(KRICEL’S POV) KAHIT hirap na hirap ay pinilit kong inaangat ang aking kamay upang isaksak dito ang hawak kong kutsilyo na may lason. Gigil na gigil ako nang ibaon ko sa katawan nito ang kutsilyo. Hanggang sa bigla namang lumuwag ang pagkakahawak nito sa leeg ko. Nanlalaki rin ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Ngunit isang malakas na suntok pa ang binigay ko sa leeg nito bago ito tuluyang lumayo sa akin at bumagsak sa lupa. Ngunit abot-abot ang aking paghinga at muntik na akong matigok lalo at sobrang higpit ng pagkakahawak sa aking leeg. Hanggang sa napatingin ako sa ere. Dahil unti-unti nang nawawala ang maitim na usok at ang pumapalit ay ag magandang liwanag sa kalangita. Mukhang alam ko na ang nangyari kay Zetro. Parang gusto kong maiyak ng mga oras na ito. Isabay rin ang

