ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 39 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. ANG ganda ng gising ko ngayong umaga… lalo na’t makita mo sa iyong pagdilat at mala-anghel na pagmumukha ni Alaric. Pagod man ako at masakit ang katawan ko ngayon sa ginawa namin buong magdamag, masaya naman ako dahil nalaman kong mahal ako ng lalaking mahal ko. “Good morning, handsome,” nakangiti kong bati kay Alaric ng unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Sobrang ganda ng kanyang mga mata lalo na sa malapitan. Kinusot ni Alaric ang kanyang mga mata bago siya muling tumingin sa akin at nginitian niya ako. “Good morning, love. Anong oras na?” mahina niyang sabi. Niyakap ko si Alaric bago ko sinagot ang kanyang tanong sa akin. “It’s seven in the morning, love. Pero ‘wag kang mag-alala, nakapagluto na rin naman ng b

