KABANATA 5
BUMABA mula roon sa magarang sasakyan ang isang hindi pamilyar sa amin na babae. Nakasuot pa ito ng shades, kutis porselana at base sa suot at tindig ay hindi basta-basta lang sa lipunan.
Nakasunod ang mga bodyguard nito nang maglakad siya papalapit sa amin.
“Sino ang bumato?” Bungad niya, nakaangat ang kilay.
Siniko ko si Jappa kaya mukhang siniko niya rin si Isagani. Takot na nagtaas ng kamay si Isagani saka mabilis na humingi ng paumanhin habang nakayuko.
“Pasensya na po talaga... dumulas po kasi sa kamay ko, lumipad—“
Halos masapo ko ang aking mukha nang marinig ang pagpapalusot ni Isagani. Ang shunga, dumulas? Ganoon kalayo at kalakas?
“Alam mo ba kung magkano ang sasakyan na binato mo?” Supladang dugtong niya pa. “Baka mas mahal pa nga iyan sa bahay at lupa na mayroon ka. Wait, do you even own the house where you currently live? Baka squat lang iyan o rent?” Maarte niya pang sambit.
Nagkatinginan kami ni Marceline dahil sa pang-iinsulto nito sa kaibigan namin.
“Lilinisin ko na lang, tiyak naman po na walang gasgas ‘yon dahil plastic at—“
“May pera ako para magpa-carwash, hindi kita sisingilin at baka magmakaawa ka lang sa ‘kin dahil wala kang pambayad.”
Doon na ‘ko napasimangot. “Humingi naman siya ng paumanhin, kung wala rin gasgas, ayos naman din sa kaniya ang linisin ‘yong ginawa niya. Hindi mo na kailangan pang insultuhin ang buong pagkatao niya.” Ani ko. “Kung titignan mo rin ang hitsura namin ngayon may atraso ka rin sa amin, hindi ka nga man lang humingi ng dispensa. Ang mga mayayaman dapat may tamang asal din, hindi ba?”
Naramdaman ko ang pagpigil sa ‘kin ni Jappa sa pamamagitan ng paghawak sa ‘king balikat pero umiling lang ako.
“Are you saying na wala akong manners!?”
Napairap ako sa kawalan, hindi niya nakita pero humarap na lang ako kay Isagani, naabutan ko itong iniilingan ako at nginingiwian.
Maarteng naglipat ng tingin sa akin iyong babae, tinitigan ako mula ulo hanggang paa at nag-alis ng suot na shades. Sa totoo lang medyo may kaliitan siya, mukhang kaedaran lang namin pero matapang lang dahil obvious naman pinagmamalaki niyang mayaman siya kaysa sa ‘min at may kasamang bodyguards sa likuran.
“Matanong ko lang, kilala niyo ba kung sino ang kaharap niyo ngayon?” Maarte niyang asik.
“Hindi. Magpapakilala ka ba?” Mabilis na saad ko.
Kinakabahang pumagitna si Teresa saka tipid na ngumiti sa babae at humingi rin ng paumanhin. “Pasensya ka na, miss, pasensya ka na talaga. Pwede naman daanin sa maayos na usapan, sabihin niyo lang po kung anong dapat gawin ng kaibigan kong ‘to. Mabait naman sila eh...”
Maarteng inangat noong babae iyong isang daliri niya saka ipinantulak sa balikat ni Teresa na parang diring-diri para magkaroon ng view muli sa akin, walang nagawa ‘yong isa kung hindi umatras at umalis sa pagitan namin noong babaeng maarte.
“It’s totally fine, marami naman akong pera para pakintabin at pabanguhin ulit ang sasakyan ko. Gusto ko lang na makilala ninyo ang binabangga ninyo ngayon...” ani nito. “So, I am Maurice. Anak ng governor, a model. At fiancee ni Raphael Portugal.”
Narinig kong suminghap si Marceline saka mahinang bumulong sa gilid. “Parang wala namang fiancee ang mga Aragon?” Aniya kay Teresa.
Marahas na nilingon niya si Marceline saka pinandilatan ng mga mata. “Soon to be! Soon to be his fiancee! Kaya kilalanin niyo ang binabangga ninyo, kung ayaw ninyong balikan ko kayo rito isa-isa at pagsisihan ninyo na napansin ko pa ang mga mukha ninyong iyan.” Nagtagal ang tingin niya sa akin. “Lalo ka na.”
Iyon lamang at tinalikuran niya na kami pagkatapos manakot. May point siya, hawak ng mga Aragon ang halos lahat dito sa bayan ng Hermosa, mula sa mga pwedeng pagtrabahuhan hanggang sa simpatya ng mga tao.
“Ang sama ng ugali, nakashades naman kahit walang araw.” Ani nila na pinagkatawanan na lang namin. Kung sakali mang fiancee talaga iyon ni Senyorito Raphael paniguradong babagay sila sa isa’t-isa.
Mukhang pareho ng ugali.
KINABUKASAN, hapon pa lang ay naghanda na kami nila Marceline at Teresa para sa Hermosa Night. Si Nanay ang pinaka-aligaga sa mga gagawin. Gabi pa naman ang event sa magarang venue sa mansyon ng pamilya Portugal, isa pang mayamang pamilya na pumapangalawa sa mga Aragon.
Narito ako ngayon at nakaupo sa isang monoblock, sa harap ng hindi gaano kalakihan na salamin habang inaayusan ng buhok at makeup.
“Pakikapalan pa ang makeup ng anak ko, ‘yung buhok gandahan mo ang ayos ha. Kulot ba ‘yan? Kulot gusto ko, bagay sa kaniya ‘yun eh. Kulutin mo!” Pag-aapura niya sa babaeng inarkila niya pa mula sa palengke noong nalaman niyang marunong mag-makeup at mag-ayos ng buhok.
“Nay naman, hayaan mo siya. Ikaw na lang kaya ang gumawa?” Pabirong ani ko.
“Dapat kasi perfect ka! Hindi naman mahirap ‘yon dahil maganda ka na talaga, itong buhok mo likas naman ng kulot ang dulong bahagi pero mas maganda kapag may... ano bang tawag doon... style?”
Dumaan si Tatay sa likuran ko, bitbit ang tasa ng kape niya, nagmamadaling umiinom habang nagsusuot ng malaking sumbrero.
“Tara na, Glenda, at marami pa tayong tatapusin sa farm! Puro ka panggugulo sa anak mo.”
“Hindi ako sasama sa ‘yo, susuportahan ko ‘to sa Hermosa Night mamaya!”
“Sasama ka?”
“Aba’y oo naman siyempre! Kilala ko ‘to eh, kapag hindi itinulak, hindi kikilos ‘yan. Lalo na sa mga lalaki!”
“Eh ‘yun naman po ang turo niyo sa ‘kin noon pa ha?” Natatawang ani ko.
“Oh, tama. Hindi ka babaeng pabigay.” Pagsang-ayon ni Tatay, ang palagi kong kakampi.
Nameywang si Nanay kaya lalo akong natawa. “Hindi ka pabigay sa mga lalaking tatambay-tambay lang diyan! Pero kung mayaman, malaki ang bahay, maraming negosyo sa Maynila!? Ibalandra mo ang sarili mo! Payag na payag ako!”
Napangisi ang nagmamakeup sa akin saka isinara ang compact powder na hawak at pinagmasdan ang hitsura ko. “Ang ganda ganda ho ng anak ninyo, parang hindi na nga ho kailangan ng makeup. Paniguradong mapapansin ito mamaya, panigurado lilitaw ang ganda mo roon.”
Napanguso ako. Hindi nga iyon ang gusto ko mangyari eh. Tataguan ko na lang si Nanay.
PAGKASAPIT ng gabi ay sama-sama na kami nila Marceline at Teresa na nagtungo sa venue, sa silid na ballroom ng mansyon ng pamilyang Portugal. Hinatid din kami nila Jappa at Isagani pero halos magshades at magfacemask si Isagani, natatakot na makasalubong ulit ‘yong aroganteng babae kagabi.
“Tita, kasama rin po kayo?” Gulat na asik ni Teresa kay Nanay na nakapostura rin ng pinakamaganda niyang tshirt at pantalon.
“Oo naman! Tagadasal ako sa gilid para sa anak ko.”
Sabay-sabay silang nagtawanan sa sinabi ni Nanay kaya naiiling na nagkamot na lang ako ng pisngi.
“Sa bagay, pwede naman ang kasamang magulang basta nasa gilid lang.” Ani Marceline. “Tara na!”
Organized na organized ang lugar, malaki rin ang silid puno ng enggrandeng disenyo mula sa kulay na royal purple, gold, silver at itim. Puro makukulay na bulaklak at magagandang ilaw. May table for two, mayroon namang para sa mga kababaihan na magkakasama, ang unahang bahagi ay may mini stage at ang central area kung saan mukhang pwedeng sayawan ng lahat ay ang may pinakamalaking espasyo.
“Diyos ko, napakaraming foreigner ha! Ganito pala rito!” Siniko-siko ako ni Teresa nang makadaan kami sa grupo ng mga nakakurbatang lalaki, may hawak na mga kopita na may champagne at nag-uusap usap.
“Matatanda tapos baka gawin kang sugar baby.” Umakto si Teresa na parang naduduwal kaya nagtawanan kami.
May lumapit na naka-suit sa amin saka iginiya kami sa bakanteng table. Nag-umpisa ang paunang programme, ang nagsalita sa harapan at bumati ay ang bunsong anak na babae ng pamilya Portugal. Pinaliwanag niyang mabuti ang purpose ng event, bored akong nakinig dahil paikot-ikot sa ‘give it a try,’ saka ‘take risk, baka malay mo naman ito na ‘yon when it comes to pag-ibig’.
Pagkatapos no’n ay nag-umpisa na ang mahabang gabi. May instrumental background music, maraming babaeng nasa pinakamagaganda nilang damit at ayos, ang iba ay nilalapitan ng mga lalaki saka kinakausap, ang iba naman ay babae mismo ang lumalapit at nangungulit.
“Hindi ko matanggap, mas marami talaga ang mga kulubot na.” Ani sa akin ni Marceline.
“Parang mas okay ngang si Isagani na lang ang tiisin ko kaysa ang mga 60s o 70s na ‘to?” Biro ni Teresa.
“Nanliligaw ba sa ‘yo si Isagani?” Tanong ko. Palagi kasi silang nagbabangayan.
“Hindi, wala naman ibang ginawa ‘yon kung hindi laitin ako. Baka iba ang type.” Iritableng tinusok niya ang karne sa plato sa kaniyang harapan kaya nagkatinginan kami ni Marceline.
“Uy, naghihintay siya kay Isagani pala—“
Natigil sila sa pagsasalita nang may lumapit sa amin na mga lalaki. Mukhang nasa 20s naman pero halatang older sa amin. Inaya kaming sumayaw, pumayag agad ang dalawa pero nakaramdam ako ng hiya at pagka-ilang.
“Um, sige...” tinanggap ko ang kamay niya saka ako dinala sa dance floor. Kitang-kita ko si Nanay mula sa sulok, halos magtatalon sa kangingiti sa ‘kin saka siya nagthumbs up at kung anu-anong sinenyas bago tuluyang umalis ng lugar.
“So, what’s your name?”
“Angeline...” Nag-umpisa kaming mabagal na magsayaw.
Nawala sa kaniya ang atensyon ko saglit nang malingunan sa bandang corner ang mga matang nakatitig din sa akin. Nakilala kong si Senyorito Presley iyon habang nakaupo sa harap ng isang table, maraming tumatabi sa kaniya para makipag-usap pero parang hindi naman niya pinapansin.
“Ang sexy sexy mo...” sinabi ng kasayaw ko kaya nabalik ang atensyon ko sa kaniya, nagbaba ito ng tingin sa hinaharap ko. Ginaya ko tuloy siya, hindi naman revealing ang suot ko, medyo malaki lang ang hinaharap ko. “I’m Marco, I’m here to look for a ‘partner’ with ‘great benefits’. Sigurado okay lang sa ‘yo? We’ll talk about the price.” Ngumisi siya sa akin saka nagbaba ng kamay sa palibot ng aking beywang, malapit sa ‘king pang-upo at hinila ako palapit sa kaniyang katawan.
Medyo natigilan ako at hindi nakomportable kaya inilagay ko ang mga kamay ko sa kaniyang dibdib at bahagyang lumayo.
Nakakainis ang ngiti, halatang manyak.
“Sandali...” kunwa’y ngumiti ako at umaatras pero ayaw magpatinag.
“We f**k and I’ll pay you 5 digits per month. O kung may request ka pa sa price, okay lang.” Dugtong niya pa saka pinadaan nang mabilis ang kamay sa ‘king pang-upo at pinalo iyon.
Doon na ako nainis at kumawala. Nagulat siya.
“Hanap ka na lang ng iba, excuse me.” Pinigilan niya ang kamay ko noong paalis na sana ako pero sinipa ko ang tuhod niya nang hindi na pinag-iisipan pa ang pwedeng mangyari kaya nabitiwan niya ako.
“Hey! You, b***h!” Dinig kong pag-eeskandalo niya kaya nilingon ko siya, nakita kong hinahabol ako nito kaya naisip kong dumiretso na sa labas.
Napaisip tuloy ako kung puro kagaya niyang manyak ang naririto ngayong gabi? Papayag kaya ang ibang mga babae? Para sa pera?
Nagpatuloy ako sa paglayo, pagkaharap ko sa dinaraanan ko ay tumama ako sa dibdib ng kung sino at halos maout of balance!
Hinawakan ako nito sa palibot ng aking beywang at inilapit sa kaniyang katawan para protektahan saka hinarap ang humahabol sa ‘kin. Nakita ko ring dumating sa pagitan namin noong Marco si Senyorito Presley para harangin si Marco mismo. At ang isa pang nagpabigla sa ‘kin?
Lumapit din sa ‘ming gawi ang babaeng nakaengkwentro namin kagabi nila Isagani, mukha siyang hindi makapaniwala at iritang-irita sa nakikita. Natigil ang halos lahat ng nagsasayaw at pinagtinginan kami rito!
“Pwede na kayong umalis sa harapan ko, nakahanap na ‘ko ng isasayaw.” Saad nito sa seryoso at baritonong boses. Nag-angat ako ng tingin sa kaniyang mukha at nakilala ito nang tuluyan, halos mapaawang ang bibig ko.
“Senyorito Raphael.” Sambit ko. Nagbaba siya ng tingin sa ‘kin, nag-angat ng sulok ng kaniyang labi.
“You could just dance with your fiancee, you know.” Nag-angat ng kilay si Senyorito Presley, nilingon ang tinutukoy niyang fiancee nito saka inabot ang aking kamay. Pero hinawakan din iyon ni Senyorito Raphael.
Nakita kong may suminghap na nanonood sa tabi. Nag-init ang mga pisngi ko sa nangyayaring eksena namin dito.
“I’m already okay with this lady, you don’t have to worry too much about your brother, Presley.”
Nagtagisan sila ng tingin sa isa’t-isa ng ilang segundo bago tuluyang napangisi si Senyorito Presley at kibit-balikat na umatras para lumayo na.
Nilingon niya ang babaeng nagpakilala sa ‘min kagabi na fiancee niya saka nagsalita.
“And you, stop following me around tonight, I’ll be busy with her.”
Sa pang-ilang beses ay sabay na nalaglag ang panga naming dalawa noong babae. Pero nagwalk out siya agad nang makaramdam ng pagkapahiya sa lahat ng nanonood sa ‘min.
Ngayon ay naiwan kami rito... hinarap ako ni Senyorito Raphael at halos mapalunok ako sa hiya, ang lapit-lapit namin sa isa’t-isa. Marahan at maingat na ipinatong niya ang aking mga kamay sa magkabila niyang balikat habang ang mga kamay niya naman ay inilagay niya sa ‘king beywang.
Nagsayaw kami nang mabagal saka nito inilapit ang mukha sa ‘king tainga, halos hindi ako nakahinga sa distansya naming dalawa ngayon. “May tinatakasan ka, ganoon din ako. So I guess, it’s just right that we dance with each other until the night’s over?”