ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 40 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. “GOOD mood ka ngayon, ah? Nalaman ko galing sa secretary mo na nag-volunteer ka na ikaw ang pumunta sa isa nating factory par mag inspect? Diba ayaw mo ng mga gawaing ‘yun kaya ako pa rin ang pumupunta sa mga factories?” seryosong tanong sa akin ng aking pinsan na si Kyle ng makapasok siya sa aking opisina. Tapos ko na ang mga pipirmahan ko ngayon na araw at wala na rin akong ibang gagawin kaya nag-volunteer na lang ako na ako ang pupunta sa isa sa aming mga factories para tingnan ang trabaho doon. Napangiti ako kay Kyle at nagsalita. “Alam ko naman kasi na busy ka, Kyle. Wala na rin naman akong ibang trabaho ngayon kaya nag-volunteer na ako,” nakangiti kong sabi sa kanya. Tinaasan niya ako ng kanyang kilay. Hindi pa rin siya

