Umulan, bumagyo
Masaya na ako para sa iyo
Kahit siya ang mahal mo
At hindi ako
Mainit, mahangin
Parati kong hihilingin
Na di' ka niya lolokohin
Kahit na di' mo ako kayang ibigin
Masaya, malungkot
Mundo ko'y sa iyo lang iikot
Mainis ka man at magalit
Pangako hindi kita ipagpapalit
Perwisyo, biyaya
Kahit ako ang kawawa
Hindi sayo magsasawa
Kahit di' ka makaramdam ng awa
Mahal kita, mahal mo siya
Dahil pinagpalit mo ako sa iba
Di' siya ang nauna
Pero mas masaya ka na sa piling niya
Anong mayroon sa kanya?
Na hindi mo sa akin nakita nang tayo pa!
Siya na ba talaga?
At ako'y iiwan mo na?