NANLAKI ANG MGA mata ni Elkanah nang marinig ang sinabi ng dalaga. Louisse... 32 years old... Hindi siya nagkamali ng akala. Pagtaas pa lamang nito ng tingin kanina ay alam niya nang si Louisse iyon. Matagal na panahon man ang lumipas, marami man ang nagbago rito, ay alam niyang ito ang dalaga. Mas pinatunayan lang nito ang pangalan at edad nito. Hindi siya mahina sa math, at alam niyang 32 years old na ngayon ang dating Louisse na nakilala niya. Halo-halo ang nararamdaman niya ngayon. Natutuwa siya. No, he is damn happy. After long 13 years, ay nagkita muli sila nito. At hindi na siya ang dating lampa na Elkanah na ipinagtanggol nito sa mga bullies niya. He is now a grown-up man. Marami na siyang napatunayan sa batang edad niya. At alam alam niyang hindi na siya menor-de-edad kaya anuman

