Nandito na kami sa cafeteria at iniintay na lang namin ang kulang na si Eve para makakakain na kami ng lunch.
Nandito na si Dylan, Icom, Marco at ang kambal si Eve nalang talaga ang wala.
“Ahhhh, nagugutom na ako. Na saan na ba si Eve?” tanong ni Emerald habang tumatanaw sa entrance nang cafeteria.
“Ruby? ’Di ba magkaklase kayo ni Eve?” tanong naman ni Icom kay Ruby na halatang gutom na rin dahil ang sama ng tingin niya sa pagkain.na nasa mesa.
“Hindi ko nga alam, bago kasi matapos ang oras ng prof namin ay nagpaalam siya na magccr lang daw pero hanggang ngayon wala pa rin siya,” mahabang lintaya ni Ruby bago mapalunok.
Tumingin naman silang lahat sa akin at tinaasan ko naman sila ng kilay.
“Wala, hindi ko alam,” sagot ko at sabay-sabay naman silang napatango. Nagugutom na rin ako kaya kinuha ko na ang phone ko at dinial ang number ni Eve bago iloud speaker at ilapag sa gitna ng lamesa namin upang marinig naming lahat.
Nakailang ring pa ang nakalipas bago nya sagutin ’yon.
“Hello Eve?” tawag ko dito at nagkatinginan naman kaming lahat.
“Hmm?” rinig naming tugon niya sa kabilang linya.
“Ano na? Na saan ka na? Ikaw na lang ang hinihintay namin dito nagugutom na kami,” biglang sabat ni Ruby at narinig ko na naman ang pambansa niyang ‘Tss.’
“Kumain na kayo, hindi ako sasabay sa inyo ngayon.” Biglang bumagsak ang mga balikat namin nang marinig ang sinabi niya na ’yon.
“Cal— Eve.” May narinig kaming isang boses sa kabilang linya na hindi namin alam kung kanino pero babae.
“Sige na, ibababa ko na to may kausap ako,” sabi ni Eve at bago niya ibaba ang tawag ay narinig namin na may sinabi siyang pangalan. ‘Jade.’
“Jade?” tanong ko dahil wala naman akong kilalang Jade.
“Sino ’yon?” tanong ni Icom na halatang nagtataka rin.
“Baka girlfriend ni Eve? Pero malabo,” sabi ni Emerald bago maunang kumuha ng pagkain.
“Wait parang narinig ko na ’yang pangalan na ’yan... sandali... Jade... Oo!” napatingin kami kay Ruby nang bigla siyang sumigaw. “Oo nakita ko na siya! Hinarang niya kasi kami last week ni Eve sa may hallway,” panimula niya at hinintay naman namin ang susunod niyang sasabihin. “Babae siya, maganda, mukhang matalino pero mukha ring suplada,” paglalarawan niya pa rito.
“Baka kapatid ni Eve?” tanong ni Marco at napailing ako.
“Walang kapatid na babae si Eve bukod sa—” Napahinto ako bago mapatakip sa bibig ko. ‘Muntik na Sandra, ang daldal mo.’
“Bukod sa?” si Dylan na mukhang interesado sa sasabihin ko kaya tumawa ako ng pilit bago umiling.
“Wala, ang sabi ko walang kapatid na babae si Eve,” malilintikan ako kay Eve nito.
Hindi naman na siya nagtanong at nasimula na rin kumain.
“Sayang wala si Eve, itatanong ko pa sana sa kaniya ’yong kumakalat na issue sa journal,” sabi ni Marco habang kumakain.
“Oo nga pala nakita ko rin ’yon pero parang hindi naman kapani-paniwala,” sabi ni Icom na nagkibit-balikat.
“Hindi naman talaga totoo.” Napatingin kaming lahat kay Dylan nang sabihin niya ’yon ng walang pag-aalinlangan.
“Paano mo nasabi?” tanong ni Ruby at tumingin naman sa amin si Dylan.
“Kasi no’ng sabado, magdamag kaming magkasama ni Eve.” Natigilan kaming lahat at nagkatinginan. “Kumain kami sa labas, at nanonood magdamag ng anime,” dugtong pa ni Dylan.
“Ang sweet,” sabi ni Marco at masama naman siyang tiningnan ni Dylan. “Nang mango shake... Ang sweet ng mango shake nasobrahan ata sa asukal,” sabi niya bago bigyan ng nang-aasar na mukha si Dylan.
“Eh gaga naman pala ’yong Chellsy na ’yon! Patay na patay kay Eve!” sabi ni Emerald at nag-apir sila ng kambal niya.
Hindi naman maalis ang tingin ko kay Dylan na namumula pa rin ang pisnge hanggang ngayon at napapangiti na parang may naaalala.
‘Delikado ka na.’
Nag-anyong lalaki si Eve pero tingnan mo at mukhang may tinamaan pa rin sa gandang lalaki niya.
EVE’s POV
Agad kong kinuha ang cellphone ko nang marinig ko itong nagriring. Pangalan ni Sandra ang nakita ko kaya sinagot ko ’yon.
“Hello Eve?” rinig kong sabi niya at pansin ko ring ang ingay sa kabilang linya kaya alam kong nasa cafeteria na sila.
“Hmm?” tumingin ako sa labas nang resto nang matanaw ko si Jade na bumaba na sa kotse niya.
“Ano na? Nasan ka na? Ikaw nalang ang iniintay namin dito nagugutom na kami.” Rinig kong sabi ni Ruby at agad akong napailing dahil alam kong naka-loudspeaker ang cellphone ni Sandra.
“Tss,” sabi ko. “Kumain na kayo, hindi ako sasabay sa inyo ngayon,” sabi ko at napalingon naman ako sa likod ng biglang magsalita si Jade.
“Cal—Eve” Pag-iba niya sa tawag sa akin ng makitang may kausap ako sa cellphone.
“Sige na, ibababa ko na to may kausap ako,” sabi ko at tinawag si Jade.
“What’s new, Jade?” tanong ko dito dahil kaninang bago maglunch ay sinabihan niya akong magkita raw kami sa resto na malapit sa campus.
“Here.” May inilapag siyang envelope at binuksan ko naman ’yon.
Halos manginig ang kamay ko nang makita ang nandoon. Picture... ni Papa na may kasama na namang ibang babae at may kasamang bata...
“Ano ’to?” tanong ko dahil parang hindi ko maintindihan ang nakikita ko.
“That’s your dad with his second family...” Alam kong hindi rin komportable si Jade sa nalaman niya dahil sa mukha palang niya ay parang ayaw niyang pag-usapan namin ’yon.
Tiningnan ko pa ang iba picture at mas lalo lang akong nag-init sa ama ko.
’Yong babae... hindi maayos ang pananamit at ’yong bata ay halatang hindi naaalagaan ng maayos, nakatayo ’yong ama ko, nakatayo sa tapat nang kotse niya habang hawak ng mahigpit sa braso ang babae at binibigyan ng pera.
‘Ang kapal talaga ng mukha mo.’
Galit ako. Galit na galit ako. Kung galit ako sa ama ko dati pa mas nagalit pa ako sa kaniya ngayong makita ko ang pagkawalanghiya niya.
“Hindi pinanagutan ng papa mo ang babaeng ’yan.” May tumulong luha galing sa mata ko, naghalo-halo na ang nararamdaman ko. Galit, inis, gulat at awa. “And look at the little angel right there.” Nginuso ni Jade ang isang batang babae na walang kamalay-malay sa katarantaduhan ng ama niya. “She’s Maxine Eve Alejar.” Napatingin ako kay Jade bago punasan ang mga luha ko.
“What?” tanong ko dahil hindi masyadong maliwanag ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Jade.
“She’s Maxine Eve Alejar, 1 year old baby and today is her birthday,” sabi niya kaya tiningnan ko ang cellphone ko upang tingnan ang date ngayon. July 4...
“Send me their location,” bilin ko kay Jade.
“Okay,” sagot niya bago magkwento tungkol sa kapatid ko. “Alejar ang apelyido niya galing sa nanay niya dahil ayaw nang papa mo na dalhin ng batang ’yan ang apelyido niyong Valencia,” paliwanag niya bago sumubo sa pagkain niya. “Ang alam ko pa ay ang nanay niya ay nadisgrasya lang nang papa mo,” sabi niya pa bago may iabot ulit saking papel.
Binasa ko ’yon at info’s ng nadisgrasya ni papa ang nakita ko doon. “Maxy Alejar. 19 years old? The f*ck...” Napamura ako dahil kasing edad ko lang ang babaeng ’yon. Nagpatuloy ako sa pagbabasa. “Live in Caloocan, and...” Napatigil ako sa pagbabasa at parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.
“She have a brain cancer, stage 4,” pagsaaabi ni Jade na napahinto rin sa pagkain. Kaya ba payat at parang namumutla ang babaeng ’yon?
Tuluyan ko ng nabitawa ang papel at napatingin sa labas.
“Magcut tayo ng klase,” sabi ko bago tumayo, hindi ko naman narinig na nangreklamo siya. Nag-iwan ako ng dalawang libo sa lamesa para bayad namin sa kinain namin saka lumabas ng resto.
“Kotse ko na lang gamitin natin,” sabi niya saka lumapit sa kotse niya. Sumakay siya sa driver seat at ako naman ay nasa passenger seat.
“Ayos na ba ’yang injured mo?” tanong nito habang nagmamaniobra.
“Okoy na, nagamit ko na nga,” sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.
Nagdrive siya at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil medyo may kalayuan ang pinuntahan namin.
“Cally nandito na tayo.” Nagising ako nang hatakin ni Jade ang buhok ko.
Unti-unti kong minulat ang mata ko at nakita kong parang nasa gubat kami dahil liblib ang lugar at wala masyadong bahay.
May nginunguso siya sa labas kaya tumingin ako doon, may nakita akong kubo at sa kubo na ’yon palabas ang isang batang nakangiti habang nakatingin sa kotse namin. Tumakbo ito papalapit sa amin at kinatok ang pinto sa gawi ko.
Natanaw ko na nakasunod sa kaniya ang kaniyang nanay na halatang nahihirapan at kalbo?
Baka nakawig siya sa picture.
Binuksan ko ang pinto nang kotse ko at nakangiti naman akong tinignan no’ng bata.
“N-naynay! Birday to, yehey!” tumalon talon ang bata habang pumapalakpak.
“Eve!” parehas kaming napatingin no’ng bata sa nanay niyang hirap na hirap maglakad. “S-sino po sila?” tanong nito, namumutla ito at payat. Upak na rin ang ang mukha nito at malaki ang eye bags.
“Hi, I’m Eve.” Pakilala ko at inabot ang kamay.
Ngumiti naman siya bago abutin ang kamay ko. “Maxy pero Max na lang,” sabi nya bago hawakan sa ulo ang anak niya. “Ano po pa lang sadya niyo dito?” tanong niya sa amin at napatingin naman ako sa bata ng hatakin niya ang pants ko.
“Birday to,” sabi nito sa akin kaya umupo ako para pumantay sa kaniya.
“Happy Birthday,” sabi ko at ngumiti, namula naman ang pisnge niya bago niya yapusin ang leeg ko.
“Tenyu po,” sabi niya at hinalikan ako sa pisnge.
“Eve,” nahihiyang hinatak niya ang anak niya papalapit sa kaniya.
“Anak ako ni Hernan Valencia,” sabi ko at naglaho ang mga ngiti niya sa labi. Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya sa akin.“Ako ang bunso niyang anak,” dugtong ko pa at naiwas naman nya ang kanyang mukha.
Si Jade ay lumapit sa bata at kinuha iyon na hindi naman pinigilan ni Max. Nakita ko na may inabot sa loob ng sasakyan niya si Jade at nang makita namin ’yon ay iaang laruan at maliit na cake.
“Anong kailangan mo?” tanong niya sa akin at umiling ako.
“Wala, gustolang kita makita.” Yumuko ako at nagsalita. “At ang kapatid ko,” sabi ko at narinig ko ang pag-iyak nya. Hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak.
“Hindi ako pinanagutan nang papa mo,” sabi niya sa akin. “Madalang din siyang magbigay ng sustento sa anak namin.” Napatingin ako sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko. “Kukunin niya ang anak ko,” sabi niya bago mapaupo at umiyak. Umiling siya ng ilang ulit bago tumingala sa akin. “A-ayaw ko,” sabi niya na parang nagmamakaawa.
Tinayo ko siya at tinignan.
“D-dalawang linggo nalang ang buhay k-ko kaya nagmamakaawa ako sayo.” Humagulgol siya at sinabi... “I-itakas mo na ang anak ko, ayaw ko n-na mapunta s-siya sa papa mo,” sabi niya, hinawakan ko ang ulo niya bago tumingin kila Jade na naglalaro.
“Isasama ko ang kapatid ko,” sabi ko na mas lalong nakapagpaiyak sa kanya. “Ikaw? Sasama ka ba?” yanong ko sa kaniya at umiling siya. “Bakit?” Tanong ko dito.
“Ayaw ko na... Ayos na sa akin na alam kong nasa mabiting tao ang anak ko at maaalagaan siya ng maayos,” sabi na naman niya bago umiyak ng makita niyang papalapit sa amin ang anak niya.
“Naynay!” yumakap sa kaniya ang anak niya kaya niyakap niya rin ’yon ng mahigpit. “Naynay, batit itaw iyak?” tanong nang bata kong kapatid at pinunasan ang mukha niya.
“Eve, sasama ikaw kila Ate—” Pinutol ko ang sasabihin niya.
At umupo din para pantayan si Eve.
“Ako si Cally,” sabi ko dito at inabot ang kamay. “Pero tawagin mo akong Nii-chan dahil kapatid mo ako,” sabi ko at narinig ko ang pag-iyak ni Max.
“Wow! Naynay! May kapatid si Eve?” tanong ni Eve at tumango naman si Max.
“Oo, sasama ka sakin, ha?” tanong ko dito at yumakap naman siya kaya kinarga ko sya. “Ako ng bahala sa kanya.” Sabi ko kay Max na umiiyak pa rin habang nakatingin kay Eve.
Hinawakan niya ang mukha nito at ngumiti. “’W-wag makulit doon, Eve ha? Dapat lagi lang mabait saka ’wag mong papagalitin si Nii-chan mo, kumain ka ng marami doon, k-kahit na wala doon si Naynay magpakabait ka, ha?” sabi ni Max at hinalikan ang anak niya bago tumalikod. Nagsimula na rin kaming maglakad, si Eve naman ay walang alam sa paligid niya dahil naglalaro siya nang laruan na binigay ni Jade.
“Max...” Tawag kong muli sa kaniya. “Ako si Callista Everielle Valencia at ktong kasama ko ay si Maxine Eve Valencia, ’wag mong kakalimutan ang mga pangalan namin.” Lumingon ako sa kaniya at ngumiti.
“S-salamat!” sabi niya bago kami makapasok sa kotse ni Jade.
Nagsimulang magdrive si Jade at nakatitig lang ako kay Eve na nakakandong sa akin.
“San mo sya balak dalhin?” Tanong nya sakin kaya napaharap ako sa kaniya.
“Ikaw muna ang mag-alaga sa kaniya,” sabi ko at napailing naman siya.
“Nii-chan gutom na si Eve. Sakit na tiyan niya,” Sabi ni Eve habang nakanguso sa akin at nakahawak sa tiyan niya. Madusing ang mukha nyia pero maputi ang balat niya at ang mata niya ay kulay brown na katulad sakin, may kanipisan naman ang buhok niya na medyo mabrown.
“Saan mo gusto kumain?” tanong ko dito.
“Jabeee!” sigaw nya at tumayo sa mga hita ko bago tumalon-talon.
hinihinto ni Jade ang kotse niya sa parking lot nang Jollibee at nauna kaming bumaba ni Eve.
Pumasok kami at dumeretso sa counter na walang pila.
Sinabi ko lahat ng order ko at nagrequest din ako na pagdinala nila ang pagkain namin ay kumata sila ng happy birthday song.
Umakyat kami sa second floor at naghanap ng lamesa.
Umupo kami sa isang table na good for four person at inupo ko si Eve sa ibabaw ng lamesa at hinarap sa akin. Kumuha ako ng wet wipes at pinunasan ang mukha niyang puro dumi, sinuklayan ko rin siya at inayos ang pagkakapusod ng buhok niya. Tiningnan ko naman ang suot niyang dress na kulay puti at buti nalang ay hindi madumi ’yon. Inamoy ko siya at hindi naman siya mabantot, nanghingi ako ng pabango ni Jade dahil pambabae ’yon bago ispray kay Eve. Hindi na niya kailangan ng make-up dahil pinkish ang labi nito, mapupula ang matatambok niyang pisnge at mahahaba ang itim niyang pilik-mata.
“Happy Birthday to you~” Kanta ng mga staff ng Jollibee at natatawa namang tumingin sa akin si Jade.
Tuwang-tuwa naman si Eve habang sumasabay sa pagkanta.
“Yehey! Birday ni Eve!” Sabi ni Eve at pumalakpak bago yumuko sa mga staff ng Jollibee at nag-thank you.
Kinuha ko siya at kinandong, sa tingin ko ay hindi pa siya marunong kumain mag-isa kaya sinubuan namin sya ni Jade.
“Papapuntahin ko na lang si Ate sa bahay para mag-alaga kay Eve pag may pasok ako,” sabi ni Jade at nagpasalamat naman ako.
“Ayusin mo lahat ng papel niya, gawin mo siyang Valencia,” Sabi ko bago punasan ang bibig ni Eve na punong-puno na ng sauce ng spaghetti sauce.
“Syempre, ’di ba baby Eve,” malambing na sabi ni Jade bago panggigilan ang pisnge ni Eve na kurutin. “Ako si Ninang Jade,” nakangiting sabi nito kaya napatawa ako.
Nang matapos kaming kumain ay nagpunta kami sa mall para bilhan ng gamit si Eve bago kami dumeretso sa bahay ni Jade.
Nakatulog na si Eve sa mga braso ko kaya inilapag ko siya sa kama ni Jade bago halikan sa noo.
“Ikaw na ang bahala muna sa kaniya, Jade,” bilin ko kay Jade habang nagsusuot na ng coat ko, pasado alas sais na ng gabi at kailangan ko pang pumunta ng campus para kunin ang motor ko na naiwan. “Dadaan na lang ako dito araw-araw at baka tuwing weekends ay kunin ko siya at doon muna sa bahay namin.” Inayos ko ang neck tie ko at humarap kay Jade.
“Sige na, maingat ka,” sabi ni Jade bago ako ipagtabuyan paalis sa bahay niya.
Pumara naman ako ng taxi at nagpahatid sa campus.
Nang makarating ako sa campus ay wala na masyadong estudyante dahil kanina pang alas sais ang uwian. Pumunta ako sa parking lot at natanaw ko agad ang motor ko, napahinto ako nang may matanaw akong lalaking nakaupo doon habang nakayuko.
Nang mapatingin siya sa gawi ko ay madilim ang mukha niyang nakatingin sa akin kaya napalunok ako.