Serena's petite body was pressed against the door. Nakatakip sa kanyang bibig ang malapad na palad ni Red. Tiim ang bagang nito at ang mga mata ay nanlaki habang nakatitig sa kanya.
Napakurap lang siya habang sinasalubong ang paningin ni Red. Ang kaninang inis ay biglang naglaho. Parang gusto niyang tumawa ng malakas.
Namula kasi ang mukha nito na umabot sa magkabila nitong tenga. He is indeed, Pula. Sobrang na frustrate niya ito. Dumiin talaga ang katawan niya sa pinto.
It felt so good being this close to him. Ramdam na ramdam niya ang init mula sa katawan nito maging ang dibdib nito na nakalapat sa dibdib niya ay nararamdaman niya ang malakas na pagpintig.
“Youre fvcking insane, Miss de Jesus… wala ka bang delikadesa?”
Akma siyang magsalita ngunit hindi niya magawa. Nakatakip kasi ang palad nito sa bibig niya. Kaya ang ginawa niya ay tumango at umiling siya.
“Sira ulo ka nga. I am so stupid for hiring you.”
Tumango siyang muli.
“What the—” napabuga ito ng hangin. Saglit na yumuko at huminga ng malalim saka muling inangat ang paningin at tumitig muli sa kanya. “Leave the company… Miss de Jesus, huwag mo ubusin ang pasensya ko…”
Seryoso talaga ito na paalisin siya. Hindi. Hindi siya papayag. Ito lang ang tanging paraan na mapalapit siya rito. Ito lang ang tanging paraan upang makasama niya itong muli.
Hindi siya aalis magkamatayan man.
Umangat ang mga kamay niya. Marahas na inalis niya ang palad ni Red na nakatakip sa kanyang bibig at saka itinulak ito palayo sa kanya.
“Ayoko!” She shouted. “Kailangan ko ang trabaho na ‘to. Hindi ako aalis.”
“And who the hell do you think you are to decide? Pag-aari ko ang kumpanya na ito at patalsikin ko ang gusto kong—”
“Who am i? Ako lang naman ang babaeng nakakaalam na may tattoo ka dyan sa—”
Mabilis pa sa kidlat na muli siya nitong hinila at naisandal sa pader saka muling tinakpan ang kanyang bibig. Sa pagkabigla ay napahawak ang kanyang mga kamay sa magkabilang tagiliran nito. Mariin na kumapit ang mga kamay sa damit nito.
“Pwede bang tumahimik ka…” mahina ngunit may diin. “I am a fvcking married man. What happened between us was all your fvcking fault. Because of you, I committed sin in my marriage. Because of you my mind is in chaos right now. So either you like it or not. You must leave this company.”
Those words were like a dagger that piercingly stung into her chest. Ano pa ang inaasahan niya? He is Red William. Ang Red William na sobrang mahal niya. Ang Red William na sobrang mapagmahal na anak, tapat na asawa, at higit sa lahat mahal na mahal ang dating siya. Siya bilang Serenity.
Her sudden appearance in his life as a stranger was a threat to him and to the people dear to his heart. Pinoprotektahan nito hindi ang sarili kundi ang pamilya nito. Ayw nitong masaktan ang mga taong mahalaga rito.
Masakit man tanggapin. Ngunit kabilang sa mga taong iyon ang ngayon ay asawa nito na si Kristal. But the hell she cares. She is Serenity. Baliktarin man ang mundo, siya pa rin ang tunay na asawa.
Kung pwede sana na lumantad na ngayon. Kung sana ganun kadali na sabihin dito ang totoo. Ang totoo na buhay si Serenity at narito ito ngayon sa harapan nito. Ngunit hindi ganun kadali iyon.
May mga bagay na dapat isaalang-alang. Bagay na dapat muna niyang tapusin bago ilantad ang totoong siya. Uminit ang magkabilang sulok ng mga mata niya. Ang mga luha ay nagbabadyang bumagsak.
Ngunit bago pa man bumagsak ang mga luha ay agad na iwinaksi niya ang kamay ni Red at muli itong tinulak. Napaatras si Red ng ilang hakbang. Ngunit ang paningin nito ay nanatili sa mukha niya.
Hindi siya umiwas ng tingin. She looked back at him straight in the eye.
“Bakit, huh? Sinisi ba kita? Sinabi ko bang panagutan mo ako? Hindi naman diba?
Ang kaninang frustrasyon ay biglang napalitan pagkabigla. Red looks stunned. Napaawang ang labi nitong nakatitig sa kanya. She took the chance to talk while Red was stunned.
“I did not complain, I did not blame you because I like it, Red. And if I were given a chance to do it again, I would definitely do it!” Tumaas ang tinig niya maging ang kamay ay tumaas at winasiwas niya sa ere.
“You're crazy!”
“I am. Being crazy is sometimes what makes life interesting. Kaya huwag mo akong tinatakot na patalsikin. Wala pa sa kalingkingan ng pagiging baliw ko ang nakikita mo.”
Naghalong pagkamangha at inis ang gumuhit sa mukha ni Red. Ngunit mas nangibabaw ang matinding inis nito. Katunayan para siya nitong gustong sakalin. Kumuyom ang mga kamao nito at dumilim ang anyo. Sinuyod niya kasi ng tingin ang kabuuan nito habang sinasabi ang mga bagay na gustong sabihin.
Ngunit ang totoo. Nasasaktan talaga siya. Gusto niyang umiyak. Ngunit hindi pwedeng maging mahina. Narito na siya. Nasimulan na niya. Kaya wala ng lugar ang kahinaan. Ang mga salitang lumabas sa bibig niya ay bunga ng kanyang matinding inis at sakit sa dibdib.
Matalim na inirapan niya ito. Sobrang nasasaktan na kasi siya. Ngunit wala siyang magawa kundi ikubli iyon at umaktong matapang sa harapan nito at sikapin na ipakita rito na wala lang ang lahat.
Tinungo niya ang mesa. Kinuha ang ilabg dokumento at notepad saka muling binalingan si Red na magpahanggang ngayon ay hindi makahuma at nanatili lamang na nakatitig sa kanya.
“You are supposed to be having a lunch meeting with the land owner of the new lab in Venezuela, pero since tinanghali ka i moved the meeting to 2:30.” Sa halip na magpatinag ay ginampanan niya ang trabaho niya bilang sekretarya nito.
“You're such a—”
“A crazy woman?Yun ba ulit ang gusto mong sabihin? Baliw na kung baliw. Huwag mo akong takutin na patalsikin dahil kapag ginawa mo iyon, makikita mo kung gaano ako kabaliw. Ipagkakalat ko ang sikreto mo na may tattoo ka dyan sa tarugo mo, at kung gaano ka kagaling sa kama—”
“Stop!”
Umalingawngaw ang malakas na tinig ni Red sa buong silid. Namula ang buong mukha nito. Lumitaw ang litid sa leeg. Now, this is not just frustration. He is mad.
Ngunit hindi siya nakaramdam ng takot kahit na katiting. In the past. Hindi mabilang kung ilang beses silang nagtatalo. Pagtatalo na mas malala pa kesa sa ngayon.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Humakbang siya palapit rito sabay angat ng kanan na kamay at haplos ito sa kanan na pisngi.
“Alam mo ba na mas lalo kang gumagwapo sa tuwing nagagalit ka, Pula…” umangat ang isa pang kamay at kapwa dumapo ang mga palad sa magkabila nitong balikat saka marahan na humaplos pababa sa braso nito. Nakatingala siya rito habang nanatili na nakapagkit sa labi ang ngiti.
Panandalian na hindi makahuma si Red. He just stared back at her. Ngunit panandalian lang iyon. Bigla ay hinawakan nito ang kanyang magkabilang pulso saka tiim bagang na inilayo nito ng bahagya ang katawan sa kanya.
“Stop it! Gusto mong manatili sa trabaho mo diba? Then set your fvcking self boundaries and be professional. Kapag naulit pang muli ang nangyari—”
Hindi nagawang ituloy ang gustong sabihin. Sa halip ay muli itong napalunok ng mariin.
Nanatili ang ngiti sa kanyang mga labi. Ikinurap-kurap niya ang mga mata.
“Ang alin pula? Ang nangyari ba nakaraang gabi o ang tungkol sa—” kagat labi na bumaba ang tingin niya sa gitnang hita nito at mapungay ang mga mata na muling binalik ang tingin sa mukha nito. “Dyan sa ta—”
“Shut the fvck up! Miss de Jesus! Gampanan mo ang trabaho mo. Stop flirting—”
“Paano kung gusto ko. Paano kung gusto kung maulit iyon?”
“Damn it, Miss de Jesus! Damn it!”
Marahas na binitawan nito ang mga pulso niya. Napatalikod ito sa kanya at sapo ang noo kasabay ng malutong na mura at marahas na pagbuga ng hangin. Muli itong humarap sa kanya na nakapamewang ang isang kamay habang ang isang palad ay nakaangat sa ere habang nakaturo sa kanya.
“I am giving you another chance. One last chance to stay in this company. The moment you flirt with me again you leave me no choice but to fire you!”
“And if you fire me, you will leave me no choice but to tell the people how good you are in bed and na may tattoo ka dyan sa ano mo.” Taas kilay niyang wika sabay turo sa gitnang hita nito.
“Hindi ka ba talaga titigil?!”
“Magtrabaho na tayo. Naghihintay na sayo sa Serene cafè ang land-owner. Huwag mo na pag hintayin. Alam mo naman gaano kahalaga sa kompanya ang bagong project na ‘to.”
Hinaplos niya sa mukha si Red, bago ito tuluyan na tinalikuran.
******
Red felt exasperation. He felt so damn annoyed that he wanted to strangle Serena. Ngunit kung gaano kalaki ang inis niya sa babae ay katumbas din iyon ng inis niya sa sarili.
Nahawakan siya nito sa leeg.
Naduwag siyang bigla.
Hindi pwedeng malaman ng asawa niya ang nangyari. Masasaktan si Kristal at higit sa lahat ang kanyang mga magulang. Ngunit higit kanino man. Mas takot siya sa sarili niya.
He felt something strange in him. Isang damdamin ang unti-unting napukaw nito sa pagkatao niya. Damdamin na kay tagal ng nakahimlay. Nakahimlay kasama ng namayapa niyang asawa.
Ngunit ayaw iyon tanggapin ng pagkatao niya. Tila kasi nabubuhay sa pagkatao ni Serena ang namayapang babaeng mahal niya. Sa bawat araw na nasa paligid si Serena ay pinapaalala nito sa kanya si Serenity.
He took a deep sigh. Napahilot siya sa batok. The nerve of that woman. Pinapataas nito ang adrenaline sa kanyang katawan. Ngunit panandalian na natigil siya ng maalala ang land-owner na naghihintay sa kanya sa Serene Cafè.
Agad na umalis siya upang tumungo sa Serene Cafè. Serena is indeed right. Mahalaga para sa kompanya ang bagong project na ito, lalo na ngayon na mas lalong lumago ang William pharma at nag-expand na ito sa ibang panig na bansa.
Pagdating ni Red sa Serene Cafè ay naroon na nga ang land-owner.
“Mr. William, here are the documents you needed.”
Serena is all smiles while talking to him. Na tila ba walang nangyari sa kanila nakaraan na gabi at pagtatalo kanina lang. How this woman has all the confidence to face him. Ang lakas lang ng loob.
He felt amused and irritated at the same time. Irritable siya dahil gulong-gulo na ang isip niya, ang buo niyang pagkatao. Samantalang ito ay parang balewala lang ang lahat.
Walang salita na tinanggap niya mula rito ang mga dukomento at humakbang ng walang lingon likod.
“Serene…”
Tinig lalaki. Baritono ang boses. He stopped walking and looked back. Isang matangkad na lalaki ang lumapit kay Serena. Bumukas ang mga bisig nito at malapad ang pagkangiti.
He then turned his gaze to Serena. Nakita niya itong patakbo na lumapit sa lalaki at walang pagdalawang isip na sinalubong nito ng yakap ang lalaki.
Napalunok siya ng mariin. Seeing Serena hugging the man made his heart feel a pinch of pain; he didn't even know why.
This is ridiculous!
It's crap!