Chapter 97 Zhiya Sabriya Smith NAGISING ako sa mahina pero paulit–ulit na ingay. Inaantok pa ang diwa ko, kaya ibinaon ko ang mukha ko sa unan, hoping na mawala ang ingay sa pandinig ko. Pero hindi—mas lalong naging malinaw, mas naging persistent pa ito. May halong tawa ng mga bata. At sa pagitan ng mga batang nagtatawanan, may isang lalaking humahalakhak. Pamilyar. Parehong pamilyar lahat ng mga tinig na iyon na umaabot sa tenga ko. Mula sa kung saan, narinig ko rin ang lagaslas ng talon. Malakas, pero hindi nakakaingay—parang steady rhythm lang sa background. Napaungol ako nang dumilat ang mga mata ko. For a moment, I was disoriented. Bukas ang dalawang malalaking bintana, at pumasok ang malamig na hangin ng umaga. Napayakap ako sa malaking unan para kahit papaano ay mabawasan an

