Gulong-gulo ang isip ni Red, ang kanyang paningin ay natuon sa daan habang mabilis na nagmamaneho pabalik sa sariling tahanan. Naglalaro si isip niya ang mukha ng asawa na si Kristal.
How could he face her now? Ngayon na nagkasala na siya sa kanilang kasal. Matinding konsensya ang namayani sa dibdib niya.
Hindi niya alam kung bakit humantong siya sa ganito. Gad knows he did his very best to be a good husband, and to be a good human being. Ngunit sa isang gabi ay bigla nagbago ang lahat. Nagkasala siya.
Humigpit ang pagkahawak niya ng manibela at tumiim ang mga bagang. Bigla ay lumitaw sa isip Serena. Namayani sa dibdib ang matinding galit. Ngunit panandalian lang.
“Pula…”
The word ‘Pula’ suddenly echoed in his head. Her voice. Serena’s voice is really the same as Serenity's. Who the hell is that woman? How could she stir up his emotions in just a short period? Maging ang paningin niya ay pinagkakanulo siya.
Nakikita niya rito bigla-bigla ang mukha ng babaeng pinakamamahal niya. He felt like he was always under a spell every time she called his name.
Napahampas siya sa kanyang manibela at hindi napigilan ang sarili na mapasigaw. Napadiin maging ang pag-apak ng kanyang paa sa accelerator ng kanyang sasakyan. Bumilis ang pagpapatakbo niya. Sobrang bilis na ang tunog ng makina ay nangangalit sa kahabaan ng highway.
— — —
Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng dumating siya sa kanilang tahanan na mag-asawa. Hindi siya lumabas ng sasakyan. Nanatili siya sa loob. Hindi niya alam paano harapin ang asawa niya.
Ilang minuto pa ang lumipas bago niya napagpasyahan na lumabas. Inipon pa talaga niya ang lahat ng lakas upang ihakbang ang paa palabas ng sasakyan.
Mahina ang mga hakbang niya na pumasok sa loob ng kabahayan at tuloy-tuloy na umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroon ang silid nilang mag-asawa. Pikit ang mga mata at malalim na huminga bago niya pinihit pabukas ang pinto.
Kasabay ng pagbukas ng pinto ng silid ay ang pagbukas ng kanyang mga mata. There she is. Ang asawa niya. Mahimbing itong natutulog habang yakap ang kanyang unan.
Parang pinukpok ang dibdib niya sa matinding konsensya. Nag-iisa sa ibabaw ng malapad na kama ang asawa niya habang siya ay nasa kandungan ng iba.
It pained him.
Hindi na nga niya maibigay dito ng buo ang pagkatao niya nagloko pa siya. Ang isipin na iyon ay sobrang bigat sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay napakasama niyang indibidwal.
Marahan na humakbang siya at tinungo ang banyo. Pagdating sa loob ng banyo ay agad na hinubad ang lahat ng saplot sa katawan at saka binabad ang sarili sa maligamgam na rumaragasang tubig ng shower.
Itinukod niya ang mga kamay sa pader at ipinikit ang mga mata saka hinayaan na bumagsak ang rumaragasang tubig sa kanyang likuran.
The moment he closed his eyes. Ang mukha ni Serenity ang lumitaw sa isip niya. Si Serenity na hubo’t-hubad sa gitna ng matayog na mga puno.
Nag-aagaw sa kanyang isip ang imahe ni Serena at Serenity. Frustration again stirred up within him. Umangat ang mga kamay at kumuyom saka marahas na tumama ang kamao sa pader.
He is insane.
Hindi na normal ang isip niya. Ang buong pagkatao niya.
Ilang minuto na binabad niya ang sarili sa loob ng banyo. Pilit na kinalma niya ang isip. Nang matapos magbihis ay agad na lumabas siya ng wardrobe. Wala na ang asawa niya sa silid.
Mula sa silid ay naririnig niya ang mga kaluskos sa kusina. Nasa kusina na ito at tulad ng lagi nitong ginagawa, abala na naman ito sa paghahanda ng agahan para sa kanya.
How could he face her after what he did? He commit infidelity. Sabihin man na hindi niya sinasadya ang nangyari ngunit hindi pa rin mababago ang katotohanan na nagkasala siya.
Naglalakad siya ng paroot-parito sa loob ng silid. Panay ang suot ng mahabang mga daliri sa kanyang mayabong na buhok. Naroon na napapatingala sa kisame at hilamos ang palad sa mukha.
Gad, his whole being was consumed by conscience. It’s tough for him to bear it. Ang bigat sa dibdib. Doble-doble na ang kasalanan niya sa asawa niya.
Tuluyan na nilamon ng liwanag ang dilim ng bumaba siya. Mariin na napalunok siya bago tuluyan na pumasok sa loob ng komedor. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya ng makita ang asawa niya.
Nakasuot pa rin ito ng apron. Inaayos nito ang mga niluto na pagkain sa ibabaw ng mesa. Kahit na nakasuot ito ng apron ay nangibabaw pa rin ang kagandahan na taglay ng katawan ng asawa niya.
Kristal is beautiful in her own way. Maganda, at matalino. Higit sa lahat mapag-aruga na klaseng may bahay. Pero heto siya—
“Sweetheart!”
Napakurap siya.
“Kristal…” sa halip na tawagin ito sa indearment ay ang pangalan nito ang nanulas sa kanyang labi.
“May problema ba, Red?”
Humakbang tungo sa kanya ang asawa niya habang ang pag-alala ay nakaukit sa maganda nitong mukha.
“Red—”
Hindi na niya ito hinintay na makalapit sa kanya. Agad na tinawid niya ang kanilang pagitan at agad niyapos niya ito ng mahigpit. He felt so cruel. Hindi deserve ni Kristal ang lokohin. Hindi deserve ni Kristal ang isang katulad niya.
Napakabuti nitong babae. Wala itong ibang ginawa kundi ang pagsilbihan siya. Naninikip ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay napakasama niyang tao.
“Red…sweetheart, hindi ako makahinga…” mahina na bulong ni Kristal na sinabayan ng mahinang tawa ang sinabi.
Agad na binitawan niya ito. Umangat ang mga kamay niya at marahan na dumapo sa magkabila nitong pisngi saka hinalikan ito sa noo. “I am sorry, Kristal. I'm sorry…” mahina niyang sambit.
“Sweetheart, may problema ba?” Malumanay na tanong nito sa kanya. Nakatingala ito sa kanya habang hinahaplos ng mainit na mga palad ang kanyang magkabilang braso.
Napakurap siya at akma na umiwas ng tingin. Ngunit mabilis na marahan na dumapo ang mga palad ni Kristal sa magkabila niyang pisngi at pinigilan ang akma niyang pag-iwas.
Tinitigan siya ni Kristal sa mga mata. Oh, he is so fvcked up! Ano ang gagawin niya ngayon. Should he just tell her the truth? Kristal was a kind woman. Deserve nito ang sumaya. Deserve nito ang buong pagmamahal.
Pagmamahal na hindi niya kayang ibigay ng buo. He is tied to the past. Nakatali ang puso niya sa iisang babae. Nakatali na kay Serenity, na kahit anong gawin niya ay hindi na iyon mababaklas pa.
He loves his late wife so much. Na kahit wala na ito sa mundong ibabaw ay hindi niya pa rin ito kayang kalimutan. Gustuhin man niya ay ayaw bumitaw ng puso niya.
Hindi deserve ni Kristal ang manatili sa tabi niya. It’s so unfair in Kristal's part. Hindi nito mahahanap ang tunay na pagmamahal o ang lalaking magmamahal dito ng totoo kung manatili ito sa tabi niya.
“Sweetheart….” Kristal again whispered.
Sa pagkakataon na ito ay nasa magkabila niyang pisngi ang mga palad nito. Marahan at masuyo na humahaplos habang nakatingala na nakatitig sa kanya.
Oh, how could he hurt this kind woman? Paano niya sabihin dito ang mga salitang gustong sabihin? Her eyes were so bright, the moment he told her the truth she surely got hurt. She will be in pain. Sakit na alam niyang matindi ang magiging dulot sa pagkatao nito.
No.
He couldn’t bear hurting her. Not now. He couldn’t find the strength to tell her the truth.
“I am sorry. Inumaga ako sa pag-uwi.” He swallowed hard. Nagsisinungaling siya. He is fvcking pathetic. Nagsimula na siyang nilulunod ang sarili sa kumunoy ng pagkakasala.
Kristal smiled. Tumingkayad ito at hinalikan siya ng mariin sa labi. Napapikit tuloy siya. Gad, hindi niya magawang tumugon. Ngunit wala siyang magawa. He dont want to dissapoint her. He doesn't want to hurt her.
Don't want to hurt her?
What a fvcking crap!
He already fvcking did!
“Ano ka ba? Naintindihan ko. Sige na. Halika ka na at mag-agahan. Sigurado ako na gutom ka.”
Mas lalo siyang kinutkot ng konsensya.
—-
Tanghali na ng dumating siya sa opisina. On the way pa lang ay ini-expect na ni Red ang resignation ni Serena. Ngunit nagkakamali siya.
Pagdating niya sa loob ng opisina ay naroon ito. Nakatalikod ito mula sa kanya. Serena is wearing black mini skirt and white long sleeve polo. Long sleeve polo kung saan ay fit na fit sa katawan nito. Humuhubog sa maganda nitong hubog na katawan.
Her long flawless fair legs are exposed. Bigla ay bumangon ang galit sa dibdib niya. After what happened last night ay nagkaroon pa ito ng lakas ng loob na magpakita sa kanya.
Hindi ba nito narinig ang sinabi niya kagabi? He told her that he was expecting her resignation first thing today. Pero bakit pa ito narito sa loob ng opisina niya.
Namayani ang inis at galit. This woman caused him so much frustration and problems. Ilang araw pa lang ito dumating pero gulong-gulo na ang buhay niya. Mabilis na humakbang siya tungo rito.
“Miss de Jesus!”
Panandalian na natigil siya sa paghakbang ng bigla itong lumingon sa kanya. Bumukas sara ang mga mata.
“Good morning, Sir William!”
Ang gustong sabihin ay hindi niya magawang sambitin. Her voice made his heart beat fast again. Hindi niya maintindihan, ngunit maging ang puso niya ay kilala at pamilyar dito ang tinig na iyon.
“What the hell are you doing here?” May diin niyang wika.
“I am here to do my job—”
“I told you to resign, Miss de—”
“I need this job, kaya hindi ako mag-resign. If you want, fire me.” Naghahamon ang tinig nito.
Napahilamos ang kanan na palad niya sa kanyang mukha. Saan kumukuha ng kakapalan ng mukha itong babaeng ito.
“Fine. I will fire you. Gusto mo na ako mismo ang magpapatalsik sayo. Then I will give you what you want. Now pack your things and leave the office,” aniya sa medyo may kalakasan na tinig sabay turo sa bukas na pinto.
Namula bigla ang mga mata ni Serena. Lumunok pa ito ng mariin. Ngunit itinaas nito ang noo at direkta na tumitig sa kanya. “Ayaw ko! Hindi ako aalis. Kapag pipilitin mo ako na umalis at patalsikin sa kompanya. Ipagsisigawan ko rito sa loob na may tatoo ka sa itlog!”
“W-What—W-What did you just—”
“Kung umasta ka parang hindi mo nagustuhan ang ginawa natin ‘a. Parang hindi ka umungol. Halos isubsob mo pa nga ang mukha ko dyan sa big and long—”
Mabilis na nilapitan niya ito. Hinila sa pinto saka sinara ang pintuan at isinandal ito sa pinto at takip ng palad niya ang bibig nito sabay diin ng katawan sa balingkinitan nitong katawan.
“Tumahimik ka!” Marahas ang kanyang paghinga habang idiniin ang katawan dito.
Oh, he is fvcked up!