ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 43 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. HANGGANG ngayon ay hindi pa rin tumatawag sa akin si Alaric, o nagpaparamdam man lang. Hindi man lang siya nag e-effort para sa akin?! Kahit man lang magpadala siya ng bulaklak, letter, o chocolates—wala talaga! Ngayon ay narealize ko na talaga na hindi niya ako totoong mahal, kasi kung mahal niya talaga ako ay mag eeffort siya. “Bakit ka nakasimangot diyan? Dahil ba hindi ka pinuntahan ni Alaric dito sa opisina mo?” nakangising sabi ni Kyle nang pumasok siya sa aking opisina. Matalim ko siyang tinignan. “Gusto mo bang itusok ko sayo itong hawak ko na ballpen? ‘Wag mo akong binubwesit, Kyle!” inis kong sabi sa aking pinsan, Humalakhak naman siya at naglalakad siya ngayon papalapit sa akin. Ngayon ko lang nalaman na pumunta pal

