CHARLENE ISANG MALALIM na buntong hininga ang ginawa niya matapos siya magligpit ng mga libro sa library. Mukhang madali tignan pero sobrang hirap at nakakapagod. Kailangan niya kasi iayos ang mga libro batay sa numero at paksa ng libro. Ito kasi ang naging kaparusahan niya dahil sa maling pag aakusa ni Maureen sa kaniya na ninakaw niya raw ang mamahaling cellphone nito. Umingos siya. Kalokohan. Kahit kailan hindi siya nanguha ng gamit ng hindi sa kaniya. Hindi niya lang alam kung paano napunta ang cellphone ni Maureen sa loob ng bag niya. Ngunit malakas ang kutob niya pakana lang iyon ng babaeng intrimitida na iyon na walang magawa sa buhay. Pailing-iling na lamang siya. Aminado siya, nakaramdam siya nang kaba na baka masuspinde siya sa University. Ayaw na niya dagdagan ang problema n

