ANTOINETTE FRANCISCO Labis ang pag-aalala ko kay Ate Tamia kaya nang sabihin ni Doc Ismael na gising na siya pagtapos ng kanyang seizure ay agad akong pumunta sa silid niya. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring masama sa kanya. Kahit na tutol si Singko na kausapin ko ang ate ay hindi ako nagpapigil. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kanyang silid sa hospital. Labis ang aking awa sa kanya dahil hindi pa man siya nagtatagal sa bahay ni Singko ay bumalik na agad siya sa hospital. Bumaling siya sa gawi ko nang marinig ang pagbukas ng pinto. Agad na tumalim ang kanyang tingin nang magkasalubong ang mga mata. Malalim akong humugot ng lakas ng loob bago tuluyang humakbang papasok. "Anong ginagawa mo rito?" mataray niyang tanong. Ngumiti ako. "Mabuti at gising ka

