" Something is wrong, naisaloob ni Kendrick nang bumungad sa sala at makita ang bulto ng babaeng nakaupo sa sofa. Kanina habang nagbibiyahe sila ni Dennis ay walang ibang laman ang isip niya kundi sugurin nang mahigpit na yakap si Cassy oras na makita niya.
Dapat ay gagawin niya iyon on impulse. Pero bakit ngayong nakita na niya ito ay nakadama siya ng pag aalangan? Napabuntung hininga siya. Marahil ay dala pa rin iyon ng napurnada nilang kasal. Pero hindi siya dapat na magalit dito dahil hindi naman niya alam kung ano talaga ang totoong nangyari at nawala ito.
" K...Kendrick. " sambit nito sa kanyang pangalan makaraan ang mahabang sandaling pagtitig nito sa kanya.
Tumingin siya kay Dennis.
" Sinabi na namin sa kanya ang lahat, hijo. " wika ni Mrs. Gonzales na nasa tabi ni Cassy. Tumindig ito at sinalubong siya. " Iisa ang teoriya naming mag asawa sa nangyari kay Cassy. Kinidnap siya at pinahirapan kaya siya nag ka amnesia. "
Hindi siya sigurado roon. Lumapit siya kay Cassy. Matagal niya itong tinitigan.
" Wala ka bang ibang natatandaan? "
Umiling ito.
" Napakagulo ng isip ko. Ang natatandaan ko lang ay palakad lakad ako sa kalye. "
" May mga pasa siya nang makita ko." wika ng isang babae na nakaupo sa armchair. Noon lamang rumehistro sa isip ni Kendrick ang presensiya nito. " Punit punit ang damit niya. May palagay ako na pinagsamantalahan siya. "
Nakuyom ni Kendrick ang magkabilang kamao. Iniingatan niya si Cassy.
" Did she undergo check up? " tanong niya sa may edad na babae.
Umiling ito.
" Ako lang ang gumamot sa mga pasa niya. "
Huminga nang malalim si Kendrick.
" She must see a doctor. " baling niya kay Mrs. Gonzales.
" Ipinatatawag ko na ang family doctor namin. " sagot ni Mrs. Gonzales. " Mamaya lang ay darating na iyon. " lumunok ito. " About your wedding with Cassy..... "
" I think this is not the right time to talk about it. " agap niya. " Sa ngayon ay ang kapakanan ni Cassy ang kailangan nating harapin. "
" Tama ka, Hijo. " wika ni Mrs. Gonzales na sa tingin niya ay napahiya.
Bumaling siya kay Cassy na nakatanga sa kanya. May damdaming nakasungaw sa mga mata nito na hindi niya kayang ipaliwanag.
" Do you remember Adrian? " biglang tanong niya.
Sa tingin niya ay parang nag panic ito. Matagal na nag isip. Pagkatapos ay umiling ito.
" He is your best friend. At alam mo na rin ba na ikakasal na dapat tayo nang bigla kang mawala? "
Napaawang ang bibig nito. Parang naghahagilap ng sasabihin pero nag alangan.
" You left a letter telling me that you were confused of your feelings. That you need space. Na kailangan mong lumayo para mapag aralan kung ano talaga ang nararamdaman mo sa akin. "
Umiling ito nang sunod sunod.
" Well, you need to get rest, Cassy. Take a long sleep. " akmang hahawakan niya ang mukha nito pero parang may pumigil sa kanya. Umatras siya at nagpakawala ng buntung hininga. " I'll come back some other time. " wika niya kay Mrs. Gonzales. Pagkatapos ay binalingan niya si Dennis at niyaya nang umalis.
" Kendrick, hindi ko inaasahan ang mga inakto mo kanina. " wika sa kanya ni Dennis habang nag bibiyahe sila. " It seemed that you weren't glad upon seeing her. It seemed that you didn't miss her. "
" Siguro ay dahil sa kahihiyang inabot ko noong araw ng kasal namin. Something inside me was changed. "
" Ano ang ibig mong sabihin? "
" I can't explain. Hindi ako sigurado. Kailangan ko munang pag aralan ang nararamdaman kong ito. "
" Did you think that she was kidnap? "
" Maybe. " tango niya. " But the letter sulat iyon ni Cassy..... "
" Kapag nagbalik na ang kanyang alaala ay malalaman din natin kung ano talaga ang nangyari sa kanya. "
" Sana nga. " buntung hininga niya. Pakiramdam niya ay magbabalik lamang sa dati ang damdamin niya kapag nalaman na niya kung ano talaga ang nangyari kay Cassy.