “Para kang baliw… bulong nang bulong” nakangisi n’yang sabi sa akin. Lalo akong inaasar ng lalaking ‘to. Nagkasalubong ang magkabilang kilay ko at tawagin ba naman akong baliw. “Oo. Baliw na ako. Baliw sa ‘yo…” Bulong ko ulit sa aking sarili. “A-Ano?” Inalapit niya ang mukha sa akin na ikinagulat ko. Kunwari pa ‘to at hindi raw narinig. “W-Wala… sabi ko ang gwapo mo kaso bingi ka! Maglinis ka naman ng tainga mo!” Sagot ko at inihakbang ang mga paa ko at iniwan siya. Nang lingunan ko siya ay nakita kong kumunot ang noo nito sa sinabi ko. Pagdaan namin muli sa front desk ay naroon pa rin ang dalawang nurse at kapwa nakangiti sila kay Dexter. Nang titigan ko sila ay iniwas nila ang tingin sa akin at sumunod ang mga tingin nila kay Dexter. Ginawaran sila ng matamis na ngiti ni Dexter dahilan papar mauna ako sa paglalakad palabas ng hospital. Hindi ko maintindihan ang sarili ngunit pakiramdam ko ay nananadya si Dexter para magalit ako at hindi ko na napigilan ang sarili. Pagsakay ko sa kotse ay pabalya akong umupo dahil sa sobrang inis. Napaigtad ako noong katukin ni Dexter ang bintana ko. Napabuntong-hininga ako upang maibsan ang hindi magandang pakiramdam. Ibinaba ko ang salamin ng binatana at saka siya tiningnan nang matalim. “Bakit?” malamig kong tanong. “Kaya mo na ba’ng umuwi mag-isa?” seryosong tanong niya sa akin. Ngunit malamig pa rin ang kan’yang mga titig at tiyak akong napilitan lang siya para kausapin ako. “Bakit, concern ka ba?” “I-I’m just asking—” “I can manage on my own,” tipid kong sagot. Ngumiti ako nang pilit sabay inirapan ko siya. Kaagad kong itinaas ang salamin ng bintana ko at ini-start ko ang makina ng kotse at inarangkada. Natanaw ko na lang siya sa side mirror ko na nakatayo at sinundan ng tingin ang papalayo kong kotse habang nakapamulsa siya. “What are you doing, Alice! Bakit mo siya iniwan!” galit kong sabi sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD