KABANATA 18.

2065 Words
Agad na tinawagan ni Red ang numero na nakasulat sa resume ni Serena. Hindi kasi ito makontak sa cellphone nito, ngunit ring lang nang ring ang telepono sa kabilang linya at walang sumasagot. Hindi siya tumigil. Ilang beses na tumawag siya. Ngunit ganun pa rin. Walang sumasagot. Walang pagdalawang isip na nilisan niya ang opisina at tumungo sa address na nakasulat sa resume ng dalaga. As he enters the subdivision, muli ay lumitaw ang mga katanungan sa isip niya. Marangya ang subdivision na kanyang pinasukan. Masasabi na mga tao lamang na may kaya o mayaman ang makaka-afford sa pagtira sa subdivision na ito. ‘Who really are you, Serena? Sino ka ba talaga?’ Nang marating ang address ng dalaga ay hindi siya agad bumaba ng sasakyan. He was sitting inside his car looking at a huge and elegant house through his car window. Nagtatalo ang isip niya sa mga katanungan. Bakit siya narito? Ano itong pinag-gagawa niya? Ngunit kahit anong tanong sa sarili ang kanyang ginawa ay wala siyang makuhang kasagutan. Ang alam lamang niya ay sinunod niya ang utos ng puso puso niya; ang nararamdaman niya. This emotion he has right now was familiar. Isang emosyon na matagal na niyang hindi nararamdaman. Emosyon na tanging sa namayapa niyang asawa lamang naramdaman. The fear he felt is adequate to the fear he once felt when he knew about Serenity’s illness. He was only thirteen years old at the time when he first met Serenity. A nine years old Serenity was very pale, and thin the first time he met her. Umiiyak ito habang nakaupo sa isang bench sa lilim ng mayabong na punong kahoy sa harden mismo ng Heart Medical Center kung saan naging intern ang kanyang ina. Sa mga sandaling iyon ay tila may malakas na enerhiya na humihila sa kanya na lapitan ito. The energy; the connection he felt was so strong. Nilapitan niya ito sabay hablot ng panyo sa loob ng kanyang bulsa at abot rito. “Here wipe your tears.” Umangat ang paningin nito at direkta na tumitig sa kanya. Sa unang pagkakataon na magkaugnay ang kanilang paningin ay bigla ang pagragasa ng pintig ng puso niya. Hindi rin mabilang kung ilang beses na napapalunok siya sa mga sandaling iyon. Kumurap ang maganda nitong mga mata habang nakatitig ito sa kanya, and Gad knows, all he hear at that the moment was the loud pounding sound of his heart. Tila tumigil panandalian ang pag-inog ng mundo niya sa di malaman na dahilan. “N-No,” utal habang panay ang kurap ng maganda nitong mga mata. “N-No English!” umiling ito habang sinasabi ang salitang iyon. He was stunned for a moment. Maganda ang batang Serenity. Maputi, hugis almond ang mga mata at mataas ang mga pilik, matangos ang ilong at hugis puso ang mga labi. “Chinise? Korean—” “Pilipino.” Putol nito sa iba niyang sasabihin. Lumapad ang pagkapuknit ng kanyang mga labi. Pagkamangha. Sobrang pagkamangha ang kanyang nararamdaman. Ang batang puso niya ay nagtatalon sa tuwa. “Talaga? Pilipino ka?” Bulalas niyang tanong. Ni hindi niya maitago ang matinding pagkamangha sa tinig. Hindi agad sumagot si Serenity. Nakatitig lang ito sa kanya. Tulad niya ay nakaguhit sa mukha nito ang pagkamangha. Kumurap ng maraming beses ang maganda nitong mga mata. “O-Oo…” Mahina siyang natawa. Sobra-sobra ang tuwa na nararamdaman niya. “Ako si Red. Red William ang pangalan ko.” pagpapakilala niya sa sarili. Hinawakan niya sa kaliwang kamay ang panyo at lahad ng kanan na kamay. Nakatitig lamang si Serenity sa palad niyang nakalahad. Umangat-baba ang paningin nito sa kamay niya at mukha. She looks so pretty despite her thin body and very pale face. He has this urge inside of him to touch her face. Ngunit pinigilan niya ang sarili. Katunayan ang nararamdaman niya noon sa mga sandaling iyon ay kakatwa. Mabilis ang pintig ng puso niya at ni hindi niya magawang alisin ang paningin sa magandang mukha ni Serenity. “S-Serinity ang pangalan ko. S-Serenity Altamerano.” Hindi mapalis ang ngiti na nakaguhit sa kanyang mga labi. “What a nice name. Kasing ganda ng kahulugan ng pangalan mo ang taglay mong ganda. Serenity na ang ibig sabihin ay kahinahunan at katahimikan.” Agad na inabot niya ang palad nito at narahan na pinisil. Nanatiling nakatitig lamang sa kanya si Serenity, at sa mga sandaling magkalapat ang kanilang mga palad sa mga sandaling iyon, ay mas lalong tumindi ang nakakamangha niyang nararamdaman. Tila may dumaloy na init sa kanilang nagkandaupang palad. Init na dumaloy tungo sa kanyang puso, na tila humahaplos sa buo niyang pagkatao. He felt the warmth and calmness. She is indeed Serenity. Umangat maging ang kaliwang kamay na may hawak na panyo at saka walang pagdalawang isip na pinunasan niya ang basa nitong pisngi. “Huwag ka ng umiyak. Nawawala ka ba? Gusto mo bang—” “Mama, Tin-Tin! Mama ko, Tin-Tin!” Nataranta siyang bigla dahil bigla itong bumulahaw ng iyak. Sunod-sunod maging ang pagpatak ng mga luha. “T-Tahan na. H-Huwag ka ng umiyak. T-Tutulungan kita na hanapin ang mga mama mo.” “Mama ko! Tin-Tin!” Patuloy na bulahaw ni Serenity. “Serenity!” Tinig ng isang babae ang kapwa nagpalingon sa kanila sa kanilang kanan na bahagi. Isang matangkad na babae at matikas na lalaki ang mabilis na humahakbang tungo sa kanilang deriksyon. “Anak, Serenity!” Bulalas ng matikas na lalaki. Agad nito dinaluhan si Serenity at niyakap. Ngunit patuloy lamang sa pag-iyak si Serenity. Yumakap ang mga braso nito sa lalaking tumawag dito na anak at ibinaon ang mukha sa pagitan ng leeg ng lalaki at balikat. “It’s okay baby, it’s okay. Calmn down, calmn down…” marahan at masuyo na hinahagod ng lalaki ang likod ni Serenity habang pinapatahan ito. “Papa, Papa, gusto ko makita at makasama—si Mama at—-at Tin-Tin!” sunod-sunod ang pagsinok nito at halos hindi na makahinga dahil sa pag-iyak. “You will, baby. Kailangan mo munang magpagaling…” “Melchor, bring her home and let her rest to prepare her body for her upcoming operation.” Ang kanyang mama na biglang sumulpot mula sa kanyang likuran. “Thank you so much for your help, Luisa.” “Don’t mention it. It’s my job.” Agad na tumalikod ang lalaki at saka humakbang paalis habang karga sa bisig ang umiyak na si Serenity. “Thank you Luisa.” “I will come to your place on Saturday to visit the child.” “That will be good. Gotta go, Luisa. See you on Saturday.” “Yeah, see you. Bye!” Hindi niya maalis ang paningin kay Serenity. Nanatili siyang nakatanaw rito. Kapagkuwan ay umangat ang paningin nito at tumingin sa kanya. Pinunasan ng palad nito ang mukha na hilam sa mukha. Parang kinukurot ang puso niya. If only he could do something to comfort her. Magkaugnay ang kanilang paningin habang papalayo ito ng papalayo sa kanya. Umangat ang kanan niyang kamay at kumaway kasabay ng pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. “She is pretty, isn’t she?” ang tanong ng kanyang ina. “Is she ill, Mama?” tanong niya sa halip. “Yeah!” “What kind of illness does she have?” “She has had heart valve damage since birth.” Bigla siyang kinilabutan. Sakit sa puso. “Gagaling siya, diba Mama? You will help her. The doctor will cure her.” Sa halip na sumagot agad ang ina. Tumungo ito sa kanya at ginulo ang kanyang buhok at saka mahinang tumawa habang nakatitig sa kanya. “Binata na nga ang anak ko. Nagka-crush na.” Panunukso nito sa kanya. “Mama—” “Ofcourse son, the doctor will do everything to cure her and i am 101 percent na gagaling ang batang iyon,” ani ng ina sabay pisil sa ilong niya. “She is pretty, so pretty and i like her for you. Sigurado ako na kapag siya ang magiging ina ng mga apo ko sigurado akong maging gwapo at magaganda ang—” “Mama!” Bulalas niya. Uminit ang mukha niya dahil sa mga salitang lumabas sa labi ng ina. Malakas na tumawa ang ina. Tumayo ito ng tuwid at umakbay sa kanya. Start from that day ay hindi na nawala sa isip niya ang maamong mukha ni Serenity. Pagkalipas ng ilang araw ay muli silang nagkita. Ngunit ang araw na iyon ay kakaiba. Nakatayo sa bungad ng pintuan ang batang si Serenity na tila ba hinihintay ang pagdating niya. Nang makita siya ay ubod tamis itong ngumiti sa kanya. “Hi!” “Hi! Kanina pa kita hinihintay, Pula.” “Pula?” Mangha niyang tanong. “Oo, Pula. Diba ang red sa tagalog ay pula. Kaya ang tawag ko sayo ay pula.” Natawa siya. Umangat ang kanan na kamay ay ginulo ang buhok ni Serenity. “Tara na sa loob dahil malamig dito sa labas.” Malakas na tahol ng aso mula sa loob ng malaking bahay ang nagpabalik ng diwa ni Red sa kasalukuyan. Napahilamos ang kanan na palad sa mukha. Bakit ganito? Sa tuwing malapit siya kay Serena, parati na lamang bumabalik sa alaala niya ang nakaraan, palagi na lamang nitong sinasariwa sa isip niya ang katauhan ng namayapa niyang asawa. He hates it. Nakaka-frustrate. Bumukas ang malaking gate. Isang babaeng may mahabang buhok ang lumabas. Sa tantiya niya ay nasa mid-thirties ang edad ng babae. She looks familiar. Hindi niya lang alam kung saan niya ito nakita. Agad binuksan niya ang salamin na bintana ng sasakyan. “Magandang tanghali.” Bati niya. “Magandang tanghali, dito ba nakatira si Serena de Jesus?” Tanong niya na bahagyang idinungaw ang ulo sa bintana ng sasakyan. “Serena? Sinong Serena de Jesus?” Kunot noo at takang tanong ng babae. “Fatima.” Isa pang babae ang lumabas mula sa loob. Napatingin siya rito at napalingon naman ang babaeng tinawag nito na si Fatima. Lumapit dito ang babae saka napako ang paningin sa kanya. Hindi niya alam kung nagmamalikmata ba siya. Ngunit nakita niya ang pagkagulat at pagkabalisa sa mga mata nito. “Anna, may naligaw ‘ata. Hinahanap ang babaeng may pangalan na Serena de Jesus.” Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pasimpleng paghampas ng babaeng si Anna sa ibabang bahagi ng likuran ng babaeng si Fatima. Kapagkuwan ay may ibinulong ito kay Fatima. Napakurap at napaawang ang labi ni Fatima sabay tinapunan siya nito ng tingin. Kapagkuwan ay umalis ito at pumasok sa loob ng kabahayan. Huminga ng malalim si Anna at saka ngumiti na ibinaling ang pansin sa kanya. “Oo, dito nga nakatira si Serena. Ikaw yung boss niya diba?” Huminga siya ng malalim. Kapagkuwan ay binuksan niya ang pinto ng sasakyan at saka lumabas. “I am Red William, Serena’s employer.” Inilahad niya ang palad. “Ako si Anna. Anna de Jesus, pinsan ni Serena,” tinanggap nito ang pakikipag-kamay niya. “Pwede ko bang makausap ang pinsan mo? Gusto ko lang siyang kamustahin.” “Ay, wala po rito ngayon si Serena, sir. Nasa Rancho siya sa Venezuela. Diba po may trabaho siya ngayon. Tumawag siya kahapon at sinabi na manatili sa Rancho ng ilang araw.” “W-What?” Bulalas niyang tanong. “Hindi nyo pa ba—” Hindi na niya hinintay pa na matapos ang sasabihin ng babae. Agad na lumulan siya ng sasakyan at agad na pinaharurot iyon paalis. That woman is damn hard headed. Bakit ito hindi nakinig sa kanya? Ang tigas-tigas ng ulo. He grabbed his phone at the dove compartment at agad na tumawag sa Rancho. Mabuti na lang at nakailang ring lang ay agad na may sumagot. “Nandyan ba si Serena?” “Oo, nandito. Sino po sila?” Tanong ng tinig babae mula sa kabilang linya. “Ako ‘to si Red Will—” Isang malakas ngunit nakakabighani at pamilyar na tawa ang kanyang narinig mula sa kabilang linya. It was Serenity’s laughter. No. It’s not. It’s Serena’s laughter. “Mang kanor, Pula po ang ipapangalan natin sa bagong kabayo ha. Kasing gwapo po kasi ni pula ko at kasing kisig.” “Sige po ma’am. Tawagin nating pula kahit itim ang kulay ng kabayo.” Muli ay namayani ang malakas na halakhak nito sa kabilang linya. Tawa na sobrang kaaya-aya sa kanyang pandinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD