Tumayo ako at kahit masakit ang hiyas at balakang ko ay binaliwala ko. Galit ako at baka kung ano na naman ang masabi lalo na at tungkol na naman ito sa lintik na agreement na kasal ang usapan. "Let me go, I don't want to stay here!" matigas na utos ko pero kinakabahan ako dahil nag-iba na naman ang expression ng mukha niya. Namumula at mukhang nagpipigil sa galit na 'wag gumawa ng kahit ano dahil malinaw na nakikita ko kung paano nagngangalit pati bagang niya. "Don't ever say that again, Camilla!" mariin na sabi nito. Napalunok ako para pigilan ang takot at malakas na kalabog sa dibdib ko. Para kasi siyang kakain ng buhay na tao dahil naging mabalasik ang mga mata pati na rin ang ekspresyon ng mukha niya. "I'm telling you the truth, I don't want to marry you." Bahagya akong tumigil a

