Simoné
5 taon na ang nakalipas.
Suot ang isang silver white na maskara, bumaba ako sa spiral na hagdan at sinalubong ang mga bisitang dumalo sa Masquerade theme party na inorganisa ng isang sikat na international events coordinator.
All eyes on me ang lahat habang naglakad ako sa gitna ng red carpet at kita sa reaksyon ng nakararami ang matinding paghanga
nang dumaan ako sa kanilang harapan. Binati ako ng iba habang ang iba naman ay nakangiti lang. Naglakad ako nang may kumpiyansa, kapangyarihan at pagiging sopistikado hanggang sa marating ko ang gitnang entablado na may hawak na martini glass sa aking kamay.
"Magandang gabi, binibini at mga ginoo." Nagsalita ako sa pamamagitan ng mic.
"Good evening, miss Bernasconi." halos sabay na sagot ng lahat.
"I would like to thank every one of you for coming here tonight. It's been a while, 'di ba? Finally, after 10 long years, I'm back in my home country, Philippines." Ngumiti ako ng matamis sa karamihan at nagpatuloy sa pagsasalita. "At bilang tagapagmana ng Bernasconi Group of Companies, ikinagagalak kong ipahayag sa inyong lahat bilang inyong bagong Chief Executive Officer at Presidente ng Bernasconi Group.
Ako will continue the legacy that my parents had started and I'm looking forward to working with anyone in the industry. Enjoy the evening everyone, cheers." inangat ko ang hawak na martini glass sa ere at saka yun ininom. Maya-maya ay bumaba ako para makipag interact sa mga bisita na karaniwan ay nasa business industry.
The whole function hall was crowded, may mga politicians, socialites at iba pang miyembro ng alta-siyudad. Bawat isa ay nag-hahangad na makausap ako at masaya naman akong nakipag kwentohan sa mga ito.
"I'm so glad to know that your parents let you take over the family business, Simoné. Panahon na para mag-retire sila Mr. and Mrs. Bernasconi, they're not getting any younger you know." sabi ni Mr. Tan, may-ari ng nangungunang fast-food restaurant sa bansa.
"I know. Isa yan sa mga rason kung bakit kinailangang kong umuwi. Mom and Dad are already at their retiring age, and they want to travel all over the world. Magagawa lang nila yun kung may papalit na sa kanila, and that's me."
Mr. Tan smiled, suot parin nito ang masquerade sa mata. "Aren't you a Graduate Studies professor during your stay in the states?"
Ngumiti ako sa kanya. "Oo, ako nga. Pareho kong pinangangasiwaan ang Real Estate Management at Statistics Management sa Harvard College."
"Wow, that's impressive. Are you still going to continue? Kayo din ang may-ari ng Bernasconi University diba?"
Nagkibit balikat ako. "I don't know, Mr. Tan. Pag-iisipan ko pa yan since malaking resposibility ang haharapin ko sa kompanya namin. I'll see to it kung makakaya ko."
Tumango ito at ngumiti.
"Will"
Nanlamig ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang dalawang pamilyar na boses na tumatawag sa aking palayaw. Iilan lang sa mundo ang tumatawag sa akin ng ganyan.
Paglingon ko sa bandang kanan, umuwang labi ko nang makita ang dalawa sa mga closest friends ko dito sa pilipinas.
"Oh my god, Helaena, Ivanka!" inalis ko ang suot na maskara sa aking mata at patili silang sinalubong ng mahigpit na yakap. "Gosh, I miss you guys! Kumusta na?"
"We're doing great. Ikaw, kumusta ka na?" tanong ni Helaena. She looked gorgeous as always.
"Same, I'm doing great. Natanggap nyo pala ang padalang emails ko last week, I can't believe you guys made it."
Ivanka laughed. "We're actually late you know. Pinipilit kasi namin sila Theia at Maui na sumama kaso ayaw nila. I guess, someone is still stuck in the past."
I annoyingly rolled my eyes. "I honestly don't want to see their faces dahil baka masira lang yung mood ko kapag nakita ko ang dalawang yun."
Napailing si Helaena. "Well, ang importante nandito ka na ulit. Are you staying here for good now?"
"Yup. I'm already taking over our company. Ako na ang mag-mamanage simula this week."
Ivanka clapped her hands. "That's a good news. Magkakasama na ulit tayo tulad ng dati. We miss you having around, Si."
Ngumiti ako sa kanilang dalawa. "And I miss you guys too. Marami tayong hahabol na gagawin."
Helaena hugged me again. Ganon din si Ivanka. Pumuwesto na kami sa mesa at doon nagpatuloy sa aming chika. We talked a lot of random topics about business, career, love life ect. Nag-paalam lang ako saglit para kumuha ng maiinom. Ibinalik ko ang suot na maskara sa aking mata at pagkatapos lumapit sa wine area para mag-pa mix ng Espresso Martini Cocktail sa bartender.
After getting my request, I accidentally bumped into someone dahilan para matapon sa damit nito yung drink na dala ko.
"Oh s**t, I'm so sorry." hingning paunmanhin ko sa waitress na siyang nataponan ko ng drink.
"Okay lang po, ma'am, walang problema."
Napa-angat ako ng tingin. She's so tall. Naka-suot din siya ng maskara tulad ng ibang mga waiter at waitress na nagseserve sa party.
Agad akong naakit dahil ang mga matatangkad na tao ang eksaktong uri ng mga tao ko.