ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 42 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. “VIVI, what the hell?! Anong ginagawa mo rito? At… at bakit may dala kang mga maleta?!” hindi makapaniwala na tanong ng aking pinsan na si Kyle. I decided to leave Alaric in our house. Hindi ko na kayang makasama siya sa iisang bubong. Ayokong makita ang kanyang pagmumukha dahil mas lalo lang akong masasaktan. Hindi naman pwede na doon ako kay Marianne makitira dahil doon din siya nakikitira sa bahay ng kanyang mga magulang, nakakahiya kay Tita Sabrina at Tito Maverick. Ayoko naman doon sa bahay ng parents ko dahil sigurado akong pupuntahan ako doon ni Alaric. Kaya naisip ko na dito ako pumunta sa condo unit ng aking pinsan na si Kyle. Siya lang naman ang mag-isa rito, depende lang kung may tinatago siyang babae. “Hello, Kyle.

