Chapter 4 " Fixing a Broken Heart"

1632 Words
Flashback SY 2005-2007 Fixing a broken heart Dana's POV: Makaraan ang ilang linggo ng pag momove on ko biglang may isang taong pumasok sa buhay ko. Nasa labas ako ng SSG office noon. Kami ni Veron ang nakaduty pero,dahil wala ako sa mood gumawa ng report, iniwan ko si Veron at hinayaang mag isa niyang gumawa ng report at nag cellphone lang ako. Biglang may nagtext sa akin na unknown number. "Hi" Dinedma ko lang ito at patuloy lang ako sa pagbabasa ng quotes sa cellphone ko.Ngunit nag text ulit siya. "Busy?" Napakunot noo at suminghay ako at tinuloy ko ulit ang pagbabasa ng quotes. At nagtext ulit siya ng dalawang magkasunod. "Walang load?" "Pasahan kita?" Napatayo ako sa kina uupuan ko at inikot ang paningin para hanapin ang nang ti-trip sa akin. Tinignan ko si Veron pero busy siyang gumagawa ng report at hindi rin niya hawak ang phone niya. Sumilip din ako sa room namin busy din nagjajaming ng gitara at kantahan ang barkada ko.Kahit sino sakanila walang nakahawak ng phone. Nang bumalik ako sa upuan ko bigla siyang nag text ulit. "Oops.. hinahanap mo ako?Kinikilig ako" At napatayo ulit ako at hinanap ko sa paligid ngunit wala akong makita kayat pumunta ako sa loob ng SSG office at nagsara ng pinto at bintana. Nagulat at the same time na-wirduhan si Veron sa akin at natigil siya sa ginagawa niya. " Ano ba?" Suway niya sa akin. Maya maya ay tatlong magkasunod na text ang pumasok sa cellphone ko na nilapag ko sa table kung saan siya gumagawa ng report at tinitigan ko lang ang phone na parang takot na takot akomg nakarinig ng tunog ng text na pumapasok sa cellphone ko. Nairita si Veron at in-open ang text. Nung una binabasa lang niya sa lips na nakakunot noo. Maya maya ay napangiti siya kayat inagaw ko ang cellphone at binasa ko ang text. "Bakit ka nagkulong sa SSG office?" "Wala na tuloy akong inspiration:-(" "Labas ka na please,para masilayan ko ulit ang kagandahan mo" At nairita ako sa nabasa ko at inilapag ko ulit ang phone ko at hindi ako mapakali.Iniisip ko kung sino ang nang tri-trip sa akin. Maya maya ay nag text ulit siya at inunahan ako ni Veron na basahin at binasa niya ng malakas. "I like you since the first day of SY 2004-2005.You've been so busy liking someone but I think you ended it so I want to take the chance to reveal my identity. I am the donut giver since 2004.I am the stealer of your picture at the organizational chart.Don't be afraid,i will do no harm to you.I just like you that much.Please meet me at the coffee shop table 14 on friday.I want to show you something.I hope you will give me a chance.:-)" At napatili si Veron at tumakbo papunta sa barkada namin.Sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko siya napigilang ibasa lahat ng text ng unknown admirer. Kinantyawan tuloy ako ng buong klase namin.Saka sunod sunod ang advise ng barkada ko. "Go! meet him on friday..." Tukso ni Jordan. " Ou nga there is no harm in trying" Dagdag ni Vince. "Pero ang puso ingatan" Babala ni Lindsy at napatingin kay Mike na tahimik lang sa Dulo. "Ou nga baka magtake advantage na naman" Wika ni Greg at sumama ang tingin kay Mike. Simula kasi nang nangyari sa amin Mike sa Ssg office ay hindi parin nakamove in Greg siya kasi ang naging super close pagdating sa buhay pag ibig ko. Dahil sa sobrang pilit ng barkada ko pumayag akong makipag meet sa unknown admirer ko.Gusto ko rin kasi malaman kung sino siya. Sumapit ang friday,maaga akong nagising at nag prepare para i-meet ang aking secret admirer since 2004.Honestly wala akong ka ide-idea kung sino iyon.Wala naman kasi akong napapansin na umaalialigid sa akin or baka naging focus nga talaga ako kay Mike noon. Kasama ko ang barkada ko na pumunta pero sa ibang table sila at ako ay sa table 14 kung saan niya sinabi na antayin ko siya. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko.Palingon lingon ako sa paligid at unti unti kong naramdaman ang mabilis na t***k ng puso ko. Maya maya ay may pumiring ng mata ko mula sa likod at narinig ko ang mga kaibigan ko na halos sabay sabay na nagsabi "O my God siya?" At napatili din halos lahat ng nasa coffee shop at na-curious ako. Gusto ko sanang tanggalin ang piring pero biglang may bumulong,ramdam ko ang init ng hininga mula sa kanyang mga labi,Amoy na amoy ko din ang napaka fresh niya. Nagsalita siya... "Are you ready to meet your greatest admirer" Mejo pamilyar ang amoy ng pabango niya at ang boses niya hindi ko mawari pero tumaas ang balahibo ko at ang lakas ng kuryenteng dumaloy sa katawan ko na nagpabilis ng t***k ng puso ko at biglang akong nanlamig na parang pinagpapawisan. At ng tumango ako.Biglang tinanggal niya ang panyo na naka-piring sa aking mga mata. Pagbukas ko ng mata ko nakita ko siya.. OMG si Mr.Jay Sandoval ang presidente ng Student Council. Ang laging nang aasar sa akin and he said he like me? Siya ang unang taong nakaaway ko noong first day ng high school life ko. Nagtaka ako kung paanong siya ngunit biglang lumiwanag ang puting tela kung saan nakatutok ang projector at nag umpisa ang video presentation. Puro mga stolen shot. At nang matapos ay lumapit siya sa akin at inabot ang 3 red roses at ngumiti siya na may konting luha sa gilid ng kanyang mga mata niya. "Can you please give me a chance to show you how much i love you?" tanung niya sa akin at ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa bawat salita na pinakawalan niya mula sa kanyang mapupulang mga labi. Sumigaw sina greg "SAY yes" hanggang sa lahat ng nadun sa coffee shop nagsasabi ng "Yes" at dahil ang lakas ng t***k ng puso ko at ang kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko ay napahinga ako ng malalim and i said "Yes". Sa puntong iyon naging malinaw na sa akin at sa barkada ko ang lahat ng katanungan namin. Siya pala ang laging nagpapadala ng donut sa akin.Minsan pa pala sinubukan niyang umamin sa akin at pinatikim niya ang donut na nandun siya pero hindi ko napansin dahil kay Mike ako na focus. Siya pala ang laging dumdekwat ng picture ko sa organizational chart sa SSG OFFICE na never pumasok sa isip naming magbabarkada na siya ang salarin.Napagbitangan pa namin si Mang Utep ang gardener ng school.πŸ˜‚ At tanging pang aasar sa akin ang way niya para magpapansin dahil sobrang busy ko noon kay Mike which is true...walang araw na ginawa ng Diyos na hindi niya ako inasar maski nung naging magkaibigan na kami dahil sa varsity at sa pagiging officer namin sa STUDENT COUNCIL. Simula noong araw na nagtapat siya ng pag ibig niya sa akin ay hindi na siya tumigil sa pagpapakilig sa akin at sa barkada ko. Araw araw na ginagawa ng Diyos nakakatanggap ako ng red roses,mula sa bahay hanggang sa pagdating ko sa school. Lahat ng kakainin ko ay nanggagaling sakanya maski pagkain ng buong barkda. Sinagot ko siya a week before ng graduation niya year 2007. It was 7 pm katatapos ng rehersal para sa graduation program nila. Nasa school ground kami at sa pagod nahiga ako at pinagmasdan ang mga bituin sa langit. Sign ko kapag nahiga siya sa tabi ko sasagutin ko na siya in my way.At nahiga nga siya sa tabi ko.Pagkahiga niya,sabi ko. "Ang sarap pagmasdan ang mga bituin sa langit ano?" "Ou lalo na pag kasama mo ang taong mahal mo" Sagot niya habang nakatingin sa mga bituin. "Tama,na eenjoy kong pagmasdan ang mga bituin dahil kasama ko ang taong mahal ko" sagot ko sakanya at bigla bigla ko nalang pinakawalan ang mga salitang iyon. Napatingin siya sa akin at tumingin din ako ng deretso sa kanyang mga mata at nakita ko kung gaano siya kasaya at kung gaano niya ako kamahal at biglang may konting pangamba akong naramdaman.Naisip ko baka hindi ko kayang suklihan ng pantay ang pagmamahal niya.At isa pa hindi pa ako masyadong nakaka move on kay Mike.Ngunit sobrang saya niya kaya't pinanindigan ko ang aking sinabi. "Mahal mo ako?,i mean mahal mo na ako?"Tanung niya at puno ng galak ang kanyang mga mata.Ngumiti ako at huminga ng malalim. "Opo mr president,mahal na kita" Sagot ko. At bigla siyang tumayo at sumigaw. "Sinagot na ako ng mahal ko,sinagot na ako ni Dana" Napatigil,napalingon,napalabas ang mga kasama namin na nakarinig ng sigaw niya at nag umpisang nagkantaywan ang mga taong kasama namin lalo na ang barkada ko at barkada niya. Tumayo ako para awatin siya sa kakasigaw sa tuwa at napatigil siya ng makatayo ako.Napapaluha siya sa tuwa at hinawakan ang dalawa kong kamay ko at tinitigan ako ng deretso sa mata "You are my first and will be my last love,I promise" wika niya at nakita ko ang sinseredad at yinakap niya ako ng mahigpit. Yan ang kwento namin ni Jay. First boyfriend ko siya,unang lalaking nagpahalaga ng puso ko.At masasabi kong maswerte ako dahil lahat ginagawa niya para sa akin.Maski ang pagbabago ng personality niya gingawa niya. Kilala kasi siyang Bad Boy sa campus.Walang kinakatakutan at dahil lahat takot sa kanya well no one dare to bully or do something bad to me.Pero honestly kahit nagbago siya from being Bad boy to Nice Guy, from looks to personality ay takot pa din ang mga estudyante sakanya,siguro kasi siya ang presidente ng student council.Well advantage yun sa akin dahil ako ang girlfriend lahat ng biyaya na akin (seguridad,mas mataas ng pagrespeto,always the priority,at naging mas famous dahil kada okasyon may pasabog siyang surpresa). Pero lahat ay naglaho makaraan ang anim na buwan. 😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD