After 5months. "Hanggang ngayon ba naman, hindi pa din kayo nagkakaayos o nag-uusap ni Jack?" Napahigpit ang hawak ko sa baril ko at napatingin kay Sonia. Hindi ko alam kung bakit kasi nila pinagpipilitan na magkaayos pa kami na tapos na lamang ang mission ko’y ipinipilit pa rin nila ako sa lalaking iyon. "Hindi ako ang kailangan humingi ng tawad sa bob* na 'yon, wala na akong pakialam sa kanya. Tapos na ako sa kagaya niyang walang alam at maging isip bata." Madiin kong sabi at bumalik sa paglilinis ng baril. Hindi ako makapagfucos kapag ganito ang pinag uusapan nawawala ako sa sarili ko matagal ko nang tinapos ang lahat tapos ibabalik ni Sonia ulit ng galit na nararamdaman ko. Miski sa mission na ginagawa ko’y hindi ko mapigilan ang hindi mapaisip kung ano na nga ba ang ginagawa ng lal

