Together Again
KASALUKUYANG nagmamaneho si Sophia patungo sa isang liblib na lugar somewhere in Batangas. She's with her staff para sa isang charity work. Simula pa kasi noon ay nakasiyahan niya na ang ganoong gawain. Hindi sa kadahilanang nakakabawas iyon sa buwis na binabayaran ni Clarence o kung ano pa mang pang-ipokritong rason. Hindi kailan pumasok man sa isip niya iyon.
She just love doing it. She loves seeing people smile. Sa tagal kumikilos kasama ang mga taong may matataas na posisyon sa lipunan, nagsasawa na siyang makita ang karangyaan ng mga ito, ang mga pekeng ngiting and the hypocrisy that fills the air. It sickens her to the core.
Mas gusto niyang nakikita ang mga tao, na kayang makuntento sa simpleng bagay, mga taong sumasaya't ngumingiti sa kabila ng kaunting bagay na naibibigay nila dito. Mas gusto niyang makasama ang ganoong mga tao.
Kung tutuusin ay next week pa dapat ang schedule nila para bumisita sa isang home for the aged institution at mamigay ng beddings and vitamins. Balak din sana nilang magkaroon ng program for entertainment, but she's so bothered at kailangan niya ng distractions.
Sakto namang sinabi ni Manang Ising na may isa daw orphanage sa Batangas ang nangangailangan ng financial attention. Kinukulang daw kasi talaga ito dahil sa kakaunti lamang ang natatanggap nilang donation lalo pa't nasa isang liblib na parte ang nasabing ampunan.
Kung papaanong nalaman ni Manang Ising ang existence ng ampunang iyon ay hindi na lamang niya itinanong. Ang importante ay matulungan nila ito. Clarence had always been there to support her passion.
Nakipag-coordinate na siya sa mga madre na namamahala sa nasabing ampunan, and they were so happy ng malaman ng mga itong papunta sila doon para bumisita. Hindi lang naman sila basta bibisita. They brought with them, new sets of beddings, mga pagkain na espesyal niyang ipinahanda mula sa kanilang hotel at mga damit pambata. Kakaunti lamang ang nalilikom niyang tulong mula sa iba, ngunit pinipilit niya paring makapagbigay ng sapat na tulong gamit ang sarili niyang pera.
Ngayon pa lamang ay nasasabik na siyang makita ang ngiti ng mga batang iyon, the moment they'll receive their gift.
This is definitely more than just a distraction. It's something rejuvinating.
Hanggang ngayon kasi ay nalilito parin siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Nahihirapan na siya at naguguluhan. There's too much pressure in her brain, at kung magtutuloy-tuloy iyon ay baka mabaliw siya.
Nahihirapan na siyang mamili.
Nickolas is being difficult again, pero alam niyang may kasalanan din naman siya. Alam niyang nakakasakit na siya, pero ano bang magagawa niya? Hindi niya naman ginustong manakit. Pero sa bawat desisyong ginagawa niya, bawat kibot niya ay may nasasaktan siya to the point na hindi na siya makagalaw sa takot na makasakit muli.
Hindi na niya kaya pang pigilan ang nararamdaman para kay Nickolas. She tried so hard, even to the point of brainwashing herself if thats even possible. Lahat ng pwedeng paraan para layuan siya nito ginawa niya na, but he was too persistent. She tried so hard too avoid his charm, pero tila may sariling isip ang katawan niya.
No matter what her brain dictates, the moment Nickolas touch her, all her rational thinking slips. Masiyadong malakas ang atraksiyong nararamdaman niya dito. She just couldn't ignore the thrill and the spark that ignites within her sa tuwing napapalapit siya dito. As cliche as it sound, but he truly makes her feel alive. Nabubuhay ang bawat himaymay ng katatawan niya kapag nasa malapit ito. Her excitement whenever he's on reach is unexplainable, and everytime he would kiss her, parang gusto niyang isuko na lang lahat dito. But whenever Clarence cross her mind, para siyang binubuhusan ng isang balde ng nagyeyelong tubig.
Kahit gaano niya kagusto si Nickolas, hindi niya magawang iwan si Clarence. She loves him. So much. Ang isiping masasaktan niya ito ay hindi niya kaya.
She knew how broken he was. Nakita niya, naramdaman niya ang dinadala nitong sakit, and she wouldn't do anything that could make it worse.
Lalo na ng malaman niya ang kwento nito. He feels lost, at ayaw na niyang maramdaman pa nito ulit yun.
She loves Clarence. He makes her feel safe, comfortable and special. And Nickolas, she doesn't exactly know how she feel towards him. He seems dangerous. Dangerous for her. So dangerously beautiful.
Kaya kailangan niya talaga ang pagbisitang ito. Kahit panandalian, it would take her mind out of those problems.
Naging mainit ang pagtanggap sa kanila ng mga bata sa orphanage. Sa kabila ng kakulangan ng mga ito sa kagamitan, kitang-kita niya ang saya at ngiti sa labi ng mga ito. Kita niya ang kasabikan sa mga ito.
Nakikita niyang mahina na ang istraktura ng ampunan. Siguro ay dahil sa kakulangan ng pondo kaya hindi nila napapaayos ang lugar. The place looks weak and dangerous. It's in serious need for reconstruction.
Pumasok na sila sa loob ng ampunan. Though it was better than the outside, for a normal orphanage which has to cater children's needs, it surely lacks those equipments for recreation.
Wala pa man, ay inililista niya na sa isip ang mga gamit na maaaring dalhin sa susunod niya pagbalik dito.
Marami silang activities na inihanda para sa mga bata. Nagpalaro sila at namigay ng mga papremyo. Iilan lamang ang staff na kasama niya, pero naging maayos naman ang lahat. Ang gagawin na lamang nila bago umalis ay mamigay ng inihanda nilang pagkain.
Dahil iilan lamang ang kaniyang mga staff, pati ang mga madre ay tumulong na din sa pamimigay ng mga pagkain.
Napansin niya ang paglinga-linga ni Sister Nanet na tila ba may hinahanap sa karamihan ng mga bata.
"Naku, wala na naman yata ang batang iyon. " Narinig niya ani ni Sister Nanet.
Sino kaya ang hinahanap ng mga ito. Alam niyang masama ang makinig sa usapan ng iba, but it just intrigued her. And her being intrigued was never a good idea. Hindi kasi siya titigil hanggat di niya nalalaman ang inpormasyong nais.
"Hindi pa po ba tayo nasanay Sister? Palagi naman pong ganoon ang batang iyon, kapag may ibang tao. " Sagot naman ni Sister Lanie.
Napabuntong-hininga si Sister at Nanet. Bakas sa mukha nito ang lungkot. "Matagal din bago niya natutunang makisama sa ibang bata, at hindi ko alam kung ilang panahon pa ang bibilangin para makihalubilo siya sa ibang tao. Hanggang ngayon, ni isang salita ay wala pa tayong naririnig mula sa kaniya. Naaawa ako sa batang iyon. "
Hindi niya na napigilang hindi sumabat. Baka kasi may maitulong siya. "Excuse me po, pasensya na po kung nakikinig ako sa pinag-uusapan ninyo. Pero, hindi niyo pa po ba siya sinusubukang ipatingin sa psychiatrist? "
She seriously have a soft spot when it comes to children. They're suppose to be free souls, loud and cheerful. Kaya hindi niya maisip kung ano ba ang posibleng paghihirap na pinagdaanan ng batang iyon para ni isang salita ay walang marinig dito. He can't possibly be mute right? Or maybe he is.
"Gustuhin man namin iha, wala kaming sapat na pondo para ipatingin si Grey. Ang kaya na lamang naming ibigay sa kaniya ay ang suporta at encouragement na kailangan niya. "
"Ganoon po ba? Baka naman po pipi siya? " Paniniguro niya.
Umiling ito at malungkot na tumingin sa kaniya. "Hindi iha, nararamdaman kong hindi. Ilang beses naming nakitang bumuka ang bibig niya na para bang magsasalita, pero palaging may dumadaang takot sa mga mata nito. Pakiramdam ko ay natatakot lang siya, kaya ayaw namin siyang pilitin. Pero ilang taon na ang lumipas iha, nababahala na kami. "
"Ilang taon na po bang namamalagi dito si Grey?"
"Sa pagkakatanda ko, dumating siya dito, halos may dalawang taon na ang nakakalipas. Kasabay siyang dumating ng kotseng sinakyan ng huling taong bumisita dito sa ampunan. " Sagot ni Sister Lanie na pilit na inalala ang panahon kung kailan dumating si Grey.
"Noong una namin siyang nakita, sadyang kaawa-awa talaga ang itsura niya. Namumula ang mga mata nito na tila ba nagmula siya sa isang mahabang pag-iyak. Kinabukasan, hindi na namin siya makausap. " Dagdag naman ni Sister Nanet.
Hindi niya mapigilan ang pag-ahon ng awa para sa nasabing bata. What could have happened to him to end up that way? It must have been terrible, para mamayani ang takot sa bata nitong puso.
Naalala niya si Clarence. Siguro ay pareho sila ng nararamdaman.
"Wag po kayong mag-alala, hahanap po tayo ng paraan para matulungan si Grey. " Pangako niya. Kung wala man siyang nagawa para protektahan ang batang Clarence gaano niya man gustuhin, siguro ito na ang pagkakataon niya.
Sumilay ang masayang ngiti sa mukha ni Sister Nanet, and now she was sure na tama ang gagawin niyang desisyon. "Maraming salamat iha, pagpalain ka nawa ng maykapal sa kabutihan mo. Matagal na naming hinihintay na dumating ang isang tulad mo. Salamat sa Diyos. "
Masaya siya sa kaalamang nakakatulong siya sa iba. It feels good, knowing that your life, how hard it was, still has its purpose.
Kumuha siya ng ilang pagkain at inilagay iyon sa plato. Sa kaalamang hindi nakikihalubilo si Grey sa ibang tao, sigurado siyang hindi ito magpapakita sa kanila. Kaya siya na lamang ang lalapit dito.
Tinanong niya si Sister Nanet at Sister Lanie kung saang parte ng bahay maaaring makita si Grey. Sinabi niyang siya na ang bahala dito. Itinuro naman ng mga ito ang garden sa likod ng ampunan kung saan daw mahilig puntahan ni Grey kapag gusto nitong lumayo sa karamihan para mapag-isa.
Dala ang inihandang pagkain ay sinunod niya ang direksyon na sinabi ni sister Anita. Nakita niya ang pintuan na sinabi nito, tinahak niya iyon at bumungad sa kaniya ang isang garden. Luminga siya sa paligid upang hanapin ang batang tinutukoy ng mga ito.
Sa di kalayuan, nakita niya ang isang stone bench kung saan nakaupo ang isang bata, na sa tantiya niya ay nasa walo hanggang siyam na taong gulang. Nakatalikod ito sa kaniya, but she could clearly see his brown hair which tug something inside her. Nakita niyang may hawak ito na kung ano na kanina pa nito tinititigan.
Nagsimula siyang naglakad palapit dito. Medyo basa ang damo kung kaya't sa stone pathway siya dumaan. Now she could see his side. Kahit nakyuko ito ay malinaw niyang nakitang ang lungkot na nakabalot sa mukha nito.
"Mmm, Grey? " Mahina niyang tinawag ang pangalan nito, ngunit sapat na upang kunin ang atensiyon nito.
Nakita kung papaanong nanigas ito sa kinauupuan, and slowly, he faced her. When he finally did, something unexplainably flooded her. Mas mabigat kaysa sa naramdaman niya ng malaman ang kwento nito.
Hindi niya alam, pero biglang sumikdo ang dibdib niya. Hindi niya na rin matandaan kung nasaan na ang kaninang hawak niyang pagkain.
Matagal niyang pinakatitigan ang batang nasa harap niya ngayon, at ganon din naman ito sa kaniya.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Naguguluhan siya sa samut-saring emosyon na nararamdaman niya.
Matagal niyang pinakatitigan ang maamong mukha nito. Kahit anong pilit niyang alalahanin kung saan niya nakita ang mukhang iyon, ay hindi niya parin maalala. Wala siyang maalalag panahon na nakasama ito, pero bakit pakiramdam niya ay matagal niya na itong hinihintay? Na matagal niya na itong pinanabikag muling makita?
Pinakatitigan niya ito, and looking at his beautiful eyes, relief flooded her like a wave in rush. Tila may isang malaking bato ang naalis sa dibdib niya. She feels so happy, and its freaking her out. It's freaking her out, dahil sa hindi malamang dahilan ay naramdaman niyang humahapdi ang gilid ng kaniyang mga mata. Like what the hell?!
Hindi niya napigilan ang sariling mas lumapit pa dito, at sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa ay napansin niyang mas lalong humihigpit ang hawak nito sa bagay na nasa kamay nito.
Nanatili itong nakatitig sa kaniya. Hindi ito gumagalaw. Kumurap-kurap lamang ang mga mata nito na tila ba iniisip kung totoo ba ang nakikita nito.
Patuloy siyang naglakad palapit dito. Nakagat niya ng mariin ang kaniyang pang-ibabang labi sa pagpipigil ng kung ano.
Napahinto siya ng makitang namumula na ang ilong at paligid ng mga mata nito. Hindi niya mapangalanan ang ekspresyon ng mga mata nito. Patuloy lamang ito sa pagkurap.
Tinitigan niyang muli ito, ganoon din naman ito sa kaniya. Ilang sandali ng lumipas sa pagitan nila. Hindi niya na nakayanan. Hindi niya alam ngunit ang salitang yun ang unang nanulas sa bibig niya.
"S-sweetie? "
"M...m-mommy?" Tawag nito. Ng marinig niya ang pagsigok nito ay hindi na siya nagdalawang isip pang lapitan ito at yakapin.
Just like that. Narinig niya ang malakas nitong pag-iyak.
--------
Gee❤️