PROLOGUE

3337 Words
Nasa silid siya mismo sa kanyang kwarto kaharap niya ang salamin. Hindi lang siya mag-isa sa silid niya kasama niya ang kanyang ina. Hindi na siya lumingon sa likuran niya dahil nakikita niya ito mismo sa salaman. Nakatingin ito sa kanya habang nakaupo sa kama. Malungkot na napatitig siya sa kanyang sarili. "Ma, pangit ba ako?" tanong niya habang nakatutok pa rin siya sa buong mukha at katawan. Napasinghap ito halatang nagulat ito sa tanong niya. "Hindi, anak. Maganda ka sa loob at panlabas. Bakit mo naitanong iyan?" Takang tumingin ito sa kanya mula sa salamin. "Mama, bakit halos lahat ng mga tao hinuhusgahan nila ang panglabas na anyo?" "Anak, hindi ka pangit maganda ka sa labas at loob ng pagkatao mo." Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat at niyakap siya mula sa likod. "Oo may taong mapanghusga, mapanglait sa panglabas ng anyo, pero alam mo kahit nanghusga sila sa'yo, ang Diyos ng bahala sa kanila. Kahit masakit ang mga sinasabi nila sa'yo, huwag kang makinig sa kanila. Ipagsawalang-bahala mo na lang at huwag makapanakit ng kapwa mo dahil masama iyon." Paalala nito sa kanya. Tumango siya rito at ngumiti ng bahagya. Ngumiti din ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay. "Halika, kakain na tayo.'' Lumabas silang magkahawak-kamay ng kanyang ina. Bumaba sila sa hagdanan patungong hapagkainan. Naabutan nila na nagtatawanan ang kanyang tatlong kapatid at ang kanyang ama. " GOOD MORNING TO ALL!! " bati niya sa lahat. Lumingon ang mga ito sa kanila at may bahid na ngiti sa mga labi ng mga mga kapatid at ama niya. May tatlo siyang kapatid, dalawang lalaki at dalawa babae. Siya lang ang naiiba sa kanila. Hindi nga niya alam kung bakit iba siya dahil ang kanyang Mama ay maganda at ang papa naman niya ay gwapo. Kung magsama-sama silang magkakapatid, pakiramdam niya isa siyang sampid sa pamilya. Ang gaganda't gwapo ng mga kapatid niya. Kung ikokompara siya sa ganda ng ate niya, sobrang layo dahil ang ganda nito at sexy. Siya hindi naman siya mataba at hindi naman siya kagandahan ika nga nila sakto lang at hindi masakit sa mata. Kahit iba siya sa kanila, hindi naman siya nakaramdam ng inggit sa mga kapatid dahil hindi nila ipinaramdam sa kanya na iba siya. Sobra niyang mahal ang pamilya niya at alam din niyang mahal din siya ng mga ito dahil pinakita nila na gaano siya kahalaga at minahal siya ng buong-buo. Walang kulang at talagang pinalaki sila ng tama ng kanyang mga magulang. Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil sa naisip niya ngayon. "Halina, kayo na lang ang hinihintay para magsimula tayong kumain." paanyaya ni Papa sa kanila. Lumapit sila ng kanyang ina sa hapagkainan at umupo sa kani-kanilang upuan. Tumabi si Mama kay Papa at siya naman napapagitnaan ng dalawang kapatid niyang lalaki at ang ate naman niya ay katabi ni Mama. "Ang ganda ng araw mo ngayon Shan ah!" Biro ng Kuya Sebastian na nasa kaliwa. Nilingon niya ito at ngumiti. "Alam mo naman, basta maganda ang sikat ng araw at hindi mainit, maganda talaga ang araw ko ngayon." Napasimangot siya nang ginulo ng Kuya Shawn ang buhok niya at sinamaan niya ito ng tingin. Ngumisi lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain nito. "Napaka mo talaga! Tutusukin talaga kita nito!" Hinawakan niya ang tinidor at umarteng tutusukin niya ang Kuya Shawn niya. "Kumain ka na diyan, Shan. Ikaw naman," sita ni Papa Sonny sabay turo kay kuya. "Tumigil ka sa kakaasar sa kapatid mo." She stucked out her tongue and while her Kuya Shawn, looking at her dangerously. He made face in front of her. Nilantakan na lang niya ang hotdog na nasa tinidor niya. "Napakabalahura mo talagang kumain, Shan. Kaya tumaba ka ng gan'yan!" nang-aasar na sabi ng kuya Shawn niya. Kibit-balikat na lang niya ang sinabi nito. Kumain na lang siya at hindi niya ito pinansin. "May lakad ka ba, Selena?" -tanong ni Papa kay ate. "Oo nga anak, napapansin kong madalas kang umalis ng bahay," sang-ayon ni Mama. Napatingin siya sa ate niya at lahat sila ay nag-abang sa sagot nito. "Papa, aalis kami ni Marco ngayon." "Palagi na lang kayo nagsasama niyang Marco na iyan. Nagtatampo na ako sa'yo, Selena," napasimangot na turan ni Papa. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin na kayo pala ang magkasama ni Marco?" "Papa, ang tanda na kaya ni Selena," Bumaling ito kay Ate Selena. "Ilang taon ka na ba?" Napansin niyang may ngiting pang-aasar ang boses ni kuya Shawn. Napailing na lang siya sa kalokohan nito. Hindi talaga ito titigil sa pang-aasar kahit sino nga pinapatulan nito. "26, Shawn." "Hindi na iyan bata, Papa. Twenty-six-year-old na pala ni Selena. Ang tanda-tanda na niya, kailangan pa talagang magsabi sa inyo?" Hindi maipinta ang mukha ni ate sa sinabi ni kuya. "Alam mo, Shawn, kung makapagsabi ka sa akin ng matanda," Umaangat ang gilid ng labi ni ate sabay kindat sa kanya. Tumingin naman ito kaagad kay kuya. "Ikaw nga hindi ka pa tuli." Napasamid siya sa tinuran nito alam niyang binibiro lang ito ni ate. Nang makita niya ang itsura ni Kuya Shawn ay nakakatawa talaga. Hindi maipinta ang mukha nito. Napatingin sa kanya lahat ng bumunghalit siya nang tawa. Napatakip siya sa kanyang bibig ng sinamaan siya nito ng tingin. "Hindi ka pa pala tuli, kuya," nang-aasar niyang sabi kaya mas lalong namula ang tenga nito. "SHANNERA!" sigaw nito. She stucked out her tongue. Bago pa siya nito ibitin patiwarik ay nagmamadali siyang tumayo at tumakbo papalayo rito. Kumikinding-kinding ang balakang habang tumatakbo palayo at kumakanta. "I would run away, runaway with you. So, you won't hurt me!" Pinadipa pa niya ang kanyang mga braso at tumakbo patungong hagdanan. Narinig pa niyang tumawa ng malakas ang kanyang mga magulang pati ang dalawang kapatid na sina Sebastian at Selena. Mabilis niyang sinara ang punta at papasalampak na humiga sa kama. "Muntik na 'yon ah!" Napamulat siya ng may kumatok sa kanyang pintuan. Pagbukas niya ay nakita niya ang kanyang ama. "Pa, bakit po?" takang tanong niya dito. "Mamayang alas siyete ng gabi ag pupunta tayo sa bagong pinatayong Resort ng mga Scott." "'Yon ba iyong malaking resort na pinagawa sa kabilang isla?" Tumango ito. "Oo, inimbitahan tayo ng mga Scott at saka Kuya Shan mo," Lumaki ang ngiti nito sa labi na pinagtaka niya. "Alam mo bang tayo ang kinuha nilang kasosyo sa resort? Tayo rin ang magdedeliver ng mga karne, gulay, prutas at gatas ng baka doon." masayang balita nito sa kanya. Pati siya ay napangiti na rin sa magandang balita na sinabi nito. "Ganoon po ba?" Hindi niya maiwasan na hindi matuwa sa kanyang nalaman. "Mabuti po iyon, para maipakilala rin tayo sa ibang negosyante na pupunta doon.'' Ngumiti ito at ginulo ang buhok niya. "Ikaw talaga ang nagmana sa akin. Masaya ako na napakabusiness-minded mo. Hindi iyong mga kapatid mo ay hindi mahilig sa negosyo." Natawa na lang siya sa reklamo nito at napailing na lang. "Sige anak, mag-beauty rest ka para mas lalong gumanda ang baby ko." "Iyan talaga ang gusto ko sa'yo, Papa! Bolero ka!" Natatawa na lang itong umalis sa harapan niya at siya naman ay matulog muna para mamaya ay gumanda siya kahit paano. **** "Ladies and gentlemen! Meet our new Boss Ramm Scott!" anunsyon ni Mr. Buromino sa lahat ng empleyado ng Scott Island Resort. "Siya ang papalit kay Mr. Romeo Scott bilang CEO rito sa resort na ito. Bigyan siya na masigabong palakpakan!" Walang kangiti-ngiting naglakad siya patungong stage si Ramm. Ngayong gabi ay makilala na siya bilang bagong itinalagang CEO ng resort ng Scott Island na pagmamay-ari ng kanyang ama. "Good evening to all of you!" Pormal ang mukha at malamig na tinig na sabi ni Ramm sa lahat. "Inaasahan kong magiging mabuti ang ating samahan. Ngayon na ako na ang bagong Chief Executive Officer na papalit kay Papa." Habang nagsasalita ang gwapong binata ay gumagala naman ang paningin nito sa lahat. Namangha si Shannera sa taglay nitong kagwapohan at kakisigan ng binata. Para itong nahulog sa langit dahil sa angkin na charisma nito na kakaagaw ng atensyon. Ngayon lang niya ito nakita rito sa resort. Ngayon lang niya alam na ganito pala kagwapo ang anak ni Mr. Romeo na ama nito. He's so damn gorgeous! Ang mga labi nito ang sarap halikan. Ang mga bisig nito na nababakat sa itim nitong suot na polo. Lahat ng atensyon niya ay nasa lalaki. Hindi niya namalayan na habang tutok ang atensyon niya sa binata dahil sa pagkamangha ay nakatitig na pala ang ama niya sa kanya. "Shanny," bulong na untag ng Papa niya na bahagya pa siyang siniko para magising siya sa pagpapantasya sa lalaki. "H-ha?" Awtomatikong napasulyap siya sa ama. "You should pay attention to him! Hindi gan'yang reaksyon ang pinapakita mo. Parang ngayon ka lang nakakita ng lalaki," suway nito sa kanya at mapanuring tingin ang pinukol nito sa kanya. "Nakatitig lang kaya ako sa kanya Papa." pagkukumbinsi niya, pero ang totoo ay pinagpatansya na niya ang binata sa kanyang isipan. Huminga siya ng malalim at nakinig na lang para hindi siya masita ng kanyang ama. Sa sumunod na mga sandali ay tila hindi na na-absorb ng utak niya ang iba pang sinabi ng bagong CEO ng SIR o matatawag na Scott Island Resort. Sa totoo lang, sa tanang buhay niya ay minsan lang siya humanga ng ganoon katindi sa isang lalaki at iyon ay noong una niyang makita at makilala si Adam Reyes. FLASHBACK "Ang gwapo ng lalaki na bagong lipat sa tabi nating bahay, Shanny!" kinikilig na sabi ng Ate Selena niya na kakapasok pa lang nito sa pinto nila. Namumula ang magkabilang pisngi na halatang kinikilig. Kumunot ang noo niya sa kinikilos nito dahil hindi ito mapakali sa kinatatayuan. "Shhh! Tahimik, ate! Nagbabasa ako dito, " pairap na sabi niya at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng libro. "Halika, pumasok ka sa kwarto ni Mama't papa at tumungo ka sa bintana. May makikita kang isang adonis. Tanawin natin ang bagong kapitbahay natin! God! Ang gwapo niya!" pagkasabi ng ate niya ay walang-babalang hinila siya sa braso. "Sandali! Ano ka ba! Para kang maubusan ng lalaki ah!" Tila siyang kinakapos ng hiningang napatutop sa tapat ng dibdib niya dahil sa mabilis siyang hinila nito at tumakbo pa na kasama siya. "Diba sabi ko sa'yo ay ang gwapo niya?" nagmamalaking sabi nito. "O-oo nga," tila wala sa sariling tugon niya. Bahagya pa niyang hinawi ang kurtina sa silid ng kanilang magulang upang matanaw niyang maayos ang lalaki sa kabilang bahay. "Halika, puntahan natin siya at magpakilala tayo sa kanya!" yaya nito sa kanya kaya napamulagat siya. "Huh?" "Oh, bakit nakanganga ka d'yan?Masama bang makipagkilala sa kanya? Kapitbahay naman natin siya." "B-but--" aangal sana siya sa sinabi nito nang kinaladkad na siya palabas ng bahay nila. "Hi, neighbor!" nakangiting bati ni ate sabay lahad ng kamay sa kaharap."I am Selena Coronel, and this is my sister Shannera Coronel. You are?" "I'm Adam Reyes," Sabay tanggap ng palad ni Ate habang siya ay nanatiling nakatitig sa mukha ni Adam. "Shannera, right?" untag ni Adam sa kanya. "Huh?" Parang noon lang niya napansin na sa kanya na pala nakalahad ang palad ng bagong kapitbahay. Nakangiting tinanggap ni Adam ang kamay niya at marahang pinipisil-pisil na nagdudulot sa kanya ng eratikong t***k ng puso niya at tila hindi mahabol ang paghinga. Alam niya kung ano ang nararamdaman niya ngayon, gusto niyang makilala pa ng husto ang binata. Simula noon ay palagi ng bumibisita sa bahay nila si Adam. Mas lalong nahuhulog ang loob niya sa lalaki. Palagi itong may dalang pulang rosas para sa kanya. Lalong kinilig siya sa isiping ganoon siya kahalaga kay Adam. "At ito naman ang para sa'yo, Selena." malambing na sabi ni Adam sabay abot ng tatlong mapupulang rosas kay Ate. "S-salamat, Adam!" kiming tugon ng kanyang ate na tila nahihiyang tinanggap ang bulaklak. Pinagmasdan niya ang dalawa. Napabuntong-hininga siya ng malalim, nang magtama ang mga mata nina Adam at Ate Selena. Unawang-unawa na niya ang mga tingin ng mga ito. Alam niyang may pagtingin ang dalawa sa isa't-isa kaya tinalikuran na niya ang dalawa. Ayaw na niyang malaman o marinig ang sasabihin ni Adam kay Ate. Nagngitngit ang kalooban niya ng ibinalibag niya ang pintuan upang lumikha iyon ng malakas na ingay. Wala siyang pakialam kung naagaw niyon ang pansin ng dalawang taong magkatabi sa sofa. "S-shanny, dumating ka na pala?" patay-malisyang tanong ni Ate Selena bagama't nahihiyang sumulyap kay Adam. "Yeah, I'm here nakikita mo naman ako diba, Ate Selena?" sarkastikong aniya. "Huwag na kayong mahiya sa akin dahil alam na alam ko na mahal niyo ang sa isa't-isa. Huwag niyo ng pigilan ang nararamdaman ninyo baka sa isang araw bigla na lang iyan sasabog. Ano naman kung kayo ng dalawa? May mapapala ba ako sa pagpigil ng relasyon ninyong dalawa?" Tumigil muna siya sa pagsasalita at padabog siyang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. "Sabi mo pa nga sa akin, kahit anong gawin ko para mapaibig lang kita ay wala na akong magagawa dahil mas mahal mo ang kapatid ko, Adam," binalingan niya ang kapatid na ngayon ay namumutla na. "Ikaw naman, ate, sana sinabi mo na lang sa akin na ikaw ang mahal niya at hindi ako. Pinagmukha mo akong tanga." Bago pa makasagot ang ate niya tinalikuran na niya ang dalawa at nagpatuloy ng umakyat sa hagdan patungong silid niya. END OF FLASHBACK Napabuntong-hininga na lang siya nang maalala niya na naman ang lalaking minsan lang niyang minahal. Pinahid niya ang namumuong luha sa gilid ng mga mata niya. "Are you okay?" Natulos siya sa kanyang kinatatayuan niya nang marinig niya ang baritonong boses na kanina lang niya narinig. "H-ha?" Gulat na gulat nang makitang nakatayo ito sa harapan niya ang bagong CEO ng Resort. "I'm asking you, Miss. Are you okay?" Alanganin siyang ngumiti at tumango rito. "Okay, enjoy the party then!" dugtong na sabi nito at tinalikuran na siya ng CEO. Napabuga siya ng hininga. Ngayon lang niya namalayan na pinipigilan pala niyang huminga. "Napakagwapo pala nito sa malapitan," bulong niya. Sinundan niya ito ng tingin na ngayon ay masayang nakikipag-usap sa anim na nagagwapuhang kalalakihan at magagandang mga babae na kasama ng mga ito. Masayang silang nag-uusap. "Shanny," untag ng kuya niya nang lumapit ito sa kanya. Takang tiningnan niya ito. "Kanina pa kita napapansin, gusto mo ba si Ramm?" umiling kaagad siya rito. "Hindi, kuya. Namangha lang ako sa taglay niyang kagwapuhan. Kaya 'wag mo ng pansinin ang pagkamangha ko." May panunukso itong tumingin sa kanya. "Namangha lang ba o nabighani na ang mailap mong puso?" Tinaas-baba pa nito ang kilay. Natawa lang siya sa pinaggagawa ng kuya niya. "Namangha lang, kuya." Kumibit-balikat lang ito tila bang hindi ito naniniwala sa kanya. Napatingin siya sa relo niya nang makitang maghahating-gabi na. Binalingan niya ang kanyang kuya. "Kuya Sebastian, hindi pa ba tayo uuwi? Inaantok na ako," humihikab niyang sabi at kumunot ang noo niya nang hindi kasama ang kanilang ama. "Siya nga pala kuya, nasaan si Papa?" palinga-linga siya sa paligid na nagbabasakaling makita niya ang ama. Hindi niya kasi napansin na umalis na pala kanina lang dahil nakatutok ang atensyon niya sa lalaki na nagngangalang Ramm Scott. Napangiti na lang siya nang maalala niya na nakausap niya ito kani-kanina lang. Kaya lang natameme siya dahil sa lakas ng dating nito sa kanya. Para bang nakakapanghina ang kagwapohan nito. Napansin niya noong oras na iyon, nang matitigan niya ang mga mata ng lalaki ay wala siyang makitang bakas na emosyon nito. Hindi niya mawari kung ano ang iniisip ng binata. "Maya'-maya uuwi na rin tayo. May kausap pa kasi si Papa ngayon at iyon ay si Ramm Scott na bagong may-ari ng Resort," paliwanag nito sa kanya. Nagtataka siyang napatitig dito. "Bakit niya kausap iyong bagong may-ari?" kunot-noong tanong niya. "Ah, iyon ba? Sa narinig ko sa usapan nila ay gusto ni Ramm na tayo ang mag-supply ng mga karne ng baka, baboy at manok at pati mga prutas," Hindi mawala sa mukha nito ang kasiyahan. Halatang masaya ito sa nalaman at pati rin naman siya. "Sinabi iyan sa akin ni Papa kanina." "At hindi lang iyan, alam mo bang gusto kang ipasok ni Ramm bilang Financial Manager? Ikaw din ang hahawak sa Hacienda natin dahil hindi namin alam kung paano humawak ng negosyo, Shanny. Iba ang nakahiligan namin," nakangisi ito sabay tapik nito sa kanyang balikat. Napanguso na lang siya sa sinabi nito na hindi nito kahiligan ang negosyo. Sa akin nakaatang ang negosyo nila. Ano pa ba ang magagawa niya? Kung siya ang pinagkakatiwalaan ni Papa sa hacienda. Hindi niya pinansin ang sinabi nitong gusto siyang kunin ni Ramm dahil ang atensyon niya ay kung papaano niya mapapalago ang hacienda nila. Ilang sandali lamang lumapit na ang kanilang ama na may ngiti sa mga labi. Kibit-balikat na lang niya ito baka masaya lang ang kanilang ama dahil malaki na naman ang makukuha nilang pundo pagkatapos nito. Isa pa, matutuloy na nila ang pangarap na makapagtayo ng panibagong negosyo. Hindi niya pa alam kung kailan nila sisimulan basta ang kailangan lang nila ay makalikom ng malaking pera. Nagpasya na din silang umuwi na dahil sa sobrang antok na niya. Nang nakapasok na siya sa likod ng sasakyan ay napatingin siya sa labas ng bintana. Napansin niyang nakatangin sa direksyon niya si Ramm na may ngiting nakakaloko habang nakasandal ang likod nito sa pader at nakapamulsa pa talaga. Napakunot ang noo niya sa inasta ng binata. Bakit ito ganoon makangiti? Napahalakhak ito nang makita siyang napaismid sa pagkindat nito. Hindi pa kasi niya naisarado ang pintuan kaya nakita niya ang ginawa nito. Baliw ba ang lalaking ito? Hindi na niya pinansin ang pagkatitig nito at sinarado na niya ang pintuan. Nang makauwi na sila sa bahay ag dumiretso na siya sa silid at nahiga sa kama. Nakatulugan na niyang hindi na nakapagbihis ng pantulog. RAMM SCOTT Hindi niya ipagkakaila na maganda ang dalaga na nakaharap niya kanina. She has great eyes, she has such a voluptuous body, very round and full and ripe. Nang mapatingin siya sa mga labi nito para bang nakakaengganyong halikan. Huminga siya ng malalim nang maramdaman niyang may kakaiba siyang naramdaman at iyon ay ang pagnanasa at mabilis na nag-react ang katawan niya. Ito ang unang beses na nangyari ito sa kanya. Men always men. Napabaling ang atensyon niya kay Ken ng magsalita ito. "She captured your attention, Ramm," May ngisi sa mga labi nito habang nakaturo sa babaeng nakausap niya kanina. He shook his head. "Unfortunately, not Ken. She's not attractive though," tangging aniya. Baka kapag sinabi niya ang totoo ay aasarin siya nito. "Really, Ramm? Isn't she attractive to you?" hindi makapaniwalang tanong ni Wayne. "Oh common! Why were you still looking at her?" nakangising patuloy nito. "Yes, she has a body to die for, but I'm not attracted to her. I don't like her." "Don't deny the fact that she caught your attention, Ramm. Even if you don't admit it. You see, Ramm kahit anong sabihin mong hindi ka nagkagusto sa kanya ay sa kilos mo pa lang halata ka na o baka nakaramdam ng radar iyang sa ibaba mo?" He caught off guard of what Craig said. He is not attracted to her, right? He loves Sandra so much. Bakit naman siya maaakit sa isang babaeng ngayon lang niya nakita? Kalokohan lang ang mga sinasabi ng mga ito sa kanya. "Why aren't you against what Craig said, Ramm?" Zeo curiously asked. Akmang sasagot sana niya ito ng may biglang umakbay sa kanya. Tiningnan niya kung sino ang umakbay. "Paano kung aagawin ko siya sa'yo?" mapang-asar na sabi Trail sa kanya na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Napatiimbagang siya at tiningnan ito ng masama. "Try to steal her away from me Trail. I will not think twice to break your neck." banta niya. Imbes na tumigil ito ay mas lalo lang siya nitong inaasar. "Akala ko ba wala kang gusto sa babaeng iyon? Kung makapagbanta ka parang sa'yo siya, pero ang totoo ay hindi naman. Hindi ba wala ka namang gusto sa kanya?" He smirked at him. "She is mine, Trail. No one can own her." "Okay, fine. She is yours, Ramm," sukong sabi nito. He frowned when he looked at his friends. "Why are you smiling like that?" he curiously asked. "We already knew, Ramm. It's pretty obvious." Hindi na lang siya umimik sa mga ito bagkus luminga-linga siya sa paligid at hinanap ang isang taong nakakuha ng atensyon niya. Naglakad siya patungo sa kung saan ang babaeng nakaupo at kausap ang kuya nito. Kilala niya ang kuya nito dahil isa ito sa kilalang modelo at artista sa industriya ng showbiz. Laman si Sebastian sa mga magazine at maraming nahuhumaling na kababaihan dito. Hindi niya maitatangging ang lakas ng karisma ng kapatid ng babae. Nasa likuran na sana siya nito ng may tumapik sa kanyang likuran kaya nilingon niya ito. Napansin niyang si Mr. Coronel pala ito ang kaharap. "I'm Sebastiano Coronel," pakilala nito ay nilahad nito ang kamay sa harapan niya kaya kaagad niyang tinanggap ang pakikipagkamay dito. "I'm Ramm Scott," tugon niya at agad na binitawan ang kamay nito. "Kami ang taga-supply ng mga pagkain sa Resort ninyo, Mr.Scott," nakangiting sabi nito. Tumango siya rito. "I know, Mr.Coronel. Simula no'ng si Papa pa ang humawak ng resort. Diba may anak kang dalaga na nagtatrabaho sa Hacienda ninyo?" Kahit nagtataka ito ay tumango ang matanda. "I would like to hire your daughter, Mr. Coronel. I will hire her as finance manager." Nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya na para bang hindi ito makapaniwalang inalok niya ang anak nito bilang Finance Manager. He didn't know why he was acting like this, but he knew he wanted to keep her. Tumango ito sa kanya. "Yes, Mr. Scott. I will ask her, if she wants to be your Finance Manager," nakangiting tugon nito sa kanya. "So, I need to go right now, Mr. Coronel. I need to talk to someone at this hour.” paalam niya. He fetched his phone from his pocket and called Sandra to ask her on a date right now and she said yes. Napangiti siya ng pumayag ito. She always makes him smile kaya napamahal na siya kay Sandra. Ayaw na niyang mawala ito sa kanya. Nang matapos siyang makipag-usap sa babaeng mahal niya ay napagdesisyonan niyang puntahan ang dalaga na kanina niya pa lang niya nakausap. Nang papalapit na siya sa kinaroroonan nito ay napakunot ang noo niya ng wala na siyang nadatnan doon kaya lumilinga siya sa paligid at nang napatingin siya sa pintuan ay nakita niya ang hinahanap niya. Uuwi na ba ang mga ito? Sayang! Hindi niya alam kung ano ang pangalan nito. Hindi man lang niya naitanong man lang kanina. Huminga siya ng malalim at sinundan ito. Nang makarating na siya sa parking lot ay nakasakay na ito sa sasakyan ng ama nito. Tinitigan niya ang mukha ng babae habang nakasandal ang likod niya sa pader. Napalingon ito sa kanya ng magtagpo ang kanilang mga mata ay bigla na lang bumilis ang pintig ng puso niya. Huminga siya ng malalim at mas itinuon na lang ang atensyon sa dalaga. Naguguluhang napatitig sa kanya ito at siya naman ay hindi niya malaman king bakit nagwawala itong puso niya kung kumabog parang gustong kumawala sa ribs cage niya. He smirked and winked at her. Napahalakhak siya ng umismid ito sa ginawa niya. Ngayon lang siya nakakitang hindi kinilig sa ginawa niya. Napailing na lang siya sa babae. "She's different woman," bulalas niya at tinalikuran na niya ang mga ito nang nagsimulang lumayo ang sasakyan nito. --- Shannera Coronel Kinaumagahan nang magising siya ay kaagad siyang pumasok sa banyo at isa-isang hinubad ang mga saplot sa katawan. Itinapat niya sa shower ang katawan niya. Lumabas na siya nang matapos siyang magbihis at pumunta na sa hapag-kainan. "Kumain na tayo, anak. Ikaw na lang ang hinihintay namin," bungad ng Mama niya nang makita siya nito. Umupo na siya sa tabi nj Kuya Seb at Kuya Shawn niya. nNapapagitnaan siya ng dalawa. "Shanny,"untag ni Papa. "Po?" napaangat siya ng tingin dito "Nagkausap kami ng anak ni Mr. Romeo Scott na si Ramm kagabi at gusto ka niyang gawing Finance Manager ng resort nila," paliwanag nito sa kanya. Walang gana siyang tumango dito para hindi mapaghalataan na interesado siya. Nandito pa naman ang Kuya Seb at Kuya Shawn niya baka tuksuhin siya ng dalawa. Lalo na kay Kuya Shawn para kaming mga pusa at aso kung mag-asaran. Kapag nalaman nitong may crush siya kay Ramm, baka puno ng tukso ang hapag-kainan nila. Ayaw pa naman niya gano’n “Shanny, sasamahan ka ng mga kapatid mong mag-aasikaso ng hacienda natin." Pagkarinig ng mga kapatid niya sa sinabi ng ama nila ay umangal ang mga ito kaya napangisi siya. Allergic ang mga ito sa init o mas tamang sabihin ay ang aarte. Sabagay nasa showbiz naman ang mga kapatid niya kaya hindi na siya magtataka kung bakit todo tangge ang mga ito dahil may mga trabaho pa ang mga ito. "Papa, alam mo namang wala kaming kaalam-alam sa negosyo. Malugi pa tayo niyan kung kami pa ang humawak sa hacienda," reklamo ni Ate Selena. "Oo nga, Papa," sabat ni Kuya Shawn at ngumiti ito sa kanya ng nakakaloko. Alam na naman niyang ngiting iyan nakakadala ng delubyo. "Pa, ano naman ang kaalaman namin sa negosyo? Hindi kami marunong mag-asikaso sa hacienda baka magulat ka na lang kinabukasan bagsak na ito. Ibig sabihin wala na tayong hacienda," natatawang biro ni Kuya Sebastian. Napahalakhak ang mga magulang nila sa sinabi ng mga kapatid niya. Pati nga siya hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ng tatlo niyang kapatid na ngayon ay may ngiting pang-aasar sa kanya. Napailing na lang siya sa kalokohan ng mga ito dahil alam niyang pinagkakaisahan na naman siya. Silang apat na magkakapatid ay nakapagtapos ng pag-aaral. Si Kuya Sebastian ay isang piloto, modelo at ito din ang panganay sa kanila. Si Kuya Shawn ay isang Chef na nagtatrabaho sa 5 star hotel ng bansa. Pero napatigil ito sa pagtrabaho at hindi niya alam kung anong dahilan basta na lang pumasok sa showbiz at ito pumapangalawa sa kanilang magkakapatid. Si Ate Selena ay isang freelance model at isa ring manager sa bangko at pangatlo ito. Siya ay isang Financial Consultant sa hacienda nila at saka silang dalawa ng papa niya ang humahalili sa kanilang hacienda Graciela at siya ang bunso sa magkakapatid. Napabuntong-hininga siya ng may naalala siya sa sinabi ng Papa niya. Hindi niya alam kung bakit kukunin siyang Finance Manager ni Mr. Ramm Scott at marami naman iba diyan. Tatanggapin ba niya ang alok nito o tatanggihan na lang? Bakit hindi siya nito kinausap ng harapan kagabi? 'O baka namang takot ka lang mahulog sa lalaking iyon kaya nagdadalawang isip ka kung kukunin mo ba ang alok nito' -biglang sabat ng kanyang isipan kaya siya natigilan. Paano kung---- "Aish! Bahala na nga!" naiinis niyang ginulo ang buhok. ''Para kang ingot d’yan!" sita sa kanya ni Kuya Shawn nang makita siyang parang timang. She made a face and she stuck out her tongue at him. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD