Tulog na silang lahat pero ito ako naglalakbay ang isip sa kung saan. Maingat akong tumayo para hindi ko magising sina Bythe at Deta. Napagpasyahan kong lumabas na muna at magpahangin sa may hardin. May kalawakan kasi sa harap ng hospital kaya nilagyan nila ng upuan at mga halaman kung saan pwedeng maliban ang mga pasyente tuwing gusto nilang magpahangin. Isa itong pribadong hospital sa tingin ko, mayroon pa siyang wall at gate para siguro wala basta bastang makakapasok. Napatingin ako sa kalangitan at natuwa sa tanawin na nakikita ko. Kompara sa Laoag mas maraming mga bituin dito sa Abra. Siguro mapayang tumira dito, simple lang naman ang pamumuhay ng mga tao rito. Karamihan nga ay mahirap lang pero naitatawid naman nila ang pang araw-araw na pangangailangan. Lalo na ang mga magsasaka,

