KABANATA 8.

1939 Words
Marahas ang mga paghinga ni Red habang nakapamewang na nakatitig sa pinto na nilabasan ni Serena. Nakapamewang ang isa niyang kamay at ang isang kamay ay marahas na sumuot ang mga daliri sa mayabong na buhok. Marahas na sinipa niya ang ilalim ng mesa. “Damn it! Damn it!” Ano itong nagawa niya? Why the hell did he kiss Serena? Why the fvck he kept on seeing his wife on her? Putang-ina, maliwanag naman ang paningin niya. Hindi naman siya bulag. Maliwanag sa sikat ng araw na hindi si Serenity si Serena. Pero bakit? Bakit siya nagkaganito? Sobra ang pangungulila niya para sa yumaong asawa. Ngunit kailangan niyang tanggapin ang katotohanan. Ang katotohanan na wala na ito. Naitukod niya ang mga kamay sa ibabaw ng mesa at yumukod saka humugot ng malalim na paghinga. Mas lalo na siyang nagkakasala sa asawa niya. Kristal, his wife. Ang kanyang butihing may bahay na walang ibang ginawa kundi ang pagsilbihan siya at mahalin ng buong-buo. Guilt is consuming him. Ngunit ano ang gagawin niya? Should he fire Serena on her first day of job? Hindi. Hindi niya pwedeng gawin iyon. Walang kasalanan sa kanya ang tao. Siya itong nagkamali. Huminga siyang muli ng malalim. Pilit na pinakalma niya ang sarili. Gusto niyang makapag-isip ng tama. Ngunit sa paghinga niya ay nanuot sa kanyang pang-amoy ang mabangong aroma ng kape na nasa kanyang harapan. Naangat niya bigla ng bahagya ang paningin at napatingin sa kape. Inabot niya ang kape saka dinala sa labi. The moment he sipped the coffee, he was like seeing Serenity’s face, smiling at him while clapping her hands. ‘Ano masarap ba, pula? Nagustuhan mo ba?’ “Masarap, Buttercup, sobrang sarap…” bulong niya sa hangin na tila kinakausap ang yumaong asawa. Naramdaman na lamang niya ang pagdaloy ng likido sa magkabila niyang pisngi. A part of him said that he needs to let go of Serenity’s memory and live a normal life with his wife and build a family. But the thought of letting go of the woman he truly loved pained him. Ayaw tanggapin ng malaking bahagi ng pagkatao niya higit na ng puso niya na kalimutan ang babaeng sobra niyang minahal. He heaved out a deep sigh. Kung noon ay nangungulila siya sa yumao niyang asawa, mas higit ang pangungulila na iyon ngayon. Ngayon na dumating si Serena. Si Serena na nagpapaalala sa kanya kay Serenity. Inisang lagok niya ang ngayon ay hindi na mainit na kape. “Sir the meeting is about to start.” Umangat ang kanyang paningin. Thankfully, hindi si Serena ang pumasok sa loob ng opisina. “Susunod ako sa conference room, Kara.” “Ok, sir. Si Serena po ang sasama sayo sa Conference room.” Huminga siyang muli ng malalim. Hindi na mabilang kung ilang beses siyang napalunok. Sa bawat sandali na marinig ang pangalan ni Serena ay agad ang pagpintig ng puso niya. Gusto niyang sabihin kay Kara na ito na lang muna ang sasama sa kanya sa conference room ngunit hindi niya magawang sabihin iyon. Napipipi siya. Aaminin man niya o hindi. Sa kailaliman ng pagkatao niya. Naroon ang malaking excitement na makasama at makita ang dalaga. Ngunit ang excitement na iyon ay naghahatid sa kanya ng takot. Naghahatid ng matinding pangamba. He kissed her. Paano kapag dumating ang pagkakataon na hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili? Paano kung higit pa sa halik ang magagawa niya? Ano ba ang gagawin niya sa nararamdaman niyang ito? Should he seek help from a psychiatrist? Nababaliw na ba siya? Napabuga siya ng hangin. Nakapamewang na napatingala siya sa kisame. Kapagkuwan ay napahilamos ang mga palad sa mukha. Sa gitna ng paghaplos ng mga palad sa mukha ay biglang naglaro sa isip niya ang pinagsaluhan na halik. He pressed his lips together, it felt like he still felt Serena's lips against his. Her pillowy and luscious lips. Oh, fvcked him! Hinablot niya ang kanyang suit coat na nakasampay sa backrest ng kanyang upuan saka marahas na sinuot iyon at lumabas ng opisina. Pagdating sa labas ng opisina ay natigil siya sa paghakbang. He clutched his fists just to control the stirring emotion inside of him. Serena who is now standing in front of him still has the guts to look him straight in the eye. Tila lang baliwala rito ang nangyari kanina. She looks so calm. Katunayan ay tila pa nakaguhit sa mapula na mga labi nito ang ngiti. He silently took a deep sigh. Ang hirap lang labanan ang sariling emosyon. Emosyon na hindi niya alam bakit niya nararamdaman. “I need the file from the past research, Kara.” kay Kara niya ibinaling ang pansin. Pagkatapos ay humakbang palayo ng walang lingon likod. “Serena, heto ang mga files. Dalhin mo at sumunod na kay sir, Red. ano kaya ang nangyari dun. Bakit parang wala ‘ata sa mood.” Narinig pa niya ang mga salitang sinabi na iyon ni Kara. He went straight to the conference room. Pagdating sa loob ng conference room ay naroon na ang buong research team. Akma na tumayo ang mga ito upang batiin siya. Ngunit mabilis na umangat ang kanan na kamay sa ere at suminyas na huwag ng mag-abala pa na tumayo. He pulled the swivel chair at the head of the table and sat down. Sa pag-upo niya ay umabot sa kanyang pandinig ang tunog ng bawat pagtama ng takong sa sahig. Every step made a rhythmic click which echoed through the conference room as she walked through the marble floor. Ang ritmong tunog ng bawat pag-apak ng heels sa sahig ay tila musika na pamilyar sa kanyang pandinig. Ganitong-ganito noon si Serenity. Kahit hindi niya nakikita at tanging ang tunog ng bawat paghakbang lang nito ang kanyang naririnig, nakikilala agadito ng sistema niya. Naangat niya tuloy ang paningin. There she is. Walking toward him. She walked so gracefully. Her hips is swaying, at maging ang sadyang kinulot na buhok ay sumasabay sa bawat pag-indayog ng balakang. Ang mahaba at maputing binti ay kumikinang sa kaputian. She is so beautiful. She was like an international model walking on a runway. And fvck! He hates those mini skirts for exposing her porcelain-like skin. He fvcking hates it! He used to hate it when Serenity wore a dress that exposed her flawless, white, and soft skin. ‘Damn it! Damn it! Get a grip, Red. She is not her. Serenity is gone. She is gone!’ Kinakastigo niya ang sarili at kung pwede lang pukpukin ang ulo niya ay ginawa na niya. “Here are the files you needed sir.” Hindi siya sumagot. Sa halip ay lihim na huminga siya ng malalim kasabay ng panunuot ng mabango nitong amoy sa kanyang pang-amoy. Inilapag nito sa mesa ang mga files. Napakislot pa siya at napalunok ng mariin ng aksidente na sumagi ang braso nito sa kanyang braso. Tila siya napaso. Tila may kuryenteng nanulay mula sa siko nito tungo sa kanya. Jesus Christ! He is insane. He is insane! “Leave it here and make me coffee.” “Yes sir!” Gusto niyang umalis agad sa tabi niya si Serena, dahil naging triple na ang pagkabog ng puso niya. Umiinit ang pakiramdam niya. Habang humahakbang paalis si Serena ay nag-isang kumpas ang tingin ng kanyang mga empleyado rito. Ang mga lalaking emplayado na nasa loob ng conference room ay nababakas sa mukha ang matinding paghanga. “Siya ba yung bagong sekretarya ni boss?” “Hindi ba halata?” “Damn, ang ganda! Single kaya—” He cleared his throat and created a sound in the whole room to catch everyone's attention. Sobrang naiinis siya. Nakasunod kasi ang paningin ng mga ito sa likuran ni Serena at nakatuon ang paningin sa magandang hubog na mga pigi nito. They were like a wild animal drooling while watching their prey. “Let’s start!” Agad na binaling ng team ang buong atensyon sa kanya. Gathering all his strength to focus on discussing an important matter in the meeting. Kahit mahirap. The aroma of ivory coffee is placed in front of him. Hindi niya man lang nilingon ang taong naglagay nun sa harapan niya. Sa halip patuloy siya sa pagsasalita, habang binubuklat ang dukumento sa kanyang harapan. Wala sa sarili na inabot niya ang tasa ng kape sa kanyang harapan. Red hand froze halfway. Irritatrion, threading through confusion. Why ivory coffee again? Why this scent? And as he sipped the coffee. Halos gusto na lamang niyang mapapikit. Kuhang-kuha ni Serena ang lasa ng timpla ng ginagawang kape ni Serenity. Muling inilapag niya ang tasa ng kape at saka umangat ang paningin. Serena was sorting through folders. Nakayuko ito at buo ang atensyon sa folder na nasa harapan nito. Ang buhok nito ay nasisilawan ng ilaw na mula sa projector. A warm dark brown and halo. Kapagkuwan ay umangat ang paningin nito at natuon sa kanya. Muli ay nagkasalubong ang kanilang mga paningin. Nangungusap ang mga mata na tila sinasambit ang mga salitang hindi kayang sambitin ng mga labi. And for a fleeting second, the world once again blurred. ‘Serenity!’ His pulse kicked up. He blinked hard. Pilit tinataboy niya sa isip ang imahe ng yumaong asawa na ngayon ay muling tumatakip sa mukha ni Serena. ****** Pagkatapos ng meeting ay agad na lumabas ng conference room si Red. mabilis ang mga hakbang na sinundan ito ni Serena habang kipkip sa dibdib ang folder. “Go home, Miss de Jesus! Your job is done for today.” “But—” Red suddenly stop walking. Sa bilis ng mga paghakbang niya ay hindi niya napaghandaan ang biglang pagtigil nito at bumangga ang kanyang katawan sa malapad at matigas nitong dibdib. They both froze for a moment. Kapwa na hindi makagalaw. “Sir!” Tinig na iyon ang nagpabaklas kapwa sa kanila. Tila napaso na lumayo siya mula kay Red. “Cancelled all my appointments Kara. Umuwi ka na rin. Thank you for the four years of service!” “Salamat din po sa lahat-lahat ng naitulong mo sa akin at sa pamilya ko.” Kumaway lang si Red. Kapagkuwan ay tumalikod ito. Tinalikuran siya na tila hindi siya nag-eexist. Pumasok ito sa opisina nito at saka muling lumabas at tuloy-tuloy na tinungo ang elevator. Hindi nagdalawang isip si Serena na sundan ito. Red was perplexed. A perplexity that was written all over his face and actions. She caused him that. Sumubra ba ang kilos niya? Pagdating sa garahe ay nakita niya itong lumulan sa sasakyan. Agad na lumulan siya sa sariling sasakyan. Nang humarurot ang sasakyan nito ay saka niya binuhay ang sariling sasakyan at sinundan ito. Ilang minuto ang lumipas ay tumigil sa isang supermarket ang sasakyan ni Red. Tumigil siya ilang metro lamang mula sa sasakyan nito. Nanatili siya sa loob ng sasakyan. Bumaba ng sasakyan si Red, at pumasok sa loob ng supermarket. Ilang minuto ang muling lumipas ay lumabas ito dala ang isang supot na plastic. He then again rode his car. Nang humarurot ang sasakyan nito ay muli niya itong sinundan. Ilang minuto ang lumipas habang patuloy na sinusundan niya sa sasakyan ni Red. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi kasabay ng pag-init ng mga mata. Lumabas na sila sa maynila at ang daan na tinatahak ay patungo sa isang lugar kung saan madalas na palihim silang nagtatagpo nito noon. Now he has an idea kung ano ang laman ng supot na bitbit ni Red. It was chips. Mga chips na paborito nilang dalawa. Panay ang agos ng luha niya habang marahan na nagmamaneho habang sinusundan niya ito. Alam niya na sobrang naapektuhan ito kanina sa kinikilos niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD