The sun is seeping through the glass panel of Red’s office. Nakasuksok sa magkabila niyang bulsa ang kanyang mga palad habang nakatanaw sa mga nakatayo na mga establisyemento sa labas ng kanyang gusali.
He heaved out a deep sigh.
It’s too early, upang pumasok sa opisina. Pero heto siya. Heto siya nakatayo sa loob ng opisina niya at lumulukob sa sistema ang hindi maipaliwanag na emosyon.
Today is the first day of work for Serena de Jesus as his secretary. A huge part of him wanted to see her enter his office with a smile on her face. Ngiti na katulad ng pag-ngiti nito sa lalaking kausap nito sa coffee shop.
Hindi lang ngiti nito ang kanyang gustong makita, kundi maging ang mga mata na kahawig ng mata ng kanyang yumaong asawa at gustong maamoy ang mabangong amoy nito katulad ng mabangong amoy ng yumao niyang asawa.
It’s stupidity.
He is a married man.
Ngunit kahit anong gawin niyang labanan ang urgency na nararamdaman na makita si Serena ay hindi niya kayang labanan ang sarili. Hindi niya kayang labanan ang nararamdaman niya.
Pinagkakanulo siya nito.
“Good morning sir.”
Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa. Nabigo siya. Hindi si Serena ang pumasok sa loob ng opisina niya. It was Kara. His other secretary.
Huling araw ngayon ni Kara. Pumasok ito upang ‘e briefing si Serena. He felt quite disappointed. He is a jerk. Noong mga nakaraan lang ay iniisip niyang tanggalin na lamang si Serena para sa katahimikan ng isip niya.
Pero heto siya.
Walang ibang laman ang isip niya buong umaga kundi si Serena. Heaven forgive him. Ang laking pagkakasala ng isip niya. Kung nababasa siguro ng asawa niya ang laman ng isip niya, siguradong sobrang masasaktan ito.
‘You are fvcking jerk and an asshole, Red! Nasaan ang konsensya mo? May asawa kang tao!’
Kastigo niya sa sarili.
“Yes, Kara.”
“Mamaya pa po magsisimula ang meeting niyo sa research team. Baka po gusto nyo munang mag-kape?”
‘Nasaan si Serena.’
Tanong iyon ng malaking bahagi ng isip niya na hindi magawang sambitin ng labi. So stupid of him. Bakit ba kasi siya nagkaganito? Serena was not just an ordinary woman. Mayroon sa pagkatao nito ang nagpapaalala sa kanya sa yumao niyang asawa na hindi kayang ignorahin ng sistema niya.
“Sige, Kara.” Maikli niyang tugon.
“Ok, sir. Utusan ko na lang si Serena na ipagtimpla po kayo.”
So she is here?
Bakit hindi ito pumunta sa kanya agad?
“Pakibilisan Kara, kailangan ko ng kape. Inaantok ako.”
It’s an alibi. Hindi naman talaga siya inaantok. He just can’t help the urgency to see Serena.He fought the urgency within him, ngunit kahit anong gawin niya ay nanaig pa rin ang kagustuhan ng kalooban niya. Mas lalo pa iyong sumidhi.
He closed his eyes and massaged his temple. Even in the intimate moment he shared with his wife, he still couldn’t help but think about Serena. Can’t stop thinking about his late wife. Naghahalo ang guilt, awa sa asawa at awa sa kanyang sarili.
“Good morning, sir.”
Naimulat niya ang kanyang mga mata. Napahugot siya ng malalim na paghinga. Nanuot sa kanyang pang-amoy ang mabangong aroma ng kape. He swallowed hard countless times. The aromatic scent of coffee was very familiar to his sense of smell.
Kung hindi siya nagkakamali, the coffee was a black ivory coffee, basi sa amoy nito. Ivory coffee is one of the best coffees in the world, which comes from the digestive tract of elephants. Thailand ang the origin ng kape, and one of the rarest coffees in the world.
Ivory coffee. Ang kape na paborito ng yumao niyang asawa.
Pumihit siya paharap. Serena was standing a few meters away from him. A smile that painted on her face made his heart flutter. Naghurmintadong muli ang pagtibok ng puso niya, ngunit ganun pa man ay nagawa niyang maging pormal ang anyo. Nagawang mapanatili ang promininteng tindig.
“Ivory coffee?” he asks in a formal and firm tone while walking toward his desk, where Serena is standing.
Serena is meeting his gaze, na mas lalong nagpahurmintado sa pagtibok ng puso niya. Sa bawat sandali na magkaugnay ang kanilang paningin ay ang mukha ng asawa niya ang kanyang nakikita.
‘Ano ang meron sa’yo Serena? Bakit ko nakikita sa’yo si Serenity? Ano ba talaga ang meron sa’yo? Sino ka ba talaga? Sino ka?’
“Yes sir,” Serena answered.
“As far as I know, we don’t have ivory coffee available here in the office, and not even in the cafeteria. Ivory coffee is rare and expensive. Where did you get it?” He maintained his firm tone showing her his authority.
“It was mine sir—”
“Yours? You brought that coffee here to my office, it means that coffee is for me, right, Serena?”
“Yes sir.”
Serena should feel intimidated. Ngunit sa halip, hindi humiwalay ang paningin nito sa pagsalubong sa kanyang titig. Siya itong naging aligaga; siya itong hindi mapakali.
“What made you think that I like that coffee? Hindi ka ba na-briefing ni Kara sa tamang pagtimpla ng kape ko?” Oh, it’s damn hard for him to maintain his tone. His heart is throbbing against his chest.
“Ivory coffee is good for you, sir. It has less caffeine, and it will surely make you feel awake due to its nice aroma,” huminga ito ng malalim at mas lalong lumapad ang pag-ngiti sa mga labi. “Na-briefing po ako ni Kara, sabi po niya ayaw nyo raw po ng matapang na kape kasi po nagpapa-palpitate po kayo. So I decided to share my coffee with you.”
Bumaba ang paningin niya sa kape na umuusok sa ibabaw ng kanyang mesa. Ang usok ay tila marahan na sumasayaw habang umuusok pataas sa ere.
‘Pula, simula ngayon. Itong ivory coffee na ang iinumin mo ha. Lagi ka kasing nini-nerbyos. Sigurado rin na magigising ang diwa mo dahil sa mabangong aroma ng kape.’
Serenity’s voice echoed in his head. Marahan na inabot niya ang tasa ng umuusok na kape. Dinala niya sa labi saka inamoy ang mabangong aroma ng kape marahan na inihipan saka marahan na sinimsim.
“Galing po sa tae ng elepante ang kape na iyan.” Serena said with laughter in a low tone.
Naangat niya tuloy ang paningin. Tumuon ang kanyang paningin sa labi nito na ngayon ay malapad na nakapuknit. Saka marahan na namaybay ang paningin tungo sa mga mata nito.
In a swift moment. Everything around him became dark. In the middle of the dark, Serena’s face suddenly shifted into Serenity’s face.
Namayani sa paligid ang mahina nitong halakhak at ang mga mata ay naniningkit habang nakatitig sa kanya.
‘Pula, masarap ano. Galing sa tae ng elepante ang kape na iyan.’
“Serenity…”
Kusang umangat ang kanyang mga palad. Marahan na dumapo iyon sa kanan na panga nito. Pahaplos sa pisngi. Serenity was alive. Ramdam na ramdam niya ang init nito. Ang pangungulila ay nanaig sa buo niyang pagkatao. Umalpas maging ang matinding emosyon sa dibdib.
“Red…”
Pabulong ang mga tinig. Naghari sa katahimikan ng paligid ang malakas na pintig ng kanilang mga puso. Ang kanilang mga titig ay magkaugnay at ang mga labi ay umawang. There is a tiny voice at the back of Red's, head, saying, ‘Wake up! Wake up! She is not Serenity, she is not your wife…’ ngunit mas nanaig ang kagustuhan ng puso at malaking bahagi ng pagkatao niya.
Nanaig ang matinding pangungulila at pananabik sa asawa.
Before red could think clearly, tuluyan na kinabig niya ito sa batok at siniil ng halik ang mga labi.
*****
Serena froze.
Nanlamig ang kanyang buong katawan.
She planned every detail of her move, ngunit ang nangyari ngayon ay hindi niya inaasahan. Nakapagitan ang mesa sa kanilang katawan, red is leaning forward toward her, nakahawak ang malapad na kamay nito sa kanyang pisngi at ang kanilang mga labi ay magkalapat.
Her heart is pounding hard.
Hearing Red whispering her name was too much for her to bear. Mahal pa rin siya ng asawa niya. Siya pa rin ang nilalaman ng puso nito. Tears fall from her eyes, gustong pumikit ng mga mata ngunit pilit na iminulat niya iyon.
She feared that the moment she opened her eyes, she would again lose him.
‘Pula, pula ako ito. Ako ito!’
Sigaw ng utak at puso niya ngunit hindi magawang sambitin ng mga labi. Gumalaw ang kanyang mga labi. Marahan at masuyo na nilasap ang malambot na labi ng asawa niya, labi na kay tagal niyang gustong malasap, labi na sobrang pinanabikan.
Bigla ay mas lalo siyang kinabig ni Red, ang halik na may suyo ay biglang naging mapaghanap. He svcked her lips hard, then thrust his tongue inside her mouth. Serena’s heart pounds hard. Halos hindi siya makahinga.
Umangat ang kanyang kanan na kamay at napahawk siya sa braso ni Red, saka tinumbasan ang halik nito. Ngunit sa sandaling tinumbasan niya ang intensidad ng halik nito ay bigla itong tumigil saka marahas na itinulak siya nito.
Napaatras siya ng ilang hakbang at halos mabuwal.
“Leave!” mariin na wika ni Red sabay tumalikod ito sa kanya.
“I—I—”
“I said leave!” umalingawngaw ang malakas na tinig nito sa loob ng opisina sabay turo sa nakabukas na pinto. Marahas ang pagtaas baba ng dibdib at ang mga mata ay namumula.
Pinahid niya ang mga luha. Tumayo ng tuwid. Lumunok ng mariin. Saka pilit na pinatatag ang sarili na salubungin ang titig ni Red. titig na nababakasan ng samu’t-saring emosyon. “Inumin nyo po ang kape nyo, sir, upang mawala ang antok nyo.”
She left, Red office without looking back. Mabilis na tumakbo siya at tinalunton ang hallway patungo sa restroom. Pagdating sa loob ng restroom ay doon inilabas niya ang bigat sa dibdib. She leaned on the door, then massaged her chest. Kasabay ng pagdaloy ng mga luha.
Her Red, ang kanyang pula.
Gad, hindi niya alam hanggang kailan siya magtitiis. Hindi niya alam.