Another sweet dream. Kung pwede lamang na hindi nq magising at manatiling tulog upang laging makasama ang babaeng mahal niya.
Red groaned, hinila niya ang kanan na braso na nakaramdam ng pamamanhid. It felts heavy. Marahan na iminulat niya ang mga talukap. Sumalubong sa kanyang paningin ang madilim na paligid.
Ilang beses na ikinurap niya ang namimigat na mga mata. Ini-adjust niya ang paningin sa madilim na kapaligiran. Where is he? Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa ng makita ang liwanag na tumatagos sa siwang ng pinto.
Mapait siyang napangiti.
Oh, pathetic!
Nasa batangas na naman siya.
Nasa lugar siya kung saan naroon ang mga magandang alaala nila ng yumao niyang asawa. This is his life since seven years ago. Simula ng mawala ang una niyang asawa.
How pathetic he is.
How cruel fate for him.
Akma niyang hilahin ang kamay ng maramdaman na may nakapatong sa dibdib niya. Maging ang kanyang binti ay may nakadantay. Panandalian na hindi siya makagalaw.
What the heck is happening?
Nagra-rattle na ang puso niya sa malakas at mabilis na pagtibok. Tumatama kasi ang mainit na hininga sa kanyang leeg. Is he with someone?
Nasa kubo siya.
Walang ibang nakakaalam sa lugar na ito maliban sa kanya at yumaong asawa niya. Kaya paanong may taong nasa tabi niya ngayon? When he come here, he is pretty sure na nag-iisa lamang siya.
Buo ang isip niya ng magtungo rito sa kubo.
Napalunok siya ng mariin kasabay ng panunuot ng pamilyar na mabangong amoy sa kailaliman ng kanyang pang-amoy. Ang amoy ng taong katabi, ang init ng katawan nito at paraan ng pagyakap nito sa kanya ay sobrang pamilyar sa kanya. Maging ang malusog na dibdib nito ay nararamdaman niya sa kanyang dibdib.
‘Serenity!’
Nanaginip pa rin ba siya?
Impossible.
Ikinurap niyang muli ang mga mata. Umangat ang kamay at kinurot ang sariling pisngi. No. He is not dreaming. Gising na gising siya. Marahan na kinapa niya ang sarili. He was fully naked. Horror. He felt so horrified, that he suddenly get up.
Tinabig niyang bigla ang taong katabi at marahas na tumayo. Ang dibdib niya ay marahas na tumaas-baba sabay hakbang ng ilang hakbang mula rito paatras.
Tumama pa ang kanyang likod sa dingding.
“Who the hell are you?!”
Umalingawngaw ang kanyang boses sa loob ng kubo. Tanging liwanag lamang mula sa buwan ang silbing liwanag sa loob ng kubo na tumatagos lamang sa siwang ng dingding at siwang ng pinto.
Hindi iyon sapat upang maaninag ang mukha ng babae. He felt so horrified. Horrified knowing that he commit infidelity in his marraige. Alam niyang hindi si Kristal ang kasama niya ngayon.
“I am asking you! Are you fvcking dea—”
“R-Red…”
Pabulong. Ngunit sapat na ang pabulong na tinig na iyon upang makompirma ang hinala. The voice was like caressing his heart. Humahaplos sa puso niya na tila isang mainit na kamay.
Mas lalong domoble ang takot niya.
Kasing tinig ng yumaong asawa niya ang babae. Ngunit hindi ang yumao at mahal na asawa niya ang babaeng ito. This woman. This woman is no other than—
Tumiim ang mga bagang niya. Lumukob ang galit sa pagkatao niya. Ano ang ginagawa nito dito sa kubo. Bakit ito narito. This place was sacred. Sacred because of all the memories he and his late wife instored in this place. Mga alaala na inaalagaan niya.
Out of anger. He grabbed her by her arms. Walang pagdalawang isip na kinaladkad niya ang babae palabas ng kubo.
“R-Red… sandali…”
Her voice was shaking. Ngunit wala siyang pakialam. Ang mahalaga lamang sa kanya sa mga sandaling ito ay ang lumabas ito sa kubo.
He tainted his late wife's memories.
Minantsahan at dinungisan niya ang lugar kung saan naroon ang masayang alaala nilang dalawa ni Serenity. Anger, frustration, and too much pity for himself are the mixed emotions that are stirring up his being at the moment.
“R-Red…”
“What the hell do you think you are doing, huh? Anong ginagawa mo rito?!”
He was shouting in the middle of the woods and night. Hindi alintana ang malamig na hampas ng hangin sa hatinggabi. Ang matayog na mga puno ng kahoy at mayabong na mga dahon ay marahan na sumasayaw sa ihip ng hangin.
Maliwanag maging ang liwanag na nagmumula sa kabilugan ng buwan. Ang kanyang tinig ay nangibabaw sa gitna ng kakahuyan. Nangibabaw sa tinig ng mga kulisap sa hating gabi.
“I’m— I’m sorry…”
Nanginginig ang tinig ni Serena. He might scare her. Ngunit wala siyang pakialam. This woman made him a bad husband and even tainted his late wife's memory. Pinagsamantalahan nito ang pagkakataon na lango siya sa alak. Pinagsamantalahan nito ang kahinaan niya.
All he felt at the moment was anger and too much frustration toward himself and this woman in front her. Hinayaan niya ang sarili na magpatangay sa matinding pangulila at hinayaan ang sarili na maghari ang epekto ng alak sa kanyang katinuan.
“Bakit ka narito huh? Anong ginagawa mo rito?! Why did you do this to me?” Sunod-sunod na tanong niya.
“S-Sinundan kita m-mula sa opisina kanina.” Serena was stammering. Hindi man niya masyado na nababanaag ang mukha nito ngunit alam niyang natatakot ito ngayon at basi sa garalgal nitong tinig, alam niyang umiiyak ito.
But why the heck he should care? Umiiyak ito ngayon dahil sa kagagawan nito. Walang matinong babae ang susunod sa lalaki sa ganito kalayong lugar at ibigay ang sarili sa lalaking hindi nito kilala.
Did she follow him here just to get laid? What the fvck is wrong with this woman? Hindi normal na gawain ng isang edukada na babae ang ginawa nito.
“Sinundan mo ako. Bakit huh? As I recall, I told you to go home earlier. Pero heto ka. Sinundan mo ako rito. Para ano ha? For you to get laid by me? Ganun ka na ba ka-desperada?”
Hinawi ng hangin ang ulap na nakaharang sa sinag ng buwan at ang liwanag ay direkta na tumama sa kabuuan ni Serena. Red was stunned for a moment. Napalunok siya ng mariin. Serena was fully naked standing in front of him and so he is.
Ang buhok nito ay sabog at marahan na tinatangay ng panggabing hangin ang ilang hibla. Ang mukha ay kumikinang sa luha. Ang mukha ay nakaangat at ang paningin ay direkta na nakatitig sa kanya.
What a beautiful sight to behold in the middle of the night. She was like a goddess in Greek mythology. Kumikinang ang kupitian nito na natatamaan ng liwanag na nagmumula sa buwan. Perpekto ang kurba.
Gad, no.
What the hell is he thinking right now?
“Oo. Desperada na ako. Desperada na ako na makasama ka…”
“Anong pinagsasabi mo?! Did you enter the company for this? For you to seduce me?” His voice was thunderous.
They were both naked standing in front of each other. In the middle of this night and fvcking wood. Frustrate na frustrate ang pakiramdam niya na tila sasabog sa matinding galit ang dibdib niya.
“Are you fvcking crazy?”
“P-Pula…”
Tila siya biglang natuod sa kanyang kinatatayuan. Walang ibang tao na tumatawag sa kanya sa pangalan na iyon kundi ang mahal niyang namayapang asawa. Tanging si Serenity lamang.
“W-What did you just say?” Utal niyang sambit. His heart pounding even more harder. Halo-halong galit, at matinding pagkagulat at pagkalito ang nararamdaman niya sa mga sandaling ito.
“P-Pula…”
Tears flowed from Serena’s eyes while meeting his gaze. Sa pamamagitan ng maliwanag na likha ng buwan ay kumikislap ang mga luha sa mga mata nito na pumapatak sa magkabilang pisngi.
Tila may kung anong itinurok sa dibdib niya na naglikha ng hindi maipaliwanag na hapdi. Iniling niya ang ulo. Hindi. Hindi siya pwedeng magpadala sa emosyon na sumisibol ngayon sa kaibuturan niya. Napayuko siya. Sunod-sunod ang marahas na paghinga.
He should stand his ground.
He is a married man. Malaki na ang pagkakasala niya sa asawa niya, maging sa alaala ng yumaong babaeng minahal niya. Pilit pinapahari niya sa sarili ang tamang katinuan.
Tiim bagang na inangat niya ang kanyang paningin. Humakbang siya tungo sa kinaroroonan ni Serena. He grabbed her on her arm, kinaladkad niya ito tungo sa kubo. Wala siyang pakialam kong halos matumba ito.
All he wanted at the moment was for this woman to be gone from his sight. Simula ng dumating ito bigla sa buhay niya ay nagsimula na ang kaguluhan sa kalooban niya.
Pagdating sa sa tapat ng kubo ay binitawan niya ito. Umakyat siya at hinagilap isa-isa ang damit nito saka muling lumabas. Pagdating sa labas ay tinapon niya sa harapan nito ang mga damit.
“Leave!” Muli ay sigaw niya rito. “Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo. Leave, Miss de Jesus. I am expecting your resignation first thing tomorrow morning!”
“Pula…” Serena again whispered.
Mas lalo naging magulo ang lahat. Ang emosyon sa kalooban niya ay samu’t-sari. Nagtatalo dahilan upang tila sasabog ang dibdib niya.
“Stop calling me, Pula. You don’t have the right to call me with that name. Get the hell out of my sight, and don’t ever show up ever again!”
Serena wiped her tears. Gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi nito. Walang salita ang lumabas sa bibig. Sa halip tumitig lang ito sa kanya. Titig na direkta sa kanyang mga mata.
Hindi man aninag ang emosyon sa mga mata nito. Ngunit ramdam niya na tila tumatagos iyon sa buo niyang pagkatao naging sa kanyang kaluluwa.
Muli ay hinawi ng hangin ang mga ulap. Direkta na muling sininagan ng buwan ang kabuuan ni Serena. At that moment, once again, he was stunned. Umulap ang kapaligiran, ang mukha nito ay biglang umiba. Her real face slowly shifted again.
Shifted into Serenity’s face.
“I am not leaving you, Red. Not again. Not in this lifetime, Pula…”
Pinulot nito isa-isa ang mga damit nito sa lupa at pagkatapos ay marahan na tumalikod ito sa kanya. Hindi man lang nag-abala na suotin ang mga damit at sa halip ay marahan na humakbang papalayo mula sa kanya.
Naiwan siyang napatanga habang nakatitig dito. Nawala na ito sa paningin niya ngunit nanatili pa rin siya sa kanyang kinatatayuan. Kung hindi umingay ang kwago sa hating gabi ay hindi pa siya bumalik sa kanyang huwisyo.
His heartbeat is uneasy. He felt breathless. Agad pumasok siya sa loob ng kubo at doon ay inilabas ang lahat ng bigat sa dibdib.
****
Natigil sa paghakbang si Serena at napalingon sa kubo. Madilim na sa bahaging iyon ng kakahuyan. Ngunit dinig na dinig niya ang malakas na sigaw ni Red.
Naipikit niya ang mga mata kasabay ng pagpatak ng mga luha. Masakit. Sobrang sakit. She already expected this. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang matinding sakit na dulot nito sa kanya.
Red was a kind man. Ito ang klase ng lalaki na tapat at mapagmahal. Si Red ang lalaki na hinahanap ng mga kababaihan. Narito na kasi ang lahat ng katangian ng isang lalaki.
Mula sa ugali hanggang sa pisikal na aspeto. Hakot na nito ang lahat ng magandang katangian ng isang lalaki. Red love her so much, na kahit na sabihin na wala na siya sa mundong ito ay mahal pa rin siya nito. Pagmamahal na higit pa sa lahat. Higit pa sa asawa nitong si Kristal.
Ngunit wala na si Serenity. Siya ngayon si Serena. Ganito pala ka hirap maging karibal ang sarili. Hindi lang ang sarili ang karibal niya, kundi maging ang kasalukuyan nitong asawa.
Pero hindi.
Kahit mahirap ay kakayanin. Ngayon pa ba siya susuko? Gayong naisakatuparan na niya ang unang plano.
‘Babawiin kita pula. Babawiin kita!’