Kanina habang nakita niyang unti-unting bumagsak si Vivoree ay bigla na lang kinabahan si Roch kaya naman mabilis ang kanyag naging aksyon at nasalo niya si Vivoree. Nakita niya na namumutla si Vivoree kaya naman dali-dali niyang dinla sa hospital si Vivoree. Pagkadating nila sa emergency room ay halos hilahin na ni Roch ang mga nurse o doctor na kanyang makita. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang nahimatay si Vivoree. Sumunod naman sa kanya sina Octavo at Zach at kitang-kita nila ang pag-aalala sa mukha ni Roch. Habang si Hunter naman ay nagpaiwan sa hotel upang siya na ang mag-take over sa nangyari sa party. "Magiging maayos din siya bro. Kumalma ka dahil baka ikaw naman ang isugod namin sa emergency," hindi naman magawang sumagot ni Roch sa kanyang half-brother na si Zach dahil hi

