Nang matapos ang pag-uusap na iyon nina Zeus at Sir Apollo ay agad din nagpaalam si Zeus na umalis. Dahil na rin kailangan niya bumalik sa presinto para mag-follow up sa isasampa niyang kaso laban kay Harold. Pagkatapos pa nito ay may client pa siya na kikitain dahil na rin sa patuloy ang isinasagawa niya na pagre-renewal ng mga kontrata sa kanila. Dahil doon ay sandali na nagpaalam muna ako kay Sir Apollo para samahan at maihatid sa baba si Zeus. Sa ganoon din ay makapag-usap kami na dalawa. Masyado kasi naging maikli ang pag-uusap namin kanina. At nakakahiya naman kung sa harapan pa kami mismo ni Sir Apollo na mag-uusap. "Savannah, hindi mo naman kailangan pa ako na ihatid sa baba," seryosong sambit ni Zeus, "Dumito ka na lang." Mabilis na iniling ko ang aking ulo. "Hindi Zeus. Gusto

