Sophie POV Iniwan ako nila Mariz dito sa may gitna nang kagubatan, halos iilang oras na din akong nakatali dito, nagugutom na din. "Bakit? bakit ganito? lumalayo na nga ako sa gulo pero bakit parang yung gulo lapit padin nang lapit sakin?" Sabi ko at napayuko nalang hindi ko naman maiwasang maluha. Grabe, ang saya, lagi nalang akong umiiyak, ganito ba talaga ako? ang alam ko, pinalaki akong palaban pero ano itong ginagawa ko ngayon, bakit palagi nalang ganito, kailangan ko na bang magbago? Kung alam ko lang talaga na ganito mangyayare sakin, hindi ko nalang sana nakilala si Kobe, hindi ko nalang sana hinayaan na magpa uto sa kanya, kasi kahit saang ang gulo man tignan, siya ang masisisi ko "Tulong! tulongan niyo ako!" Sigaw ko, pero ni isang tao walang nakarinig sakin. Ayaw kong abut

