NATALIA'S POV Napapadyak ako habang nasa harapan na ng bahay ni Angela. "Putcha!" bulalas ko at napasabunot na lamang sa buhok. Naka lock ang bahay! At ang susi ay nandoon kay Cadmus. Nakalimutan kong kunin at hindi din isinauli ng mokong na yun nakuu! Nagmamadali pa naman akong umuli ngayon dahil may gagawin pa ako. Aishhh! Napatingin ako sa relo at nakitang hindi pa nag aalas singko y medya ng hapon, malamang nasa bayan pa si Cadmus ngayon dahil may trabaho iyon doon. "Anong oras kaya yun uuwi? Siguro naman maaalala niyang nilock niya ang buong kabahayan ng mga Cruz at nasa kaniya ang susi diba? Makulimlim pa naman ang panahon, madalas kasi talagang umulan kapag hapon na eh. Napapakamot na lang ako sa ulo at nakapameywang na nakatayo sa harap ng bahay. "Ayos ka pang ba hija

